Chapter 83

473 12 24
                                    

Brooklyn's POV

Hayys! Ang boring naman sa bahay! Tas ang ingay ingay ni Ate Giselle! Kahit kailan talaga, maingay yang lokong yan eh!

"Ate! Ano bang meron sayo at nagpapabebe ka nanaman diyan sa telepono mo?! Nakakarindi eh!" Inis na sambit ko.

"Nakakakilig kasi tong pinapanood ko! Sanaol no?"

"Heh! Aasa ka na lang diyan sa K-Drama na yan?! Tanggapin mo na lang na wala kang---"

"Tao po!" Sambit ng lalaking pumasok dito na ikinalaki ng mata ni Ate.

Sino ba to?! Tsaka bakit napapatameme si Ate sa lalaking yan?!

Don't tell me na boyfriend niya yan?!

"Hoy!" Sigaw ko sakanya.

"Sino ka?! Anong intensyon mo sa Ate ko?! Kaano ano mo siya?! Sabihin mo! Ano di ka makasagot?!"

"Mahiya ka nga sa bisita mo Brooklyn! Pasensya ka na ah." Sambit ni Ate Giselle sakanya.

"Hindi, ayos lang Giselle. She reminds me of my brother nung dumating ka sa bahay ko." Natatawang sambit niya.

"Sakit sa mata ah!"

"Sorry naman Brooklyn! Biglaan na lang kasi yung pagpunta ni Franco eh." Natatawang sambit ni Ate na kinikilig.

"Franco Batoon nga pala. Suitor ni Giselle." Pagpakilala niya.

"Kaya naman pala alis ng alis sa bahay! Para makita tong Franco na yan!"

"You can trust me Brooklyn. I'll take good care of your sister."

"Tara na nga bhie! Excited na nga ako sa date natin eh."

"Anong bhie?! Hoy Ate! Suitor pa lang yang Franco na yan! Ano, speed lang?!"

"Call sign lang namin yan ni Giselle. Chill lang, hindi naman ako magmamadali eh." Natatawang sambit ni Franco.

"Tara na bhie! Baka ma traffic pa tayo eh." Sambit ni Ate Giselle na kinikilig.

"Sige Brooklyn. Aalis na kami ni Ate Giselle mo." Sambit ni Franco bago sila umalis.

Home alone nanaman! Wala nanaman akong magawa.

"Mukhang wala kang makausap ngayon ah." Pagdating ng mokong na to na ikinairap ko lang.

"Meron kaya!"

"Buti alam mo." Sambit niya bago ako umirap.

"Siya nga pala. Napansin ko na may kasamang lalaki si Ate Giselle ah." Sambit ni Levi.

"Kaya pala alis ng alis tong si Ate Giselle sa bahay para makita yung Franco na yan!"

"Galit na galit ah! Eh hindi naman ganyan yung Ate mo nung nakilala niya ako ah."

"Anong pakialam mo kung hindi siya ganyan sayo?!" Pagtaray ko sakanya.

"Hindi mo pa nga nakilala si Kuya Franco, makasalita ka ng ganyan sakanya?" Natatawang sambit niya.

"Ang sakit kasi sa mata eh."

"Eh ganun naman din si Ate Giselle nung magkasama tayo." Sambit niya na ikinairap ko lang.

"Anyways, yung sinabi ko sayo ah. Secretary kita pag nakatayo na ako ng kumpanya. Wala kang takas saakin."

"Bakit?! Kriminal ba ako sa paningin mo?! Ano ka?! Pulis?!" Pataray na tanong ko sakanya.

"Eh kung balak mo ngang tumakas, huhuliin naman kita." Natatawang sambit niya.

"Oh sige. Huliin mo ako." Sambit ko bago tumakbo palayo sakanya.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now