Chapter 81

334 6 23
                                    

Esther's POV

Another day of work, and panibagong sanaol nanaman sa mga Team Speed na to. Hayys, halos araw araw dito sila tumatambay eh.

Pero the sad thing is, babalik na si Kayla sa Vancouver. Well, I can't blame them. Ngayon lang naman sila magsasama sama ulit eh.

Narinig ko na bumukas bigla yung pintuan sa restaurant ko, kaya bumati ako sa customer.

"Good morning! Welcome to Ricaforte's Piz--" Napatigil ako nang makita ko nanaman yung lalaking yan na ubod ng kulit!

"Ikaw nanaman?! Ano nanamang trip mo ha?!" Inis na tanong ko sakanya.

"Kararating ko lang, uminit na agad ulo mo." Pagbanat niya na ikinairap ko lang.

"Oh! Kuya Luthor! Buti napadaan ka!" Pagsulpot bigla ni Ezio na ikina-ngiti ni Luthor.

"Ate Esther! Sama ka na po saamin!" Pagyaya niya.

"Sige na Ezio. Susunod na ako." Sambit ko bago sila pumunta sa pwesto nila.

Hayys! Ever since na dumating na tong Luthor na to sa buhay ko, wala na itong ginawa kundi mangulit saakin kahit hectic na yung oras ko sa trabaho ko.

And the worst part is, pinag aasar ako ng Team Speed sakanya! Oo, cute siya! Pero nakakainis lang yung kinukulit ka niya sa tuwing dumadating siya dito.

Most of the time, pumupunta na lang siya dito para mang inis eh!

Mga 5% kakain dito, 95% mangungulit! Kainis eh!

Lumipas ng ilang oras, binigay ko na yung order ng so called Team Speed at yinaya nila ako na makiupo sakanila.

"Ate Esther! Musta po kayo sa work niyo?" Tanong ni Tahirah.

"Nakakainis lang dahil may bwisit na nangungulit saakin ng halos araw araw!" Inis na sambit ko.

"I'm not ruining your day ah. Sadyang ang dali mong mapikon sa mga sinasabi ko." Pag asar netong Luthor na to na ikinairap ko lang.

"Ayiiee! Kinikilig nanaman si Ate Esther!" Pag asar ni Kayla.

"Speed rin tong si Ate Esther eh!" Pag asar din ni Damian.

"Ewan ko sainyo! Balik na nga ako sa entrance!" Sambit ko bago tumayo, pero inawat agad ako ni Luthor at hinawakan niya bigla yung kamay ko.

"Magtagal ka naman dito kahit saglit lang. Owner ka naman eh." Pagpilit ni Luthor na ikinabuntong hininga ko lang.

"Hayys! Kahit kailan talaga!" Sambit ko bago umupo sa tabi niya.

"AYOWN!! Hindi pala matiis eh!" Pag asar ni Damian. Napatingin na lang ako kay Luthor at kumindat na lang ito saakin na ikinairap ko.

Anong meron sakanya?!

Tahirah's POV

Speed na masyado si Ate ah! Hahaha! Halata nga na may gusto to kay Kuya Luthor eh! Hindi niya lang masabi.

"Ate, speed ka masyado ah!" Pag asar ko sakanya.

"Hindi ako tulad mo Tahirah!" Sigaw niya saakin bago umirap.

"Sus! Pag naging kayo ah, libre mo kami!" Pag asar ni Kayla.

"Sige na po Ate! Nagbabayad nga kami para kumita nga yung Ricaforte's Pizzeria eh. Diba gusto mong kumita para sa pamilya niyo ni Tahirah? Oh, edi nagbabayad na kami para sainyo!" Sambit ni Damian.

"Ang layo sa topic!" Sambit ni Ate Tahirah.

"Hayaan mo na, pagbigyan na natin yung mga bata." Sambit ni Kuya Luthor na ikinaiwas niya lang ng tingin.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now