Chapter 10

1.3K 46 0
                                    

Aga’s POV

1 week na ang nakalipas mula nung makauwi kami dito sa Manila, ito back to work na naman kaming magbabarkada, busy-busyhan nanaman ang peg namin lahat. 2 days na din kaming hindi nag-uusap ng anak ko. Medyo nagkasagutan kami kaya ayon tampo moment ang peg naming dalawa..ipinipilit nya kasi yung kagustuhan nyang mag-aral na sa school, home study lang kasi si Ata eh, siguro nabobored na din sya dito pero ayoko pa din syang payagan gusto kong maging private ang life nya.

Nag-usap na din pala kami ni Lea na wag na wag nya munang sasabihin kay Ata na sya ang totoo nyang mommy dahil ayokong mabigla ng ganon-ganon nalang yung anak ko pero kitang-kita ko sa mga mata ni Lea ang lungkot dahil sa paniniwala ni Ata na si Charlene ang totoo nyang ina pero hindi rin ako masisisi ni Lea dahil  nangyari na eh kaya wala na din syang dahilan para magalit.

Tumunog ang cellphone ko, nang aking buksan nakita ko ang text ni Ata.

Baby Ata: Hello Daddy! Goodmorning po, sorry if I don’t want to talk to you this past few days dahil nga sa sagutan natin pero I understand na po kung ano yung point mo kaya bati na po tayo ah? I love you my dearest daddy don’t forget to eat on time.

Ayan ang sweet text ni Ata sa akin, kaya agad naman akong nag-reply.

Ako: Goodmoring too baby, sorry din hah kung nasigawan kita noong nakaraang araw. Pagod lang talaga nung time na yon si daddy and thank you dahil naiintindihan mo na yung point ko. All I want is yung kaligtasan mo lang naman eh. I love you too my dear, yeah I will! You too don’t forget to eat on time.

Yan naman ang reply ko kay Ata sabay balik ulit sa ginagawa kong trabaho.

Lea’s POV

Two days ko ng hindi nakikita si Ata, namimiss ko na sya, pero baka kasi makahalata sya kapag araw-araw ko syang i-text or puntahan doon sa bahay nila. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko para mapaniwala kong ako yung totoo nyang mommy in the right time.

Tapos na rin kaming magka sagutan ng grabe ni Mommy Ligaya noong pagkarating na pagkarating ko galing Boracay. Pero nagkaayos din naman kami agad dahil halata namang nagsisisi sya sa mga nagawa nya at halatang miss na miss nya din maging isang lola kay Ata.

Kung iisipin ko mahirap ang aking kalagayan sa ngayon pero mas mahirap nga talaga ang naging kalagayan ni Aga noon, dahil hindi lang sya naging Ama kay Ata noong una naging Ina din sya. Kung maibabalik ko lang ang lahat pero hindi naman ganon kadali eh.

Hindi ko maiwasang umiyak sa gabi dahil kay Ata at lalong lalo na ng dahil kay Aga, nakakahiya kasi yung ginawa sa kanya ng pamilya ko eh gusto kong bumawi sa kanya at kung tatanungin nyo ako kung mahal ko pa sya? Oo mahal ko pa sya.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon