Chapter 24

528 10 2
                                    

Demyx's POV

"Well, hayaan muna namin kayo ni Tiffany pag usapan yan. Basta kami, sinabi na namin yung gusto naming sabihin at kayo na bahala na mag ayos. Tara na guys." Sambit ni Natalie bago kami iwanan ni Tiffany.

Nakakainis naman kasi, kinailangan pa namin umabot sa ganitong usapan.

"Demyx, sorry."

"Ano ba talaga yung nangyari?" Seryosong pagtanong ko sakanya.

"Demyx..."

"Sagutin mo ako Tiffany. Ano talaga ang nangyari?"

"Demyx. Yung pagyakap ko kay Luthor, aksidente lahat yan. Tsaka kakikilala ko lang si Luthor nung nakita mo kami na magkayakapan." Pagpaliwanag niya.

"Kung kakikilala mo lang siya, bakit mo siya yinakap?"

"Natapilok ako Demyx, hindi ko naman ginusto na yakapin siya. Nung natapilok ako, napayakap ako sakanya. Demyx hindi ko talaga ginusto yung nangyari. Sorry talaga Demyx." Magmakaawa niya saakin. Napansin ko na sincere talaga siya sa mga salita niya.

Napabuntong hininga ako at tinapik ko ang ulo niya.

"Sorry din kung nagalit ako sayo kanina."

"Hayaan mo na yun Demyx, basta ang mahalaga okay na tayo." Hindi ko mapigilan na yakapin si Tiffany ng mahigpit habang yinayakap ako pabalik.

"I love you Tiffany."

"I love you too Demyx."

Lumipas ng ilang segundo sa pagyakap, inayos ko yung buhok niya at hinalikan ko agad siya sa labi. Smack kiss lang muna syempre, baka sipain nanaman niya ako sa ibaba. Hahaha!

"Demyx! Nakakahiya naman yung ginawa mo. Baka may makakita saatin." Bulong ni Tiffany saakin.

"Bakit? Wala namang masama sa ginagawa natin ah."

"Alam ko, pero nakakahiya yung ginagawa mo."

"Tiffany!" Biglang pagsulpot ng pinsan ni Tiffany na si Stacey.

"Stacey! Napadaan ka?"

"Ayos ka lang? May ginawa ba sayo si Irelynn? Sinaktan ka ba? Sabihan mo ako pag may ginawa siya ah."

"Stacey, ayos lang si Tiffany. Wag kang mag alala, makakaasa ka saakin."

"Demyx, thank you ah! Tiffany, may sasabihin ako sayo saglit lang."

"Sige Demyx, mauuna muna kami ah." Sambit ni Tiffany bago sila umalis ni Stacey. Napangiti na lang ako dahil nagkaayos na kami ng mahal ko sa wakas.

"Mukhang nagkaayos na kayo ah." Biglang pagsalita ni Tyrus. Lumingon ako at nakita ko silang lahat na tumitingin saakin.

"Kanina pa kayo nandiyan?!" Tanong ko sakanila.

"Hindi pre, kararating lang namin!" Sambit ni Link habang nagpipigil ng tawa.

"Wag mo akong lokohin Lincoln Ferrer! Nagpipigil ka ng tawa eh!"

"Siya nga pala guys, lalaban si TJ para sa Taekwondo competition next week. Support lang tayo ah." Biglang pagsalita ni Kylie.

"Hoy TJ Hotdog! Libre mo kami pag nanalo ka ah!" Pabiro na sambit ko.

"Malay ko sayo Demyx." Sabi ni Tyrus bago ako irapan.

"Anong meron?" Biglang pagsulpot ni Tiffany.

"Ahmm... may laban kasi si TJ next week sa Taekwondo. Support naman natin siya." Sagot ni Kylie sa tanong.

"Sure! Tutal mga spartans, hindi nagpapatalo." Sabi ni Tiffany.

"Go lang Tyrus!" Sambit ni Anakin.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now