Aga's POV
Goodmorning! Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan kagabi. Hindi ko manlang nai-check yung anak ko bago ako makatulog. Tsk! Sa pagod ko na din siguro.
"Aga? Hijo?" Pang-gigising ni Manang Vonel sa labas ng kwarto ko habang kumakatok sa pinto.
Tumayo na ako at pinag binuksan sya ng pinto para masabi ko na gising na ako.
"Hi Manang. Good morning! I'm already up." Bati ko kay Manang ng nakangiti.
"Anong good morning ka diyan? pasado alas dose na anak." sabi naman sa akin ni manang kaya napatingin ako sa relo ko.
"Hala! Manang? bat ngayon nyo lang po ako ginising?" Pagtatanong ko kay Manang.
"Sabi ng anak mo pagod ka daw kaya wag ka daw muna gisingin at sya nga pala basahin mo daw yung iniwan nyang note sa office mo." sabi sa akin ni Manang kaya pumunta ako agad sa office ko.
"Hello Daddy! Good morning! Hindi po muna talaga kita pinagising kay Manang para kahit papaano makapag pahinga ka naman po kayo, alam kong pagod na pagod ka na po sa kakatrabaho eh. Ayokong magkasakit po kayo. Dad, sunod ka po sa ABS-CBN later kasi isa ka daw po sa guest ni Vice ganda mamaya sa GGV, mag-pagwapo ka po ah? Hehe. I love you Daddy! The best father ka forever." Yan ang note ni Ata sa office ko. NOTE? Eh mukha na tong short letter eh. Ang sweet-sweet talaga sa akin ng anak ko. Manang-mana sa daddy. Pero loko-loko talaga si Goma! pinush talaga nya yung sinabi nya nung nakaraang araw! Haha.
Nasira yung pag-momoment ko dahil nag ring bigla yung phone ko.
"Hello Ata." Bati ko sa anak ko.
"Anong Ata ka diyan! Si Chard 'to. Oy Muhlach! pumunta ka mamaya ah? Wag kang kj dyan!" sabi sa akin ni Goma.
"Tse! Baliw ka talaga! Kupal ka! Pinairal mo nanaman yang pagiging maloko mo. Ilang years din akong nawala sa mga shows and movies tapos bibiglain mo ako ng ganito! Tantado ka pare, hindi ako pupunta bahala ka!" pasigaw kong sabi kay Goma.
"Sige wag kang pumunta at magkalimutan na!" pananakot na sagot sa akin ni Goma.
"Wahaha! dinamay mo pa yang anak ko sa kalokohan mo! Joke lang pupunta ako. Ingatan mo yang anak ko, mahirap gumawa ng ganyan ulit! Hahaha!" pambibiro ko kay Chard.
"Tarantado! Oo iingatan ko si Ata don't worry." sabi naman nya.
"Okay sige! I'll hung up na pare at kikilos na ako, bye!" pag-papaalam ko kay Goma.
Bumalik na ako sa kwarto para maligo at para mag-ayos ng sarili ko! Kailangan kong mag-pagwapo, 9 years din akong hindi nagpakita sa TV screen.
After 1 hour natapos din ako mag-ayos.
Bumaba na ako para kumain.
"Uy hijo! ikaw ba yan? ang pogi-pogi ah!" Puri sa akin ni Manang Vonel.
"Asus naman si manang. Pinapalakas nyo lang po ang loob ko sa pambobola nyo eh, hehe!" sabi ko naman sa kanya.
"Hindi kaya! pero handa kana ba talagang magpakita ulit sa TV?" tanong naman sa akin ni manang.
"Handang-handa na po manang." sabi ko naman sa kanya.
"Eh paano kung magtanong sila about kay Lea?" tanong ulit ni manang.
"Edi sasagutin ko po manang, ikaw po talaga. hehe!"
"Eh kung about naman kay Ata ang tatanungin nila? Sasagutin mo?"
"Yes manang sasagutin ko po pero may mga limits yung pag sagot ko about sa anak ko para still secured pa din sya." sabi ko kay Manang.
"Mabuti yan hijo." sabi sa akin ni Manang.