Chapter 13

571 12 2
                                    

Natalie's POV

"Mauuna na kami. Tutuloy na lang namin ni Isabel yung project dito sa mga susunod na araw. Tutal matagal pa naman yung pasahan nun." Pagpaalam ni Brooklyn saamin.

"Mauuna na din ako! Bye Natalie!" Pagpaalam ni Tiffany.

"Bye! Ingat kayo!" Pagpaalam ko sakanila habang naglalakad sila palabas ng condo.

Humiga ako sa kama ko ng ilang minuto ng biglang may kumatok.

Pagbukas ko ng pinto, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"A-Anakin?!"

"Hey Nat!"

"Pa-paano mo nalaman na dito ako nakatira?!"

"I saw Tiffany a while ago. Honestly, I didn't know which room you are."

"Tsk. Pasok ka nga!" Pumasok na si Anakin sa condo ko at umupo sa sofa.

"Feel at home ah. Wag kang mahiya." Sambit ko.

"Sure ka?" Tanong niya na may pagtataka.

"Oo nga. Goods naman tayo eh."

"Okay." Sabi niya bago niya tanggalin ang sapatos at humiga.

"Nagugutom ka ba? May snacks ako diyan kung gusto mo."

"Nah, I'm good. Thanks."

Nananahimik lang kami ng ilang oras at halos wala pa rin nagsasalita saamin sa ngayon.

Siguro medyo nahihiya si Anakin na makipag usap saakin.

"Anakin..." Pagtawag ko sakanya na ikinalingon niya.

"Ikaw lang ba yung anak sa pamilya mo?" Tanong ko sakanya na ikinabuntong hininga niya.

"Yep. I'm the only son of my family." Sagot niya bago yumuko.

I'm sure naaalala niya kung paano siyang lumayo sa pamilya niya ng papilit.

Lumapit ako sakanya at inangat ko ang ulo niya.

"Okay lang yan Anakin. Ilabas mo lang yung gusto mong sabihin. Umiyak ka lang kung kailangan mong umiyak." Sambit ko sakanya na biglang umiyak.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya. I'm sure isang yakap lang ang kailangan niya, kailangan niya ng sandalan para umiyak. Dahil alam ko nagtiis siya mag isa na kimkimin ang problemang hinaharap niya.

"Natalie, my only wish is to see them again soon. Bihira na ako makipag contact sakanila, dahil deactivated lahat ng social media accounts nila. I miss them Natalie. I miss them so much." Sambit niya habang umiiyak.

Naiinggit ako kay Anakin sa totoo lang. Dahil kahit papano, iniisip pa rin siya ng mga magulang niya. Habang ako, parang pinamigay nila ako ng parang wala akong silbe sakanila.

Kaya, I'm lucky to have Anakin as a shoulder to lean on.

Pagkalas namin pinunasan niya ang mga luha sa mga mata niya bago magsalita ulit.

"Natalie, I'm being honest ah. If you want to share something about your problems, feel free to approach me."

"Thank you Anakin. I'll make sure na malaki ang magiging tiwala mo saakin." Sambit ko na nakangiti.

"Anakin, matulog ka na lang kaya dito? Tutal, wala namang pasok bukas. Tsaka sa condo ka rin nakatira, kaya dito ka na lang matulog. Plus malapit na mag midnight eh." Sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"Sure ka?"

"Oo Anakin. Okay lang saakin." Napabuntong hininga siya sa sinabi ko at sumang ayon sa desisyon ko.

"Okay... dito na lang ako sa sofa matutulog." Sambit niya bago humiga sa sofa.

"Anong gagawin natin?" Taming niya saakin.

"Usap lang. I want to know more about you." Sambit ko na nakangiti.

Kylie's POV

Sinusundan ko pa rin si Tyrus hanggang ngayon. I need to know what he's been hiding about his family, at kailangan kong mag sorry sakanya.

Oo, alam ko kung saan siya nakatira, pero wala akong pakialam sakanya noon. Pero I felt guilty pa rin sa sinabi ko.

Lumabas na si Tyrus sa bahay niya at pasimple ko siyang sinusundan sa direksyon ng pinupuntahan niya.

Lumipas ng ilang minuto, nakaabot na kami sa libingan kung saan nakatayo siya sa libingan.

Lumuhod siya at humagulgol sa harapan ng libingan. Hooh! Nakakaawa siya sa totoo lang! Ngayon ko lang siya nakikita na umiyak ng ganyan!

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko sa nakikita ko.

Tumayo na si Tyrus, pinunasan Niya ang mga luha niya at umalis sa libingan.

Good thing hindi niya ako pinansin kaya lumapit ako sa libingan kung saan nandoon siya kanina.

Unti unti along lumapit sa libingan at tinignan ang pangalan ng nakalibing.

"Tyson Jordan Baltazar"

Yan ang nakasulat sa libingan ng pinuntahan ni Tyrus kanina.

"My twin brother." Sambit ng pamilyar na boses. Paglingon ko, si Tyrus.

"Tyson is my twin brother who died many years ago." Sambit niya habang tumutulo ang mga luha sa mga mata niya.

"Tyrus, sorry."

"You don't need to be. I mean it's my fault for losing him." I don't think kasalanan niya kung bakit nawala si Tyson. I have to ask him what really happened.

"Anong dahilian kung bakit namatay si Tyson?" Napabuntong hininga siya sa tanong ko bago magsalita.

"He had a rare heart disease. We used to live together as a whole family. Not until my dad changed when we came into this wreched world." Ang sakit nun! Lumaki si Tyrus na walang pakialam sakanya yung tatay niya.

"May galit ka pa rin ba sa tatay mo?" Tanong ko sakanya.

"Isn't it obvious? Of course galit ako sakanya! Dahil sakanya lumala ang sitwasyon ni Tyson. And look what happened to him?! Kasalanan na nga ni Dad kung bakit namatay si Tyson, ako pa rin ang sisisihin niya kahit ginawa ko ang lahat para gumaan ang pakiramdam niya!" Sambit niya habang umiiyak. Napabuntong hininga ako at lumapit sakanya habang tinatapik ang balikat niya.

"Tyrus, sorry to tell you this ah. Pero okay lang ba sayo na i-kwento mo yung buong pangyayari sa pamilya mo?" Pagtanong ko sakanya ng biglang tumahimik si Tyrus.

"It's okay Tyrus. I-kwento mo lang saakin. Makikinig ako." Bumuntong hininga muna siya bago magsalita ulit.

"Okay... I'll tell you."

"This is how it started."

Author's Note: Iyakan nanaman! Hayys! Grabe yung mga pinagdadaanan ng ilan sa mga myembro ng Gen Z Spartans! 😢😢😢 Pero at least they're slowly getting to know each other more. So ayun lang. Enjoy!!!

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now