Chapter 33

456 8 2
                                    

Natalie's POV

Kung nacu curious kayo kung paano ako nakuha ng Raiden na yan. Eto yung nangyari.

Flashback

So nasa CR ako nun diba? Inayos ko na yung sarili ko at tumingin ako sa salamin. Ayun, as expected maayos na ako.

Pero nang nakalabas ako ng banyo, hindi ko inaasahang may tumakip ng buong mukha ko na ikinasigaw ko lang.

"HOY! SINO KA?!" Tanong ko, pero hindi ito sumagot.

"BITAWAN MO AKO!" Sinubukan kong lumaban, pero mahigpit pa rin ang paghawak neto saakin.

Lumipas ng ilang minuto, tinanggal na yung pagtakip ko sa mukha at napalaki ang mga mata ko na nasa loob ako ng bahay.

"Hey there pretty." Napalingon ako at lalo akong kinabahan sa nakasama ko.

"Raiden??"

"Buti naalala mo pa ako." Nakangiting sambit niya.

"Ano bang kailangan mo saakin?!" Inis na pagtanong ko.

"Manahimik ka muna at sumunod ka muna sa mga gusto ko!" Sambit ni Raiden habang hinihila ako papunta sa may living room at tinatali ako sa isang upuan.

"Wag na wag kang magbalak na tumakas! Baka hindi mo magugustuhan yung mangyayari sayo." Pagbanta niya saakin bago umalis.

Sinubukan kong tanggalin yung tali sa kamay ko, pero sobrang higpit talaga! Hindi ako makatakas!

Well, wala along choice kundi magtiis kasama yung hinayupak na Raiden na yan!

Well, you know na the rest.

End of flashback

Hooh! Nakaka stress talaga! Ang hirap kasi pag magkasabwat ang mga psychopath!

Kinabukasan, naglalakad ako papunta sa school. As usual, nakarating on time.

"Uhmm... excuse me po?" Napalingon ako nang biglang lumapit ang isang babae saakin.

"Uhmm... anong grade mo na?" Tanong niya.

"Grade 12. Why?"

"Anong section mo?"

"Section A."

"Ahh. Sige po. Thank you!" Sambit niya bago maglakad papasok sa school.

Sino ba to?

Link's POV

"Link. Mauuna na ako ah!" Sambit ni Isabel bago maglakad palayo saakin.

Well, as usual. Nasa locker area kami. Kinukuha ko lang mga gamit ko.

"Link?!" Napalingon ako sa pamilyar na boses at nanlaki ang mga mata ko.

"Ino?!"

"Link! I-I didn't expect to see you here!" Sambit niya na nauutal.

"Me either! Anong section mo?" Tanong ko sakanya.

"Section B."

"Bruh! We're the same! Gusto mong hatid na kita papunta sa room?" Pagyaya ko sakanya.

"Sure! Tara na!" Sambit niya bago ihila habang hinahawakan ang kamay ko.

Nakarating na kami ni Ino sa classroom at saktong sakto! Wala pa masyadong tao. So umupo na ako sa pwesto ko at inayos mga gamit ko.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now