Chapter 53

1.1K 52 6
                                    

Lea's POV

Nang makapasok ako dito sa kwarto ni Atasha agad akong humiga sa kama niya. Akala ko nasa baba siya, pero nasa cr pala.

"Mommy? What are you doing here po?" Tanong niya pagkalabas ng cr.

"Dito ako matutulog ngayon baby. Okay lang ba?"

"Yup mom. Pero paano po si Dad? Wala siyang katabi."

"Matanda na ang daddy mo. Okay lang sa kanya kahit wala siyang katabi."

Natawa naman si Atasha sa sinabi ko.

"May argue po kayo no?"

"Wala naman, hindi naman kami nagtalo kanina. Naiinis lang talaga ako kasi binadtrip na nga niya ako baby tapos makikipag sabayan pa siya ng inis." Sagot ko kay Atasha na nakaharap sa salamin habang sinusuklay niya ang kanyang buhok.

"Ganon po? Baka siya rin po nainis na. Naku mommy mis-understanding lang po yan. Nakakaloka po kayo kung mag-away, para kayong teenager."

"Ay ewan ko ba diyan sa Dad mo baby."

Parehas kaming napalingon nang pumasok si Aga dito sa kwarto ni Ata.

"Atasha, I'll be gone in 1 week. Meron akong business meeting sa China." Seryosong sabi ni Aga.

Aba! Parang wala lang talaga ako dito hah? Talagang pinanindigan niya? Let see Aga Muhlach kung sino ang mananalo sa huli.

"Okay po Dad, kailan po ang alis nyo?" tanong ni Ata.

"Tomorrow, around 3:00 PM."

"Ah okay po. Hahatid po namin kayo ni..." Hindi na pinatapos ni Aga si Atasha sa kanyang sasabihin.

"No, you don't need na. Ihahatid ako ng ninong Chard mo."

Magrereact pa sana si Atasha pero agad ng lumabas si Aga.

Napatingin nalang sa akin si Atasha at nagkibit balikat siya.

Dapat lang talaga siyang lumabas agad dahil naaasiwa ako sa pagkaseryoso niya. Nakakainis talaga!

Bago kami matulog ni Ata, nag kwentuhan muna kaming dalawa.

"Mommy?"

"Yes baby?"

Bago siya magsalita humarap muna siya sa akin tsaka niya ako niyakap.

"Thank you po."

"For what baby?"

"For always being there no matter what happen. Kahit na ang pasaway namin ni Dad." Parang biglang lumambot ang puso ko sa binitawang mga salita ng anak ko.

"Naku naman, syempre baby mahal ko kayo parehas eh." Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang ako ay nagsasalita.

Ngumiti siya sabay halik sa pisngi ko. "I love you so much mommy!"

"Ang sarap namang pakinggan non baby, I love you more and most always my baby dear." Sabay halik sa kanyang noo.

Hanggang sa nakatulog na siya kakawento ko.

Hindi agad ako nakatulog dahil kay Aga. Napapaisip lang kasi ako. Kaya niya ba talagang umalis ng hindi kami in good terms? Ano bang ikinagalit niya? Di ba nga dapat ako ang magalit? Hay!

Ang hirap din talaga minsan intindihin ng babes ko, pero kahit ganon pa man love na love ko yon.

Nagising ako nang may narinig akong nabasag mula sa labas ng kwarto.

Napatayo ako agad sa gulat ko. Paglabas ko nakita kong duguan ang kamay ni Atasha, nabubog yata siya sa nabasag na baso at pinggan.

"Mommy!" Umiiyak na tawag sa akin ni Atasha na nakadapa. Agad ko naman siyang nilapitan at tsaka itinayo.

"My goodness! What happened?!" Pasigaw na tanong ni Aga.

"I don't know. Pagkalabas ko duguan na ang kamay niya and she's crying." Sagot ko.

Tinapik ni Aga ang noo niya. "Ano ba kasi eh! Maghahanda lang ng breakfast si Atasha pa kasi." pagsusuplado niya.

Nainis ako sa sinabi ni Babes dahil may halong insulto sa akin.
Sa sobrang inis ko, nabuhat ko si Atasha pababa ng sala kahit na medyo mabigat siya.

"Oh saan mo dadalhin si Ata?" Tanong ni Babes pero hindi ko siya sinasagot.

"Manang pakidala po dito yung medicine kit." Utos ko kay Manang. Agad naman niya itong kinuha at ibinigay sa akin.

Hindi parin matigil sa kakaiyak si Ata, syempre dahilan na rin ng hapdi at sa nakikita niyang dugo.

"Stop crying na baby. Gagamutin na ni Mommy okay? Brave ka di ba?" Mangiyak-ngiyak kong pag papakalma kay Ata.

Hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Babes eh. Parang sinasabi niya kasing napaka pabaya kong Ina.

Nang makita ni Ata na bubuhusan ko ng alcohol yung kamay niyang may sugat agad siyang nag react. "Mommy ayaw ko! Mahapdi yan."

"Baby tiis muna pwede? Kailangan natin siya lagyan nito eh." Kalmadong paliwanag ko sa anak kong hindi matigil sa pag-iyak.

Pinasadahan ko ng tingin si Aga na nakatayo sa harap namin at nakatunganga lang. Nakakainis! ang sarap niyang painumin ng alcohol para matinag siya sa pagtutunganga lang niya.

"Wag mo nalang tignan baby. Pikit kana lang." Utos ko kay Ata.

Sinunod niya naman yung sinabi ko.

"ARAY!!! Mommy ang hapdi!" Sigaw niya habang umiiyak.

"Baby konting tiis nalang. Malapit na matapos." Sabi ni Aga sabay yakap kay Ata habang hinahagod yung likod.

"Naku Aga! May nakabaon na mga bubog sa kamay niya! Ready your car now! Dadalhin natin siya sa hospital." Natatarantang utos ko.

Agad naman niyang kinuha yung susi ng kotse.

"Baby relax ka lang hah?" Sabay punas sa mata ni Ata na hindi matigil sa pag-iyak.

Agad na binuhat ni Aga si Ata papunta kotse. Sumakay na rin ako agad.

"Manang kayo po muna ang bahala dito." Sabi ni Aga kay Manang.

"Osige anak. Balitaan nyo ako hah?"

"Yes manang." Sagot niya sabay paandar ng kotse palabas ng bahay.

After 30 minutes nadala na namin si Atasha dito sa hospital.

Buti nalang at inasikaso naman siya agad ng Doctor.

Nang tatanggalin na nila yung mga bubog sa kamay ni Ata na nakabaon, lumabas si Aga. Siguro ayaw niyang makitang nasasaktan at nahihirapan ang anak namin.

Akala ko konting bubog lang ang naibaon sa palad ng kamay niya, medyo marami pala. Siguro nung madapa siya naitukod niya yung kamay niya sa may maraming bubog mula sa baso't pinggan na nabasag.

After a minutes natapos din. Binigyan kami ng mga gamot na bibilhin para makatulong sa pag galing agad ng sugat ni Ata.

Nang pauwi na kami binalot kami ng nakakabinging katahimikan.

Nang lingunin ko si Babes sakto namang nakatitig siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin. Take note! Hindi pa kami bati. Naiinis parin ako sa sinabi niya kanina.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko. Tinitigan ko ang mga mata nya. "Hindi ko kayang umalis ng hindi tayo okay kaya sorry na po babes." Sabay kiss sa kamay ko.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon