Chapter 73

308 8 0
                                    

Atasha's POV

Mga 4:30 PM na kami nakauwi ni Avril. Nasermonan pa tuloy kami ni Ninong Chard. Haha! May lakad pala kasi sila. A-attend din sila sa birthday pero susunod daw sila mamaya sa birthday dinner celebration ko.

Nag ring ang phone ko. Agad ko itong tinignan.

Mommy's calling..

Me: Yes po mommy?

Mommy: Saan kayo galing? Bakit kakauwi-uwi niyo lang daw sabi ng Ninang mo?

Me: Kumain lang po kami ni Avril Mommy kaya natagalan po kami.

Mommy: Ah okay. Mag-ayos kana ng sarili mo mamayang mga 5:00 hah?

Me: Ang aga naman po yata?

Mommy: Maaga kasi kaming aalis dito sa party na pinuntahan namin ng dad mo. By 6:00 PM dadating na diyan yung susundo sayo.

Me: Hala! eh 4:50 na po eh. Sige na po kikilos na po ako Mommy.

Mommy: Okay sige. Mag-dress ka hah? Yung medyo formal. I-send mo muna sa akin yung isusuot mo para makita ko.

Me: Okay mommy.

Call ended...

Kumilos na nga ako. After kong maligo, inihanda ko na yung mga dress na napili ko. Sinend ko kay Mommy yung tatlong pinag pipilian ko.

As usual yung gusto niya yung nasunod. May magagawa pa ba ako? Pero type ko din naman yung napili niya. Haha!

Umakyat si Manang Vonel dito sa kwarto ko. "Yes Manang?" Tanong ko sa kanya.

"Chineck ko lang kung tapos kana hija. Nandyan na kasi ang sundo mo."

"Tapos naman na po ako. Pababa na rin po."

Bumaba na nga ako. Tinawagan ko muna si Mommy bago ako lumabas ng bahay para sumakay sa kotse.

Mommy: Yes baby?

Ako: Nandito na po yung sundo ko. Paalis na po ako.

Mommy: Okay sige good to know.

Ako: Mom, how about Manang? Hindi po ba siya sasama?

Mommy: Wala daw magbabantay ng bahay kapag sumama siya sabi niya sa amin kanina.

Ako: Ah okay po. Sige na po. Bye na po.

Mommy: Okay bye.

"Manang aalis na po ako." Pag-papaalam ko kay Manang.

"Sige anak, mag-iingat ka hah?"

"Opo Manang. Mag date nalang po tayong dalawa bukas. Okay? Lalabas po tayong dalawa. Since hindi ka po makakasama ngayon."

"Okay sige anak. Mag enjoy ka hah? Happy birthday ulit!" Bati niya. Bineso ko siya tsaka ako sumakay sa sasakyan.

"Kuya saan po tayo?" Tanong ko sa driver nila Lola.

"Sa Sofitel daw po tayo Ma'am, sabi ng Mommy niyo."

"Uhm okay po."

Hindi naman masyadong traffic kaya narating namin agad ang Sofitel.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon