Chapter 16

582 10 8
                                    

Natalie's POV

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko nung hinalikan ko si Anakin.

Sa pagkakaalam ko, ginawa ko lang yan para umiwas si Irelynn sakanya. Pero bakit ganun? Ang hirap kalimutin yang pangyayaring yan! Jusmiyo!

Tumungo ako sa banyo para maghilamos, pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...

Pagtingin ko sa salamin, hindi refleksyon ko yung nakikita ko. Kundi refleksyon ni Anakin.

Kinamot ko yung dalawa kong mata at bumalik ang lahat sa normal. HOOH! ANONG MERON SAYO ANAKIN?!

Tomorrow

Dumiretso ako ng simbahan para ipagdasal ang pamilya ko na nasa malayo. Oo, may galit pa rin ako sakanila. Pero hindi ibig sabihin nun, wala na akong pakialam sakanila.

Napapansin ko na tumutulo na ang mga luha sa mata ko habang nakaluhod pa ako at nagdadasal.

Pinunasan ko ang mga luha ko at umupo na ako para magpahinga ng onti bago umalis.

"Natalie?" Lumingon ako at nakita ko si Link na may kasamang babae na mas matanda kaysa sakanya.

"Link! Buti napadaan ka. Kararating niyo lang?" Tanong ko sakanya.

"Nah. Kanina pa kami tapos. Paalis na kami." Sagot niya na ikinatango ko.

"Siya nga pala. Ate ko, si Ate Aaliyah." Pagpakilala ni Link.

"Hello po." Pagkaway ko sakanya.

"Hi Natalie. It's very nice to meet you." Sambit niya na nakangiti.

"May pupuntahan ka? Sama ka na lang saamin ni Link kumain. Libre ko." Pagyaya ni Ate Aaliyah.

"Thank you po. Pero may pera naman ako, wag niyo na po akong ilibre." Pagtanggi ko sakanya. Nakakahiya. Kakikilala mo lang yung tao, tas ililibre ka niya agad.

"I insist. Sama ka na saamin." Ang bait ni Ate Aaliyah, pero nakakahiya talaga. So wala akong choice kundi tanggapin yung offer niya.

Naglakad kami patungo sa Chowking at sa pagpasok namin, nakita namin si Demyx na may kasamang lalaki na mas matanda sakanya.

"Eyy!! Sup Demyx!" Sambit ni Link na lumalapit sakanya.

"That's my brother from another family yow!" Dagdag niya.

"Syempre! Tropa na nga tayo, magiging kapatid pa kita in the future!" Sambit ni Demyx.

"Aaliyah!" Pagtawag ng lalaki kay Ate Aaliyah.

"Hi Nash!" Paglapit niya sakanya at nagbeso.

"You look pretty as always." Sambit ni Kuya Nash na nakangiti.

"Che!" Pag irap ni Ate Aaliyah.

"Natalie! Andito ka pala!" Pagtawag ni Demyx saakin.

"Halika nga rito!" Dagdag niya. Well, I have no choice kundi lumapit sakanila ni Link.

"Napadaan ka?" Tanong ni Demyx.

"Nah. Yinaya lang ako ni Ate Aaliyah." Sagot ko sakanya.

"Tsaka sino ba yung kasama ni Ate Aaliyah?" Taming ko.

"Si Kuya Nash pala. Boyfriend ni Ate Aaliyah." Sagot ni Link.

"Pogi no?" Tanong ni Demyx na ikinairap ko.

"Parehas na parehas lang kayo."

"Hoy! Grabe namam to! Mas manyak pa nga dati si Kuya Nash kaysa saakin eh!" Pagbiro niya na ikinatawa nila ni Link.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now