Lea’s POV
Inumpisahan na naming mag-inuman dito. Kumakanta ngayon si Shawi ng Mr. Dream boy kaya natatawa kaming anim dahil throwback kung throwback talaga ang song choice nya. Gusto nila ako ang maunang kumanta kanina pero wala pa sa mood yung boses ko.
Medyo namumula na yung mukha ko, ganito kasi talaga ako pag umiinom ng alak eh.
“Lea tapos na si Shawi! Ikaw naman.” Sabi ni Chard sa akin.
“Sige lang, kayo muna.” Sagot ko kay Chard.
“Kj mo naman Lea.” Sabi ni Shawi ng pabiro.
“Sige na nga! Ano bang gusto nyong kanta?” tanong ko sa kanilang lima.
“Bakit Labis Kitang Mahal.” Suggest ni Dawn.
“Nyak! Gasgas na yan eh, yung iba naman please.” Sabi ko sa kanila.
Lumapit si Gabby sa akin at may ibinulong, kaya ito namang si Aga na feeler nag-react agad.
“Hoy Gabby! Kung ano-ano nanaman pinag sasabi mo dyan ah. Umayos ka.” Sabi ni Aga kay Gabby.
“Ang feeling nito, di naman about sayo yung binulong ko eh.” Sabi naman ni Gabby, kaya ngumuso nalang si Aga. Ang cute nya, kinikilig ako! Kung hindi ka makikilig dyan! Mandhid kana! Hahaha! Chos.
Binulong sa akin ni Gabby yung 1st song na kinanta sa akin ni Aga nung mga time na medyo nagkaka problema na kami sa relasyon namin because of my parents, ayon daw yung kantahin ko. Edi go! Nag-pasuggest ako eh.
Pina-play ko na sa videoke yung kantang You by Karen Carpenters, ayan kasi yung kinanta sa akin ni Aga after ng taping namin ng Sana Maulit Muli na movie. Nagpatulong sya kay Gabby and Chard, ang corny nya talaga noon pero ako naman itong si kinikilig.
Intro palang ng tugtog alam na ni Aga kaya nag cover sya ng face nya.
“Hala! Gago ka talaga Gabby! Sige lang pagtripan nyo ako.” Sabi nya habang nag piplay yung intro.
“Lelat mo Aga! Kinikilig ka din.” Sabi naman ni Chard kaya natatawa na silang lahat dito.
(Paki play nalang po yung song while you’re reading this chapter maiiyak kayo.)
Aga’s POV
Inumpisahan na ni Lea kumanta, nakatitig lang ako sa kanya habang binibigkas nya ang bawat salita ng kanta.
You are the one who makes me happy
When everything else turns to gray
Yours is the voice that wakes me mornings
And sends me out into the dayAfter nya bigkasin yung last lyrics ng first stanza nilingon nya ako sa seryosong mukha.
You are the crowd that sits quiet list'ning to me
With all the mad sense I make
You are one of the few things worth remembering
And since it's all true, how can anyone mean more to me than you.Siopao naman oh! Bakit parang nag flaflashback lahat sa isipan ko yung mga pinag daanan namin noon, naiiyak na ako! Pero kailangan kong pigilan! Ayokong mag-padala sa mga ganitong pangyayari.
Sorry if sometimes I look past you
There's no one beyond your eyes
Inside my head the wheels are turning
Hey sometimes I'm not so wiseYou are my heart and my soul, my inspiration
Just like the old love song goes
You are one of the few things worth remembering
And since it's all true, how could anyone mean more to me than youHindi ko na kinayang pigilan pa ang mga luha kong gusto ng umagos kanina pa. Lumabas ako ng music room at iniwan sila doon, ayokong ipakita kay Lea na umiiyak ako! Ayokong ipakitang mahal ko parin sya.
Nandito ako ngayon sa Balcony nila Sharon, umiiyak parin ako, bakit ba kasi hindi ko mapigilan? Bakit ba kasi ang sakit parin kapag bumabalik lahat ng pangyayari noong panahong kami pa?