Chapter 4.5

723 19 8
                                    

Kylie's POV

"Hawakan mo ng maigi! Ang lampa ampotek!" Sigaw ni Tyrus saakin.

Irita naman siya! Pinapahawak niya saakin yung kickpad niya, eh ang lakas niya kaya manipa.

"Tyrus, pagod na ako. Tsaka nanghihina na tong kamay ko." Pagmakaawa ko sakanya.

"I don't care kung pagod ka! Malapit na yung laban ko so shut the hell up!" Sigaw niya saakin habang sinisipa yung kickpad.

Ang sakit na ng kamay ko kahahawak neto. Wait, may idea ako! Hahahaha!

"Tyrus..." Sambit ko na may halong pagka-sexy.

"What do you want Kylie?" Hinawakan ko yung balikat niya at unting unti kong linapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Kylie, wha-what are you doing?" Tanong niya saakin. Namumula pa siya oh!

"You know what, I must admit you're very hot." Sabi ko habang nag lip bite sa harapan niya.

Lumunok ito ng laway bago ko tanggalin ang kanyang damit na pantaas.

Tinulak ko siya pahiga at kumandong ako sakanya na ikinatigas ng katawan niya.

Hinawakan ko yung batok niya at linapit ko yung mukha niya sa mukha ko.

"Gusto mo ba Tyrus? I can do this to you kung gusto mo." Pa-sexy kong sambit sakanya. Hahaha! Hindi siya makasalita.

"Silence means yes diba? Wait lang." Tumayo ako at tinumba ko yung punching bag sakanya.

"GAH! WHAT THE HELL?!" Sigaw niya saakin.

"Hahahaha! Fighter ka nga, madali kang mauto! Bahala ka na diyan!" Umalis na ako sa harapan niya at hinanap yung iba kong kasama.

Hooh! Ayoko nang ulitin to sakanya!

Isabel's POV

"Corny mo." Sambit ko kay Link na walang emosyon.

Oo! As always, yung corny na joker kasama ko. Ever since na bata pa ako, ang lakas na ng amats neto saakin.

"Corny na nga, kaysa sa tomboy na tulad mo." Pag asar niya saakin na ikinairap ko.

"Ano bang pakialam mo kung tomboy ako?"

"Sa ganda mong yan, magpapa-tomboy ka sa joker na tulad ko?" Sabi ni mokong.

"Tsaka ano bang dahilan kung bakit mo ako pinadala dito?" Tanong ko sakanya na nakataas ang kilay.

"Wala lang. Ang sarap mong pagtripan eh." Pagbiro ni Link. Hayys, ang corny pa rin niya hanggang ngayon!

"Pwede na ba ako umalis?" Tanong ko sakanya.

"Pwede na..."

"Hay salamat!" Tumayo ako at lumapit ako sa pinto hanggang sa hinarangan niya ito.

"... hangga't di sinasabi ni Anakin na pwede na!" Sa sobrang inis ko binatukan ko siya.

"Aray naman oh!"

"Paalisin mo na nga ako dito! Kairita eh!" Sabi ko na may halong inis.

"Okay okay! Binibiro naman kita eh! You're free." Sabi niya habang umaalis sa pag harang niya.

Ngumiti pa si sira ulo! Umalis na lang ako palayo hanggang sa dumiretso ako ng classroom.

Pagpasok na pagpasok ko, natanaw ko si Brooklyn at Kylie na nakaupo, kaya lumapit ako sakanila.

"Ayos lang kayo? Anong nangyari? Tsaka, bakit basang basa ka Brooklyn?" Tanong ko.

"Ewan ko sa Levi na yan! Binubuhusan ako ng tubig dahil sa mga bwisit na tanong niya!" Init talaga ng ulo ni Brooklyn. Hindi ko siya masisisi.

"Uto uto pala tong si Tyrus. Hahaha!" Sambit ni Kylie habang tumatawa.

"Oh, anyare?" Tanong ni Brooklyn.

