Lea's POV
Thank God! The first surprise is successful! Wohooo!
"Babes, by 12:00 PM pupunta na tayo ng Sofitel hah? Tinext na kasi ako ng organizer ng party ni Ata." Tinignan naman ni babes ang relo niya at tumango lang siya.
Habang nag-aayos ako ng mga kailangan naming dalhin mamaya sa party, lumapit sa akin si Babes at bigla niya akong niyakap mula likod. "Kaya pa?" Tano niya sa akin.
"Yes po. Kayang-kaya pa." Natawa naman siya sa sagot ko.
"Buti nalang nag-iisa lang siya no? Paano pa kaya kapag may isa pa tayong baby na mas bata kay Ata? Siguro stress na stress ka ngayon."
"Haha! For sure. Pero sana magkaroon pa tayo ng little Aga."
"Why not Babes. Bata pa naman tayo eh." Tumango lang ako sa kanya.
"Parang hindi ka naman agree sa sinabi kong bata pa tayo eh." Dagdag pa niya. Natawa ako sa itsura niya. Haha!
"Hindi naman sa hindi ako agree Babes. But we need to accept the fact na mahihirapan na tayong gumawa pa ng little Aga." Nalungkot siya bigla. Siguro narealize niya yung point ko.
"But don't worry. Hindi pa naman natin alam ang mga pwedeng mangyari in the future eh. Malay natin di ba?"
"Yes kaya for now si Atasha muna ang isipin natin. No pressure. Haha!"
Nawala ang focus namin sa isa't-isa nung may kumatok sa pinto ng kwarto namin.
Pagkabukas ni Babes, si Ata pala. Pumasok siya dito sa loob ng kwarto.
"Mommy para saan po yang mga yan?" Tanong niya sa akin.
"Para sa pupuntahan kong event mamaya Baby." Medyo kinakabahan ako hah. Babes help me! Wag kang tumunganga diyan.
"Too formal Mom. Are you with Daddy po ba later?" Tanong niya ulit.
"Uhm yes. Kaya hinahanda ko rin yung suites niya."
"Uhm okay po. I thought my work ka ngayon Dad?" Oh my golly! Hindi kaya siya nakakahalata?
"Cancelled yung meeting ko ngayon kaya sasamahan ko nalang ang Mommy mo." Sagot ni Babes.
"Anong event po ba yan?" Hay Ata! Ano ba? Ang daming tanong.
"Birthday ng Director namin ng Dad mo sa Bakit labis kitang mahal na movie namin dati." Sagot ko. Sige pa Lea galingan mo pa.
"Ah okay po. Buhay pa pala yung Director niyong yon?" Tanong niya ulit.
"Oo naman baby. Malakas pa yon." Tumango lang siya.
"Eh ikaw? Bakit nakabihis ka?" Tanong ni Aga sa kanya.
"Pupunta po akong church with Avril. Since may lakad po kayo ngayon, sa kanya nalang po ako mag-papasama." Sagot niya kay Aga.
"Mag-papahatid ba kayo baby?" Tanong ni Aga.
"Nope Dad. Si Ninong Chard nalang daw po ang maghahatid at susundo sa amin mamaya." Nakangiting sagot niya.
"Uhm okay. Mag-iingat kayo hah? Umuwi agad after church." Bilin ni Aga. Tumango lang si Ata sa kanya.
Palabas na si Ata pero tinawag ko siya ulit. "Baby!" Lumingon naman siya. "Yung dinner natin mamaya wag mong kakalimutan."
"Yes I will Mom. Kayo rin po sana. Wag niyo po sanang makalimutan." Natatawang sagot niya at tuluyan na nga siyang lumabas ng kwarto.