Chapter 12

598 8 2
                                    

Hazel's POV

Naglalakad ako papunta sa canteen, I'm still staying away from Leo, baka kasi kung anong kalokohan ang gagawin niya pag nakita niya ako.

Biglang may humila saakin at tumakip sa bibig ko. Nanlaban ako, pero hindi ko siya mapigilan.

"Shhh... don't worry Hazel. You're safe here." Sambit ng pamilyar na boses.

Paglingon ko, si Riku pala. Baka alam niya na hinahanap ako ni Leo. Hindi ko alam ang mangyayari, pero sa pagkakaalam ko, ligtas ako pag kasama ko si Riku.

"He's still there. Pero wala siyang alam na andito tayo. When I say go, run as fast as you can. And don't look back." Pagbulong niya saakin.

"Paano ka? Paano pag nakita niya ako?"

"I can handle him. Trust me."

Riku's POV

"Paano ka? Paano pag nakita niya ako?"

"I can handle him. Trust me." It looks like I convinced her to trust me this time. I peeked wherever that Leonardo is, and waited for the signal to let her run quickly.

Good thing he isn't looking, I gave her the opportunity to run quickly.

"Go!" Tumakbo na siya palayo while I checked on her to make sure she's safe.

"Cordelia!" Damn it! He saw her! I have to stop him before he gets her again.

Tatakbo na sana si Leonardo patungo kay Hazel, but thank goodness inabutan ko siya.

"Bro, let her be." Pag awat ko sakanya.

"Bitawan mo nga ako! Ang hilig mong mangialam no?!" Sigaw niya saakin na pagalit.

"You talked to her yesterday, hindi pa ba yan sapat sayo? Move on din minsan." Kalma kong sambit sakanya. Bigla niya akong tinulak palayo sa sobrang galit.

"Siguro pinagsabihan mo siya na ligawan mo siya para lumayo siya saakin!" Susuntukin niya ako sa mukha ng biglang may humawak sa kamay niya at sumuntok sakanya na ikinatumba niya.

It was Tyrus! I need to stop him before it gets worse! Mahilig pa naman niyang makipagsuntukan kung kani kanino eh.

"Tyrus! Tama na!" Pag awat ko sakanya habang sinusuntok niya si Leo ng paulit-ulit.

"Bitawan mo ako Riku! I'm gonna teach this bastard some manners!" Tinulak ni Leo si Tyrus palayo sakanya at sinuntok si Tyrus sa mukha.

Naiwasan niya yung suntok ni Leo nang biglang sipain siya ni Tyrus sa tiyan. Napansn ko

"Tyrus, ano ba?! Tigilan mo na to!"

"Tyrus! Tama na!" Pagsulpot ni Levi at Link habang inaawat si Tyrus.

"Leo!" Dumating naman si Irelynn at tinulungan niya si Leo tumayo ng maayos na puro pasa sa mukha.

"Anong ginawa niyo sa kapatid ko?!" Tanong niya na pagalit.

"Tanungin mo yang tarantado mong kapatid kung anong pinag-gagawa niyang kalokohan!" Sigaw ni Tyrus sakanya!

"Ako talaga yung may kasalanan! Ikaw nga yung sumuntok saakin ng walang dahilan eh!" Sambit ni Leo na sumisigaw kay Tyrus.

"Pasalamat ka buhay ka pa! Hinding hindi ka na sisikatan ng araw pag tinuluyan na kita! Lintek ka!"

"Tama na yan! Tara na Leo!" Sabi ni Irelynn bago umalis kasama si Leo.

A few minutes later

"Are you serious Tyrus?! Hindi mo na dapat pinatulan yung Leo na yan eh! Ayun tuloy, binantaan ka na ng coach mo na di ka makakasali sa competition mo!" Panermon ko sakanya.

Yep, Tyrus and I are talking alone right now. Because everytime Tyrus gets into a fight, ako lang ang kinakausap niya. Tyrus is like a brother to me, and we always talk about stuff like that.

"Anong gusto mo?! Hayaan na lang kita na masaktan?! Ang problema kasi sayo, you're being too nice to people around you!"

"Alam ko ang tama at mali Tyrus, and I know how to handle myself! Oo, hindi ako palaban tulad mo, but fighting doesn't resolve anything! What if buhay ang nakasalalay diyan?!"

"Isipin mo nga rin yang sinasabi mo Riku?! Buhay ang nakasalalay diba?! What if hinayaan na lang kita diyan?! Hahayaan ba kitang mamatay?! Kaya nga kita tinulungan para hindi ka na gulohin ng lintek na Leo na yan!" Sigaw ni Tyrus saakin na ikinabuntong hininga ko lang.

"Look, I appreciate you trying to help me. Pero hindi mo dapat gawin yan kay Leo." Nag walk out na ako pagkatapos kong sabihin yan. Tyrus is definitely a fighter, and I can't change his perspective when facing people he doesn't like.

Kylie's POV

Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung nangyari kanina. Ganun ba talaga si Tyrus?!

"Kylie?" Pagtawag saakin ni Natalie.

"Hindi ka ba sasama saamin sa condo?" Tanong niya.

"May project pa kayong tatlo ni Brooklyn at Isabel diba?" Tanong ni Tiffany.

"Uhmm... pasabi sakanila na hindi ako makakasama. Masama pakiramdam ko eh." Palusot kong sambit.

"Sure ka?" Tanong ni Natalie na ikinatango ko lang.

"Sige, mauuna na kami. Bye Kylie! Pagaling ka!" Sabi ni Tiffany bago umalis kasama si Natalie.

Sa totoo lang, ayokong sumama sakanila for now. I need time to stay away from stressful things that are happening here. Yung pagbalik ng psychopath na si Irelynn with her brother Leonardo. And yung Spartan na basag ulero na mahilig sa suntukan! Hayys! Nakaka stress!

Naglalakad ako pauwi ng biglang tinulak ako ng isang pamilyar na lalaki. Kilala ko na eh, si Tyrus yung tumulak saakin. And the worst part is naglalakad lang siya na parang wala siyang pakialam.

"Ano bang ginawa ko sayo para ganyanin mo ako?!" Sigaw ko sakanya. Tumigil siya sa paglalakad at naglakad patungo saakin.

"May problema ka? Papatol ka na ba?" Tanong niya na may halong inis.

"Now I understand kung bakit napaka basag ulero mo! You always jump into conclusion without even knowing the story!"

"So hahayaan ko na lang si Riku na mabugbog dahil sa lintek na Leo na yan?! Ang t**ga mo rin no?!" Wow! Siya pa yung may ganang magalit saakin!

"So ikaw pa ang may ganang magalit! No wonder why mag isa ka lang sa bahay mo! Basag ulero ka kasi kaya hindi mo kasama pamilya mo!" Sabi ko na biglang ikinatahimik niya. Pero bakit parang nasaktan siya sa sinabi ko??

Napapansin ko sa mga mata niya na nagpipigil siya sa pag iyak. Hooh! Bakit ako nagui-guilty?!

"You know what, you're very lucky. You're very lucky na buo pa yung pamilya mo. Thank you for letting me realize that I live alone without a family." Sabi niya bago umalis sa harapan ko.

Nagui-guilty pa rin ako hanggang ngayon! I have a bad feeling na may pinagdadaanan siya. Especially when it comes to his family.

I need to know what he's been hiding!

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now