Chapter 29

1.4K 54 7
                                    

Ata's POV

Nakauwi na kami nila Daddy. Ayon naabutan naming wala si tita Lei sa kanilang bahay, siguro nasa work siya ngayon. Ang happy ng Sunday ko kahit di ko nakita ngayon si Tita Lei. Di lang ako mapakali dahil nararamdaman kong may problema talaga si Daddy kahit dini-deny niya palagi kapag tinatanong ko siya. Di ko malaman kung dahil ba kay Tita Lei o talagang marami lang siyang prinoproblema sa kanyang company. Alam ko din na sila na ulit ni tita Lei, dahil kahit di naman nila sabihin sa akin e ramdam ko at pansin ko yon.

May gusto din akong i-open kay Dad, about sa lagi kong napapanaginipan si Mommy Charlene tapos yun at yun parin ang sinasabi niya na she's not my true mom daw, na hindi niya daw ako anak, yun parin yung place lagi kapag napapanaginipan ko siya. Tapos magigising nalang akong umiiyak. Ang dami kong gustong itanong kay Dad kaso halatang lagi siyang pagod everytime na uuwi siya. Kukuha nalang siguro ako ng right time para sa mga gusto kong itanong sa kanya.

Parang umiiwas din sa akin si Tita Lei this past few days dahil hindi siya sumasagot sa mga text and tawag ko. Dati naman kasi every morning she's always texting me ng "Goodmorning Dear! Ingat and Godbless :*" pero ngayon wala siyang text sa akin as in wala talaga. Sinubukan ko siyang i-chat minsan nung nakita ko siyang online pero na seenzone lang ako. May nararamdaman akong kirot sa aking puso dahil sa ginagawa niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako nasasaktan kapag di siya nag-rereply, di sumasagot sa mga tawag ko, at lalo na nung na seenzone niya ako. Hay! Ang weird ko na talaga.

Subukan ko kayang i-text siya ulit ngayon? Kapag di pa talaga siya nag-reply mag-tatampo na ako. Swear!

Ako: Hi Tita Lei! I miss you :(

After 10 minutes nag-vibrate ang phone ko and tinignan ko kung siya ang nag-reply at siya nga.

Tita Lei: I miss you too.

Matipid niyang reply.

Ako: Are you busy?

Tita Lei: Yes, busy sa rehearsal with Darlene.

Aray! Bakit ganito siya mag-reply sa akin ngayon? Ang cold niya masyado.

Ako: Ay sorry po, naistorbo pa kita.

Then di na siya nag reply.

Ano kayang nangyayari sa kanya? Baka meron siya today kaya masungit? Ay ewan. Pero nakakatampo na talaga. Hmp.

Lea's POV

Nandito ako ngayon sa Resorts World, nag-rerehears kami ngayon dito para sa gagawin naming performance on Saturday. Nakatanggap ako ng text from Ata at nireplayan ko na dahil hindi ko na siya matiis na i-ignore lagi. Ilang araw ko na siyang ini-ignore sa mga text and tawag na ginagawa niya sa akin, na seenzone ko din siya ng isang beses nung i-chat niya ako. Alam ko nag tatampo na yon sa akin pero kailangan ko itong gawin dahil ang hirap mapalapit sa kanya masyado, baka bumigay ako bigla sa pagiging Mommy sa kanya. Natatakot ako. Halos 1 week na din yata kaming hindi nag-uusap ni Aga dahil nga sa inasal niya nung nagkita kami sa Eastwood, pero aminado naman akong may mali din ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko everytime na pumapasok sa isip ko yung magiging reaction ni Ata kapag nalaman n8ya ang totoo. Ayaw kong kamuhian ako ng anak ko sa hindi ko naman ginawang kasalanan pero kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo pare-pareho kaming may kasalanan dito na dapat namin panagutan at aminin sa aming mga sarili. Gusto ko ng matapos itong problemang 'to dahil nahihirapan na din talaga ako pero hindi ganon kadali.

Nakauwi na ako dito sa bahay, mga 7:30 PM na din ako nakarating dito. Wala ang mommy dahil nakila Gerard siya ngayon. Pagkauwi ko sinalubong ako agad ni Manang ang isa sa mga kasambahay namin.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon