Atasha's POV
Nagising ako ng wala sa oras dahil sa tunog ng phone ko. Chineck ko ito.
Grandma is calling.
Ako: Good morning, Grandma!
Grandma: Good morning too, birthday Girl!
Ako: Ayiiieeh! Naalala niyo po.
Grandma: Of course! How can I forget your special day di ba? Hehe! Kakagising mo lang no?
Ako: Yes po. Nagising po ako sa tawag niyo.
Grandma: Oh, sorry apo. Nagising ka tuloy ng wala sa oras.
Ako: No, it's okay Grandma. 8:30 AM na din po kasi dito sa Pinas. Time to wake up na po talaga. Hehe!
Grandma: Oh okay. Happy birthday, Apo! Enjoy your special day. Wag kakalimutang mag punta sa church hah? To be follow nalang ang gift namin ng Grandpa mo sayo.
Ako: Thank you po. Yes I will po.
Grandma: Kakausapin ka daw ng grandpa mo.
Grandpa's on the line.
Ako: Hello to my handsome grandpa! Good morning!
Grandpa: Good morning, apo! Happy birthday! Mag-iingat ka today hah? And enjoy. All the best for you.
Ako: Thanks, Grandpa! Yes I will po.
Grandpa: Okay. Ibibigay ko na itong phone sa Grandma mo.
Grandma's on the line.
Grandma: Apo, just a piece of advice. I know you're a teenager now. Not so baby na. But always know your limits okay? Study hard to make your parents proud. We love you so much, always remember that. Nandito lang kami if you need us.
Hayyyyy! Dahil sa mababaw ang luha ko. Hindi ko napigilang maiyak.
Ako: Noted Grandma! Ang aga niyo po akong paiyakin. Hehe! I love you more po. See you soon please? Hihi!
Grandma: Soon apo, soon! Regards nalang to your Dad and Mom. I have to go. Once again, happy birthday!
Call ended...
After kong kausapin sa phone sila Grandma and Grandpa, tumayo na ako para maligo.
After kong maligo bumaba na ako para pumunta sa kusina namin.
Himala! Nauna pa akong magising kila Dad and Mom.
"Manang Vonel!" Tawag ko kay Manang dahil pati siya wala parin dito sa baba.
"Yes anak? Pababa na wait lang." Nakita ko nga si Manang na pababa sa hagdan.
"Nasaan po sila Dad and Mom? Tulog parin po ba sila?" Tanong ko kay Manang pagkababa niya.
"Nasa taas sila. Kanina pa sila gising. Tapos na din sila kumain ng breakfast."
"Ay ganon po ba? Kayo po kumain na po ba kayo?" Tanong ko kay Manang.
"Tapos na din anak. Ano bang gusto mong kainin?"
"Manang pancake, please?" Paglalambing ko sa kanya.
"Okay sige. Maupo kana diyan at magluluto lang ako saglit."
"Manang you forgot something." Nilingon naman niya ako.
"Hah? Ano?" Hayyy! Ang gandang bungad! Si Manang pa talaga hah? Si Manang Vonel pa talaga ang di makakaalala sa birthday ko? How sad!
"Wala po never mind." Sagot ko sa kanya ng matipid. Binalik din niya ang focus sa paghahanda ng breakfast ko.
Sa wakas natapos din siya magluto ng pancake. Nilagyan niya ng madaming chocolate and strawberry syrup yung pancake ko. Yipeee! Sooo yummy!
Umupo siya sa harap ko.
"Ano? Masarap?" Tanong niya sa akin ng nakangiti.
"Yes po. Kayo po kaya ang isa sa mga pinaka the best gumawa ng pancake. Can I have your secret recipe, Manang? Hehe!" Natawa naman siya sa akin.
"Asus! Bolera ka na namang bata ka." Sabi niya sa akin tsaka siya tumayo.
"Where are you going, Manang?" Tanong ko.
"Papatayin ko lang yung ilaw sa kwarto ko. Nakalimutan ko yata." Tumango nalang ako.
After a minutes. Bumalik ulit si Manang dito sa dining area namin.
She's so weird today. Ano bang nangyayari kay Manang? Parang she's trying to hide something sa likod niya.
"What's wrong with you Manang? Okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.
Natawa lang siya sa akin. "Happy birthday!" Bati niya sabay bigay ng gift niya for me." Awwww! How sweet!
"Manang!" Sigaw ko ng ngiting-ngiti sa kanya. Tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Happy birthday, anak! Sana magustohan mo yang gift ko." Hinalikan niya ako sa noo. Nakayakap parin ako sa kanya. Hindi ko mapigilan yung iyak ko. Okay, sige na ako na ang iyakin. Haha!
After kong kumain ng breakfast, umakyat ako para ilagay yung gift ni Manang sa kwarto ko at para puntahan sila Mom and Dad sa room nila.
Kumatok ako pero walang sumasagot. Naka lock din ang pinto ng kwarto nila.
Bababa sana ako pero nakita kong paakayat si Manang.
"Manang." Tawag ko sa kanya.
"Yes, Anak?"
"Nasaan po sila Dad? Sarado po kasi yung pinto ng kwarto nila."
"Nasa movie room sila. Tara puntahan natin."
Nasa likod ko lang si Manang nakasunod sa akin habang paakyat kami ng 3rd floor papunta sa movie room namin.