Chapter 20

603 11 4
                                    

Natalie's POV

Nakaupo kami ni Anakin sa may basketball court dahil free time nanaman namin. May meeting ulit yung teachers so yeah. Ewan ko ba sa mokong yan kung bakit niya ako dinala rito.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sakanya.

"Well, mag uusap lang naman tayo diba?" Sagot niya saakin.

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa tinatago nating fake relationship." Napalaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Oh, anong meron?"

"Natalie... napapagod na ako."

"Anakin, kung ayaw mo nang ipagpatuloy yung peke nating relasyon, okay lang. Naiintindihan kita."

"Natalie... ayoko nang magpanggap." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?"

"Don't you get it Natalie?"

"Hindi eh."

"Natalie... I like you. All those times na nagpapanggap tayo sa relasyon natin, hindi ko maiwasan na isipin ka. You're the first girl that made me feel this way, and I don't want to waste my time keeping this from you. Natalie, I really like you." Tama nga si Ate Aaliyah. Hindi ko dapat tinatanggi kung ano yung nararamdaman ko sakanya.

"Anakin, wag mo akong gustuhin..." Sambit ko na itinahamik niya.

"... mahalin mo ako." Sagot ko nang biglang lumaki ang ngiti niya.

"TALAGA?!" Tanong niya na may halong tuwa.

"Oo nga Anakin!"

"YES!" Hindi mapigilan ni Anakin na yakapin ako ng sobrang higpit habang yinayakap ko din siya.

"I love you, Natalie. Mahal na mahal kita, I love you so much!" Sambit ni Anakin na ikinahigpit ko ng yakap.

Pagkalas namin, tinignan niya ako sa mata at unting unti niyang linapit yung mukha niya sa mukha ko.

Pumikit na lang ako at unti unti ko rin linapit ang mukha ko sa mukha niya.

"EHEM!" Napadilat ako at napalingon nung makita namin si Leo na tumitingin saamin ng masama.

"Ano bang kailangan mo Leo?" Inis na pagtanong ni Anakin.

"Have you seen--"

"Wala ka nang pakialam dun!" Pagsabat ko sa pananalita niya. Si Hazel lang naman hinahanap nun eh. Psychopath nga talaga yung Reyes siblings.

"Di porket babae ka, hindi na kita papatulan!" Sabi niya na ikinainis ni Anakin.

"Ulitin mo sinabi mo!" Sabi niya habang kwinekwelyuhan si Leo.

"Anakin, tama na. Wag na tayong pumatol sa mga psychopath na katulad nila." Pag awat ko sakanya.

"Subukan mo lang talaga saktan si Natalie, malilintikan ka talaga saakin!" Pagbanta ni Anakin kay Leo bago ako hilain palayo sakanya.

Well, hindi natin maiiwasan ang mga psychopath na katulad nila. Pero whenever gagawa sila ng kalokohan, magiging handa kami.

Tyrus' POV

Nakabihis ako ng pang training sa Taekwondo, dahil sinabi ni Coach na may training kami mamaya pagkatapos ng klase.

Lumapit ako kay Gelai at yinaya ko siya na sumama saakin.

"Gelai. May gagawin ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Wala. Why?"

"Gusto mo bang manood ng training ko? Wala kasi akong magawa pagkatapos ng training eh."

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now