Chapter 42

404 9 6
                                    

Raiden's POV

Nakaalis na kami ni Irelynn, at agad kaming nagpahinga sa may gilid ng kalsada.

"Ano ba naman yan?! Epal na nga si Natalie, yung hinayupak niya pang ate nangingialam!" Pagreklamo ni Irelynn.

"No worries. Al--"

"Puro ka na lang no worries! Eh laging palpak mga plano natin eh!"

"Sa tingin mo ba yun lang ang mga plano ko na siraan sila?! Diyan ka nagkakamali! I have so many tricks in my sleeves. Tsaka let me tell you something, yung boss ko na kausap ko lagi, related sila sa ate ni Natalie." Sabi ko habang minamasahe yung mukha ko.

"Sino ba yun?"

"Gusto mo bang makilala? Puntahan na natin." Pagyaya ko bago siya tumango.

Tiffany's POV

Nakahiga ako sa kama ngayon mag isa. Dahil si Stacey, umalis muna siya pabalik sa probinsya. One week naman siya diyan, pero ang boring eh.  Wala akong makausap.

May nag doorbell, so chineck ko yung bintana ko at nakita ko si Demyx na nakatayo sa may gate.

Bumaba agad ako at binuksan ko yung gate.

"Demyx."

"Tiffany."

"Napadaan ka?"

"Wala lang. Gusto lang kitang makasama." Sambit niya na ikinairap ko lang.

"Tiffany, ang tagal na nating hindi nakipag usap. Kaya naglakas loob na ako na pumunta dito sa bahay mo." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko.

"Hindi ka na galit?" Tanong ko sakanya.

"Kailan ba ako nagalit sayo?" Tanong niya pabalik.

"Yung sa flowers at chocolate."

"Hayaan mo na yun. Gusto ko lang makipag ayos sayo kaya ako pumunta dito."

"Kung gusto lang mag ayos tayo, edi okay na. Pwede ka nang umalis." Pag asar ko sakanya na ikinakunot noo niya.

"Joke lang! Pasok ka." Pagyaya ko na ikinasunod niya lang.

"Demyx, wait lang. May kukunin lang ako." Sambit ko bago pumunta sa kwarto ko.

Sa totoo lang, wala akong kukunin. Magbibihis lang ako, dahil nakakahiya sa bisita.

Hinubad ko na yung pantaas ko at naghanap ako ng pantaas na damit.

"Tiffany..." Pagkatok niya bago buksan ang pinto.

"AAHHH!" Sigaw ko bago ko takpan yung dibdib ko na nakasuot lang ng bra.

"S**T! SORRY!"

"LUMABAS KA NGA!" Pagsigaw ko bago niya isara yung pintuan.

Jusko! Bumabalik nanaman sa pagiging manyak tong Demyx na to!

Kinuha ko na yung pantaas kong damit at sinuot ito bago lumabas ng kwarto.

Agad naman akong umupo sa sofa at umiwas lang ng tingin kay Demyx.

"Tiffany--"

"Nakakahiya naman Demyx! Alam mo naman na nagbibihis yung tao, papasok ka na lang ng biglaan!"

"Malay ko bang nagbibihis ka! Akala ko kasi may kukunin ka lang!"

"Kumatok ka kasi!"

"Kumatok naman ako ah! Sa susunod kasi na magbibihis ka, i-lock mo yung pintuan!" Oo nga no?! Bakit hindi ko linock yung pinto!

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now