Chapter 39

390 9 4
                                    

Natalie's POV

5 weeks later

Magkasama kami ni Anakin, Kylie at Tyrus ngayon para puntahan si Demyx. Kasi nalaman namin na hindi sila magkaayos ni Tiffany sa ngayon.

"Ano kaya meron kay Demyx ngayon?" Tanong ni Tyrus.

"Kaya nga puntahan natin diba?" Pampilosopo ni Kylie.

"Speaking of Demyx, andun siya ngayon." Sambit ni Anakin habang tinuturo niya si Demyx na nakaupo sa loob ng coffee shop.

"Puntahan na natin." Sambit ko na ikinasunod lang nilang tatlo.

Pagpasok na pagpasok sa coffee shop...

"Bro, anong problema?" Tanong ni Anakin.

"Basta." Sagot niya na walang emosyon.

"Nagpapapunta ka nga dito para kausapin ka, tapos ayaw mong ikwento? Ano yun?"

"Umayos ka nga TJ! Bad trip na nga si Demyx tas aasarin mo pa siya ng ganyan." Pagsaway ni Kylie sakanya.

"Ano ba kasi yung nangyari sainyo ni Tiffany?" Tanong ko sakanya na ikinabuntong hininga niya.

"Ganito kasi yun..."

Demyx's POV

"Ganito kasi yun..."

Flashback

Tumatawag si Tiffany saakin sa bahay ko, dahil may nagbibigay sakanya ng mga bulaklak at tsokolate ng patago.

So ayun, iniisip ni Tiffany na ako yung bumibigay nun. Oo, hindi ako masyadong bumibili ng kung ano ano kay Tiffany, dahil simpleng regalo lang na ibibigay ko, masaya na siya.

Na curious na din ako, dahil linggo linggo may natatanggap pa rin si Tiffany ng mga bulaklak at tsokolate.

Nang tumawag si Tiffany, ewan ko ba kung bakit ba ang saya saya niya sa tuwing tinatanggap niya yung mga bulaklak at tsokolate na yan.

"Demyx! Sana malaman ko na kung sino nagbibigay saakin ng mga bulaklak na yan!" Sambit niya na parang kinikilig.

"Tiffany, pinapaalala lang kita na wag kang tatanggap ng mga ganyang regalo kung di mo naman kilala kung sino nagbibigay niyan sayo."

"Grabe naman yan! Simpleng gift lang yan! It's no big deal."

"Paano kung may loko loko na nangungulit sayo?! Hindi mo ba naiisip na may chance na mapapahamak ka kung tatanggap ka ng ganyan?"

"Ano ba naman Demyx?! Pati ba naman dito, pag aawayan pa natin?!"

"Hindi kita inaaway! Nag aalala ako sayo Tiffany!"

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" Sambit niya bago i-end yung call.

Irita naman! Sino ba yung bwisit na nagbibigay ng mga bulaklak kay Tiffany?!

End of flashback

"Alam mo na ba kung sino yung nagbibigay niyan kay Tiffany?" Tanong ni Kylie.

"Hindi pa sa ngayon. Pero malakas ang kutob ko na isa ito sa mga kakilala natin." Sambit ko lang.

"Ganito Demyx, pumunta ka sa bahay ni Tiffany na patago. Alamin mo kung sino ba yung lalaking nagbibigay ng regalo na yan kay Tiffany." Pagbilin saakin ni Anakin.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now