Chapter 51

405 8 23
                                    

Levi's POV

Lumipas na ng ilang linggo at naging masaya na yung relasyon namin ni Brooklyn.

Pero napaisip na lang ako, paano ba siya nabiktima sa prank ni Kenny sakanya? Oo, alam ko na rin na dating magkarelasyon sila, pero paano yun nangyari?

"Levi..." Pagsulpot ni Brooklyn.

"Oh, buti napadaan ka." Pag asar ko.

"Bahay ko to sira!"

"May sinabi ba akong akin ito?" Pagpilosopo ko.

"Namimilosopo ka na pala ah!" Pag irap niya.

"Sorry naman." Sambit ko na natatawa.

"Eto, seryoso na talaga."

"Ano nanaman yan Levi?"

"Eto naman, galit agad."

"Sabihin mo na kasi!" Sambit niya na naiinis.

"Diba naging ex mo si Kenny? So, ang gusto ko lang tanungin is, paano ka ba niya prinank nung tungkol sa relasyon niyo dati? Not judging you ah, since alam mo naman na ganun din yung ginawa saakin ni Allyssa." Sambit ko na ikinayuko niya.

"Sure ka Levi na gusto mong i-kwento ko?"

"Oo Brooklyn. Gusto kong ipakita sa demonyong yan na hindi mo deserve na ganyanin ka niya." Sambit ko habang hinahawakan yung kamay niya.

Huminga muna siya ng malalim at nagpipigil ng pag iyak.

"It all started with him being a playboy."

Brooklyn's POV

"It all started with him being a playboy."

Flashback

I knew Kenny as a playboy ever since nung Grade 6 pa ako. Noon, akala ko dati na kaya kong baguhin yung pagiging playboy niya noong kinumbinse ko siya na lahat ng tao, pwedeng magbago pag may nakilala kang tamang babae o lalake.

Kaya simula nung sinabi ko yan sakanya, diyan nagsimula yung panliligaw niya saakin.

Simula nung Grade 8 ako, eto na yung taon na naging kami na ni Kenny. Nagtagal kami ng tatlong buwan nung inakala ko talaga na nagbago siya.

Bawat kilos niya, tinitignan ko kung talagang magbago siya. Hindi dahil sa sinasakal ko siya, pero gusto ko talagang malaman kung nagbago na talaga siya.

At eto na yung araw na nasaktan talaga ako. Nung nakita ko si Kenny na may kahalikan na babae.

Linapitan ko siya at sinampal ko siya ng paulit ulit para matauhan din to.

"Ano to Kenny?! Diba sinabi mo saakin na nagbago ka na?!"

"Hahaha! That's where you thought wrong baby." Natatawang sambit ni Kenny.

"You see, we set up a little prank for babies who are so desperately in love with us. And you are one of the perfect choices!" Pagpaliwanag ng babae na ikinadurog ng puso ko.

Agad kong sinipa si Kenny sa may ibaba dahil sa sobrang galit at tumakbo ako palayo sakanila.

Pumunta ako sa isang gubat at dun ko na linabas lahat ng nararamdaman ko.

End of flashback

Levi's POV

"He was my first love, but he treated me like s**t! Tinabuyan niya lang ako na parang bubblegum na pag nawalan ng lasa, itatapon na lang ako kung saan saan." Mangiyak iyak na sambit ni Brooklyn.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now