Chapter 66

889 24 2
                                    

Ata's POV

Haaaayyyy! Alam niyo yung feeling na parang hindi ako excited sa mga mangyayari bukas. But wait, may mangyayari nga ba bukas? Parang wala naman kasi. Parang wala lang sa kanila na birthday ko bukas.

Hindi ko maintindihan ang mga tao ngayon dito, even my parents wala manlang kaplano-plano for tomorrow.

Iniisip ko nga kanina pa eh, baka i-susurprise nila ako mamaya or bukas pero ni hindi ako makakita ng sign na may surprise keme na mangyayari bukas. Alam niyo kung bakit? They are all busy.

Si Dad naman kanina parang wala lang sa kanya na birthday ko bukas. Ni hindi manlang siya nag tanong kanina nung nag-usap kami kung anong gusto kong celebration bukas. Ang saya-saya po di ba? Haaayyy.

Nakakatampo na din si Mommy. She's always busy. Ni kamustahin ako or about sa school performance ko manlang ni hindi niya magawa.

Siya nga pala hindi na ako home study ngayon. Sa school na ako pumapasok that's why I'm so happy. Parehas kami ng school ni Avril.

Mga 10:30 na nang makauwi si Mommy.

Alam niyo naman kahit na nakakatampo siya hindi ko siya matiis na hindi pansinin. Mommy ko eh. Hehe!

Pinuntahan niya ako dito sa room ko para ayain na mag-relax sa terrace at sabi ko nga po di ba? Hindi ko matitiis ang mommy ko kaya sumama po ako sa kanya.

"How's your day, anak?" Tanong niya sa akin habang hawak niya ang iniinom niyang tea.

"Okay naman po mommy. PE po namin kanina kaya medyo napagod po ako pero worth it naman po yung pagod." Sagot ko sa tanong ni mommy.

"Uhm okay, good to know. Ano bang ginawa niyo kanina sa PE class?"

"Volleyball po."

"Wow! My favorite sport when I was in High School."

"Kaya nga po mommy eh."

"Uhm maiba tayo, kamusta naman ang acads mo?" Tanong sa akin ni mommy in serious face.

"Okay naman po siya lahat mommy. Next week po exam namin."

"Very good. Wag magpapabaya sa pag-aaral hah? And I know you're doing great naman sa school." Sabay pisil ni mommy sa pisngi ko.

"Yes po mommy." Sagot ko naman kay mommy ng nakangiti.

"Hindi ka pa ba inaantok? Tara maupo tayo doon." Aya sa akin ni mommy. Pagod na siguro siyang tumayo.

"Hindi pa po mommy. Nasanay na po ata akong magpuyat kapag alam kong wala po akong pasok kinabukasan."

"Ah okay sige. Dito muna tayo."

"Si Daddy nga po pala? Tulog na po?"

"Yup anak. Napagod daw eh."

"Nyek. Mas mukha pa nga po kayong pagod eh Mommy."

"Hahahaha! Ganon ba? Hayaan mo na ang Daddy mo ganon talaga kapag tumatanda na, mabilis ng dalawin ng antok." Natatawang sagot ni mommy sa akin.

"Hahahaha! Laughtrip ka po Mommy."

"Halika nga dito, pa-hug. Namiss kong maglambing sayo eh."

Nilapitan ko naman si mommy tsaka ako nagpayakap sa kanya. Kiniss ko siya sa noo para matanggal manlang ang pagod at stress niya.

"Namiss ko din po kayo mommy. Masyado po kayong naging busy this past few days eh."

"Kaya nga anak eh. Sorry hah? Sunod-sunod kasi yung meetings ko tapos ang dami ko ding paper works plus yung mga guestings ko pa."

"Okay lang po yon mommy. Naiintindihan ko naman po kayo. Pero one thing po na hindi excuse sa akin eh you forgot po yata na birthday ko tomorrow."

Natawa si mommy sa sinabi ko. "Hahaha! Pwede ba yon baby? Syempre hindi namin makakalimutan yon. May simple dinner celebration ka bukas okay? After ng office work ng dad mo at after nung guesting ko."

"Akala ko po nakalimutan niyo eh mommy. Okay sige po. hihi!"

"Siguro kaya ka matamlay kanina according to your Dad at medyo wala ka sa mood. Akala mo siguro nakalimutan namin."

"Yes po mommy." Sagot ko.

Pinisil ulit ni mommy yung kanang pisngi ko. "Ikaw talaga. Tampuhin ka. Hehe!"

Inubos namin ni mommy yung oras namin sa pagtitig ng mga stars sa langit. Parehas pala kaming mahilig mag-stargazing.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon