Tiffany's POV
Naglalakad na kami ni Natalie papunta sa canteen para makaiwas sa mga mokong!
Pagpasok namin sa canteen, nakita ko na mga kaibigan ko na nakiki kwentuhan at tumatawa.
"Tara na?" Pagyaya ko kay Natalie. Tumango siya at dumiretso kami sa upuan ng mga kaibigan ko.
"Pwede bang makisali?"
"Tiffany! Andito ka na pala?"
"Upo kayo!"
Sumunod kami ni Natalie at umupo na kami sa harapan nila.
"Hello! Bago ka pa dito?"
"Yep. Natalie Eugenio ang pangalan ko." Pagpakilala ni Natalie sakanila.
"Ang pretty mo girl! Brooklyn nga pala. Brooklyn Sanchez! Nice to meet you Natalie!" Ngumiti si Natalie kay Brooklyn na ang ganda ng ngiti.
"Hi Brooklyn." Nahihiyang sambit ni Natalie.
"Musta? Maria Isabel Lopez pala." Kumaway si Natalie sakanya at tinignan ako.
"No worries. Straight siya, galawan nga lang panglalaki." Bulong ko kay Natalie na mukhang nagtataka.
"Hi Natalie! I'm Kylie Angela Arellano!"
"Wait! I Love You Since 1892 ba yan binabasa mo?" Tanong ni Natalie na mukhang natutuwa.
"OMG! Yes!!" Sambit ni Kylie na natutuwa din.
Anyways ipakilala ko muna mga friends ko sainyo.
Firstly, Brooklyn Sanchez. Siya yung pinakamadaldal sa amin sa grupo. Kung magkwento siya andami niyang alam. Hahaha!
Maria Isabel Lopez, may boyish attitude lang siya pag nakilala mo. Pero iilan lang sa mga lalaki ay nagkakagusto sakanya.
Diba? Nakaka in love din kaya mga boyish na girls!
Lastly, we have Kylie Angela Arellano. She's the bookworm here sa squad namin. Everyday, laging may binabasang libro about sa mga romance, fantasy, at marami pang iba. She can't live without those storybooks.
Anyways, walang sawang kwentuhan ang ganap ni Natalie at Kylie sa mga books na yan and stuff. Habang kaming tatlo ni Brooklyn at Isabel ay kumakain lang.
"Makikiraan po!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. And of course, nagtitilian nanaman ang mga babae sa buong canteen.
Andito kasi si Link na nagpapasikat lang! Jusmiyo marimar! Hanggang kailan ba to hindi magpapasikat itong bwisit na yan?
"Hello ladies! Pasensya na sa abala, pero I would like to take this girl dahil may show pa kaming ipapakita sa lahat." Pumunta pa siya dito para pagtripan ng Gen Z Spartans si Natalie.
"Hoy! Kung gusto mong pagtripan si Natalie, ako na lang harapin mo!" Pasigaw ni Isabel kay Link habang nakatayo.
"Woah! Settle down pretty boy. You don't need to scream at me. Nakakahiya kay sa mga fans ko. Lalo na kay Miss Natalie." Pagpilit na pagpapatawa saamin ni Link na ikinairap lang namin.
"Pwede ba? Andito lang ako para kumain, hindi makisama sa mga kalokohan niyo!" Inis na sambit ni Natalie at umalis sa table namin.
"Natalie! Samahan na kita. Sorry girls!" Tumayo ako para samahan siya.
Napansin ko agad yung bucket sa taas ng pinto at tumakbo ako para pigilan si Natalie.
"Natalie! Ilag!" Sigaw ko at sabay paghila sakanya pagkatapos niya buksan yung pinto.
YOU ARE READING
Bad Hearthrobs
Fiksi PenggemarNatalie came from a rich family na lumipat ng school kung saan nakilala niya ang Gen Z Spartans. Paano niya haharapin ang mga badboys kung hearthrobs din sila? Mahuhulog ba siya sa isa sakanila? O kakalabanin niya para manahimik ang buhay niya?