Lea's POV
Sinundan ko si Atasha kung san siya nag punta.
Nandito kami ngayon sa garden.
"Can we talk my dear?" tanong ko sa kanya.
Tanging tango lang ang kanyang sagot.
"Wag na sad dear. Sige ka malulungkot din ako niyan." Sabi ko kay Atasha habang hinahaplos ang kanyang malambot na buhok.
"Tita I want to go to Resorts World later, I don't want to go with daddy sa kanyang business meeting." Sabi sa akin ni Ata ng mangiyak-ngiyak.
"Sshhh. Don't cry dear. Everything will be fine, okay? I'll try to talk to your dad later." sabi ko sa kanya kaya lumiwanag ang mukha.
"You will do that for me tita?" tanong niya ng nakangiti.
"Oo naman." Sagot ko sa kanya.
"Pero mag-sorry ka muna sa dad mo dahil mali yung ginawa mo sa kanya kanina."
"What? No tita. I can't do that po. Siya ang may mali, siya po ang unang nanigaw kaya he will be the one to say sorry first." Katwiran ni Atasha.
Aba matigas din pala itong anak ko. Medyo ma-pride, anak ko nga siya. Nakakaloka!
"No dear, kahit siya pa ang nauna kailangan mo parin mag-sorry dahil hindi tamang sigawan ang mas nakatatanda sayo right?"
"Okay fine po." Sagot niya.
Pumasok na kami ulit ni Ata sa loob ng bahay.
"Nakausap ko na siya. Okay na daw." Sabi ko kay Aga.
Ito namang si Aga gusot pa din ang mukha. Halatang galit parin siya sa ginawa ni Atasha.
"Atasha? ano na ulit yung sasabihin mo kay Daddy mo?"
Huminga muna ng malalim si Atasha bago mag salita."Dad sorry dahil nasigawan po kita kanina but wether you like it or not pupunta po ako sa Resorts...."
Hindi na pinatapos ni Aga si Atasha sa pagsasalita.
"No! Sa ayaw at sa gusto mo sa akin ka sasama okay?! Wag mo akong hamunin Atasha Lorraine." Galit na sambit ni Aga.
"No! Ayokong sumama sayo. Bahala ka daddy basta ayoko! Ayoko!"
"Bahala ka din. Basta sasama ka!"
"Ano ba kayong dalawa, nasa harapan kayo ng hapag kainan oh. Huminahon nga kayo." Saway ni Mommy sa kalmadong boses.
"Sorry po Tita." Sabi ni Aga sabay walkout.
Ano ba to! Ang hilig nila sa walkout moment -_- nakakapagod ng sumunod hah!
Pero kahit nakakapagod sinundan ko parin si Babes.
"Ano ba Babes, masyadong mainit ang ulo mo ngayon." Sabi ko sa kanya.
"Yang anak mo kasi eh. Nakakapang init ng ulo." supladong sagot niya.
"Ssshh! control your voice baka marinig ka niya."
"Ay ewan ko. Nakakainis babes!"
"Wag kang ngang pa-suplado type diyan! Lalo kang pumopogi eh." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Kaya ayon natawa tuloy siya.
"Sus! Nambola ka pa diyan babes, sorry hah? Birthday na birthday mo ganito inasal namin ni Atasha. Sorry din dahil hindi talaga kami makakapunta later." Nalungkot naman ako ulit sansinabi niyang hindi sila makakapunta.
"I understand Babes. Pero kailangan ba talagang kasama si Atasha sa business meeting mo?"
"Yes Babes. Kailangan eh, after kasi ng business meeting ko may party na magaganap eh kailangan ko siyang maipakilala sa mga business partners ko."
"Ah okay. Kaya pala."
Okay ako ng okay. I understand ako ng I understand pero bakit ganon? May nararamdaman akong kirot sa aking puso? Hay! Aga naman kasi eh. Maaga nyo nga ako binati pero hindi naman pala kayo makakapunta. How sad! Uy sa isip ko lang ito ah? Syempre hindi ko kayang mag-maarte sa kanya ngayon dahil para sa company niya yun. Tsaka importante naman kasi talaga.
After naming mag-usap ni Aga. Napag desisyunan na din nilang umuwi.
Nang makalabas na kami sa bahay para ihatid sila sa garage namin kung saan nila pinark ang kotse nila kinausap ko ulit si Aga.
"Yung sinabi ko sayo hah? Pag may nakarating sa akin na sumbong mula kay Ata automatic na ah?" seryoso kong sabi sa kanya.
"Opo na po Babes. We have to go na." Sabi niya sabay kiss sa lips ko.
Nakita ko namang papasok na si Ata sa kotse ng Dad niya.
"Ay ganon? Pasok agad? Wala manlang kiss sa akin?" Malakas kong sabi para marinig niya talaga.
Ngumiti siya ng pilit sabay lumapit sa akin rsaka niya ako niyakap at hinalikan sa pisngi.
Hindi siya umopo sa harap doon siya sa likod ng Dad niya kaya todo iling si Aga.
"Atasha hindi mo ako driver, lumipat ka dito sa harapan." Mahinahong sabi ni Aga.
Pero parang walang narinig si Ata kaya umiling nalang si Aga.
Hay naku talaga naman itong mag-ama, kung mag-away grabe pala.
Tuluyan na ngang nakaalis sila Aga.
Umakyat ako agad dito sa kwarto ko para makapag ayos na dahil ilang oras nalang din ay aalis na kami papuntang Resorts World.
_______________________________
Hello guys :))))
Thank you for still supporting my story. Godbless po! Follow me on twitter please? @XtelAngela
Love you all po :*