Chapter 15

590 8 21
                                    

Levi's POV

Nagising ako sa kwarto, pero sobrang bored talaga ako. Walang pasok, walang mapagtripan, and natapos ko na mostly yung requirements ko sa school. Walang magawa sa bahay as always.

Nag text si Anakin saakin na magkikita kami sa mall mamayang hapon. But the thing is, kasama niya si Natalie.

Nag paalam muna ako sa mama ko tungkol sa lakad namin ni Anakin at pumayag naman siya sa sinabi ko. Kaya lezgo.

Lumipas ng ilang oras naglalakad na ako papuntang mall, at dumaan din ako sa punto na may nabangga akong babae na ikinatumba niya.

"Aray!"

"Sorry!" Sabi ko habang tinutulungan ko siya patayo. Nanlaki ang mata namin na makita namin ang isa't isa.

"IKAW?!"

"Tingin ka kasi sa dinadaanan mo." Sambit ko na natatawa.

"Akala ko pa naman matatahimik na buhay ko. Hindi pala." Pag irap ni Brooklyn saakin.

Oo, si Brooklyn yung nakabangga ko ngayong araw.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Wala ka nang pakialam dun!" Taas kilay na sambit niya.

"Ang sungit mo naman. Kaya andami mong puting buhok na tinatago eh. Didn't you know that stress causes white hair?" Sabi ko habang natatawa.

"Feeling genius ampotek. Diretso na nga akong mall!"

"Sakto, pupunta ako diyan. Hinihintay ako ni Anakin eh."

"Share mo lang?" Sambit niya habang naglalakad patungo sa mall.

"Hintay naman oh!" Sabi ko habang tumatakbo papunta sakanya.

Bad trip naman, missing in action tuloy yung Brooklyn na yan! Naglibot ako kung saan saan para lang mahanap siya ng biglang may nabangga ako na ikinatumba niya.

"Aray!"

"Sorry!" Tinulungan ko siyang tumayo at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Levi!"

"Allyssa?"

"Levi! I missed you so much!" Sambit niya habang yinayakap ako.

I felt emotionless sa tuwing naaalala ko siya sa totoo lang. Allyssa Lim... my ex girlfriend who played with my feelings.

"Kumusta?" Tanong niya bago kumalas.

"Getting better..."

"That's great! Alam mo ba, anda--"

"Better without you!" Pagsabat ko bago umalis sa harapan niya.

Nasa starbucks ako ngayon na nakaupo at hanggang ngayon, wala pa rin si Anakin! Hayys, baka nagmo moment pa sila ng Natalie na yan eh.

"Andito ka lang pala." Sambit ng pamilyar na boses.

"Brooklyn."

"Pwede makiupo?" Pagpaalam niya. Pumayag naman ako syempre.

"Sino ba yung babaeng kayakap mo kanina?" Tanong niya na ikinatahimik ko lang.

"Girlfriend mo?"

"Ex..."

"Sorry."

"Ayos lang." Sambit ko bago yumuko.

Tumahimik lang ako ng isang minuto at iniisip pa rin yung pagkikita namin ng ex kong si Allyssa.

"Sorry to ask ah, paano kayo naghiwalay?"

Brooklyn's POV

"Sorry to ask ah, paano kayo naghiwalay?" Tanong ko sakanya. Huminga muna siya ng malalim at nagsimula na magkwento.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now