Atasha's POV
Nauna kaming nagising ni Lola. Mommy's still knock out. Hahaha! Kaya kami na ni Lola ang naghanda ng breakfast.
Nagselfie ako kasama si Mommy na tulog tsaka ko sinend kay Daddy. "Good morning daddy! I'm already up while your sleeping beauty is still sleeping. Take care! I love you! (hug&kisses)"
Agad namang nagreply si dad. "Hahaha! Napagod yata sa bonding nyo kahapon baby. I'm on my way na papuntang meeting, kumain kana ng breakfast hah? I love you more! hug&kisses too."
Nireplyan ko ulit si Dad. "Yes dad, I will po. You take care po ah? mwahhh!"
Hindi ko na inantay pang mag-reply ulit si dad sa akin kaya bumaba na ako para pumunta kay Lola sa may kusina.
Naabutan ko syang nagpriprito ng tocino. "Wow lola! Ang bango po."
Natawa naman si lola sa akin. "Gising na ba ang mommy mo apo?"
"Hindi pa po, she's still sleeping parin." sagot ko naman kay lola.
"Napagod siguro kahapon."
"Baka nga po, kasi siya po ang nag drive buong araw eh."
"Ganon ba? buti naman kinaya niya. Hehe!"
"Kinaya naman po niya."
"Alam mo ba kung ilang taon natutong mag drive yang mommy mo?"
"Hindi po eh."
"Hahaha! 30 years old na siya nung matuto siyang mag drive." natatawang sagot ni lola.
Parang hindi pa ako makapaniwala kay lola na 30 years old na si Mommy nung natutong magmaneho.
"Ano apo? parang hindi kapani-paniwala ano? haha!" tanong niya ulit kaya natawa na ako.
Magsasalita na sana ako pero biglang may sumingit. " Uhhhmmm! Ang bangooo!" Nang tignan ko si mommy pala.
"Oh! The sleeping beauty is already up." Sabi ni lola.
"Goodmorning to the both of you." Sabay yakap sa amin ni Mommy.
"Goodmorning too Mom." Bati ko din.
"Ang aga nyo yata nagising? Himala!" Puna naman ni mommy.
"Haha! Why himala? late ba lagi magising si Ata?" tanong ni lola.
"Yes Mom, madalas po." sagot ni mommy kay lola.
"Ah kaya pala. Umupo na kayo at kakain na tayo." sabi sa amin ni Lola.
Wala kasi si Manang Vonel ngayon, nag 1 week day off siya.
Nang matapos kaming kumain, si mommy ang nag hugas ng pinggan. Kami naman ni Lola ay dumiretso sa may sala, pero bago ako pumunta sa sala kinuhanan ko muna ng stolen pic si mommy habang naghuhugas. I-sesend ko kay Dad. Hahaha!
Sinend ko na nga kay Dad. Hindi pa siya nag re-reply, baka nasa meeting pa kasi yon.
"Finally! Natapos din!" Sigaw ni mommy. Natawa si Lola, I don't know why?
"1 hour and 30 minutes kang nag huhugas don anak." sabi ni lola ng natatawa.
"Eeeehh! Mom naman." hala pabebe si Mommy eh.
"Hindi ka po ba sanay maghugas Mommy?" tanong ko.
"Baka sanay anak, nagtagal nga ako ng ilang oras eh." pilosopong sagot ni mommy kaya natawa ako.
"Halata naman po sa face nyo eh, like this po oh." sabay bigay ng iphone ko.
Natawa naman siya sa picture niya. Buti naman at hindi nagalit si Mommy.
Ibinigay niya na sa akin after niyang tignan ang pic niya.
May nagtext sa kanya, tinanong ni Lola kung sino daw. "Yung assistant ko po mom." sagot ni Mommy.
"Ano ang sabi?" tanong ulit ni Lola.
"Guest daw po ako bukas sa Showtime." Sagot naman ni Mommy.
Pero teka, guest siya bukas sa showtime? As in bukas? Eh uuwi na si Dad bukas ng madaling araw eh.
"Mom? di ba po bukas ang uwi ni Dad?"
"Oo nga eh, i-tetext ko nalang siya. Tsaka madaling araw naman ang uwi niya eh." Tumango nalang ako.