"Basta, ayokong ikwento. Pero natatawa ako sa pag uto ko sakanya." Well, kung ayaw niyang sabihin bahala siya. Joke, privacy syempre.

"Ano kaya nangyari kay Natalie at Tiffany?" Tanong ko na may halong pag alala.

"Kaya nga eh." Pag sang ayon ni Kylie.

I mean seriously, nag aalala ako sakanila.

Natalie's POV

Hanggang ngayon, stuck pa rin ako sa vacant room kasama si Anakin.

Hayys, hanggang ngayon di pa rin kami nagpapansinan ng mokong yan. Dahil sakanya, napilitan pa akong nag cut ng classes.

"Sa condo ka nakatira diba?" Pagsira niya ng katahimikan.

"It's none of your business." Sabi ko na walang halong emosyon.

"Well, I can't blame you. But I feel lonely pag nasa condo ako." Wait! Ganun din siya? Lumingon ako sakanya at napapansin ko sa mga mata niya ang lungkot.

"You mean..."

"Oo, pinilit akong ipalayo sa parents ko nung bata ako. Supposedly sa California ako nakatira, pero nung dumating yung Tito ko... pinilit niya akong lumayo sakanila." Bakit ganun, bakit ako naawa sakanya?

"Ayaw ba ng mga magulang mo na lumayo ka sakanila?" Tanong ko sakanya.

"Ayaw nila, pero binanta sila ng Tito ko na papatayin nila ako pag di ako sumama sakanila."

"Anong ginawa ng Tito mo sayo? Pinatira ka ba niya sa condo mo?"

"Naglayas ako."

"Ba-bakit?"

"Dahil sa pagmamalupit niya. Araw gabi ako nagtatrabaho para sakanya kahit may pasok ako. Most of the times sa school ako natutulog at pinapagalitan ako ng ibang teachers ko. At that moment, I felt like no one was by my side. It took me four months para maglayas ako sa bahay ng Tito kong abusado. Kaya eto ako, nakatira sa condo with the money Mom and Dad gave me. Alam nila lahat ng pinagdaanan ko sa tito ko." My God! Ganun pala kalala yung pinagdadaanan niya noon?!

Nakakaawa din siya!

Bumuntong hininga ako bago magsalita ulit.

"Anakin... you're just like me." Napalaki yung mata niya sa narinig ko.

"You mean, you lived with your family before? Kinuha ka din ng tito mo sakanila?" Sunod sunod niyang tanong.

"Sila mismo nagsabi sa Tito ko na bantayan ako. Kaya naglayas din ako at tumira na din ako sa condo malapit dito."

"Damn! That must be really hard. May kapatid ka ba?"

"Yes... Ate ko siya. Nag ta-trabaho na siya sa China as a business woman. At siya lang yung taong nakaka intindi saakin. Siya lang lagi nandiyan pag malungkot ako." Sabi ko habang unti unting tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Oo, kwinento ko rin yan kay Tiffany nung pumunta siya sa condo ko.

"You know what, we have something in common." Sabi niya habang tumatayo.

Pinunasan ko yung mga luha ko at tumayo na din.

"Pero di ibig sabihin nun, close na tayo."

"I mean, we can be friends. For now. I mean I can't just let you be dahil nahihirapan ka sa mga pinagdadaanan mo. You need a leaning shoulder to cry on." Sambit niya habang nakangiti.

Ewan ko lang, pero ibang Anakin yung nakikita ko. Sobrang concerned niya sa akin, lalo na sa family problems.

Kinuha niya yung susi, in-unlock niya yung pinto at lumabas kami sa vacant room.

"So... see you around?" Sabi niya saakin na ikina-ngiti ko.

"See you." Sabi ko at ngumiti rin sakanya bago naglakad papuntang classroom.

Hooh! Halo halo emosyon ko sa nangyari saamin ni Anakin!

Author's Note: Off topic lang, pero I just wanna let you know na you are strong. Kung ano man yung pinagdadaanan niyong problema, family, school, business or personal, I know malalampasan niyo din yan. Labyu all! ❤️❤️❤️

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now