Chapter 57

306 7 14
                                    

Brooklyn's POV

Weeks past by, and exam na namin! Hooh! Stress is real! Pero the good thing is, nag review kami ni Levi para dito.

Ang saya pala magkaroon ng boyfriend na genius. Pwede mo siyang lapitan para may matututunan ka sakanya.

Tinake na namin yung exams, which is Science, English at Math.

Science is okay kahit papano. English, napaka dali dahil andami kong natututunan kay Levi.

Math... I hate math.

And I hate Ma'am Karen. Or should I say Karen. Alam mo, she doesn't appreciate efforts ng students na sagutin yung mga mahihirap na questions sa math. Sesermonan pag mali yung sagot, ipapahiya, diba nakakairita?!

Kahit nga si Levi, inis na inis sakanya eh. Actually all of us, inis na inis sa Karen na yan.

Nagre review na kami ni Levi habang hinihintay namim yung Karen na yan, and the others are doing the same thing.

"Brooklyn, nasayo ba yung reviewer mo?" Tanong ni Levi. Tinignan ko yung paligid ko, s**t! Nawawala yung reviewer ko!

"Ang ulyanin mo pa rin Brooklyn kahit kailan." Natatawang sambit niya na ikinairap ko lang.

"Eto, review ko. Balik mo na lang agad pag natapos mo na." Pagbigay niya saakin ng reviewer niya at kinuha ko ito.

"Salamat Levi."

"Do you need help?"

"Thanks Levi, pero kaya ko na to." Sambit ko bago ko siya halikan sa pisnge.

Ilang minuto sa pagreview, linapitan nanaman ako ni mokong para tignan ako.

"Matanong ko lang, saan mo ba huling linagay yung reviewer mo?"

"Nasa bag ko lang. Actually, magkasama kami ni Kylie at Isabel sa library. Eh hindi ko lang alam kung sino yung nangingialam ng gamit ko." Pagkwento ko.

"Ngayon mo lang nalaman na nawala yung reviewer mo?"

"Yup. Kaya thank you Levi ah." Pagpasalamat ko na nakangiti.

"Okay class! Let's start the exams!" Sambit ni Karen na sobrang nakakairita.

"Here goes miss manager." Bulong ni Levi na ikinatuwa naming dalawa.

Habang nagta take ng exams, sobrang nagfo focus ako sa math. Although mahirap, kinakaya naman kahit papano.

"Miss Sanchez!" Sigaw ni Karen na ikinagulat naming lahat.

"Po?"

"Ano yang nasa ilalim ng upuan mo?!" Inis na tanong niya.

"P-po?"

"Wag ka ngang mangmangan pa!" Sabi niya habang linalapitan ako.

"Ano to?!" Pagkuha niya ng papel na ikinalaki ng mata ko. Reviewer ko yan! Pero paano?!

"Ma'am--"

"Nangongodigo ka no?!"

"Ma'am hindi po. Hindi ko po--"

"Wag ka nang magdahilan pa! Give me your paper!"

"Ma'am--"

"Wag ka nang magdahilan pa miss Sanchez!" Pagsabat niya sa sinasabi ko habang tumutulo yung mga luha sa mata ko.

"Ma'am. With all due respect, hinding hindi po magagawa ni Brooklyn na mandaya." Sambit ng pamilyar na boses na ikinalingon naming lahat.

Levi?! Anong ginagawa mo?!

Levi's POV

Nagulat ako sa pangyayari. I know for the fact na hindi magagawa ni Brooklyn na mandaya sa exams.

I have to stand up for her!

"Ma'am. With all due respect, hinding hindi po magagawa ni Brooklyn na mandaya." Pagsabat ko sa usapan nila.

"Mister Sy, sit down and take your exams now!" Pagalit na sambit niya.

"Ma'am, pasensya na po sa sasabihin ko sayo ah. Yung ginagawa mo po kay Brooklyn ay hindi tama. You're just jumping into conclusions without even knowing the truth behind it. Hindi ko po sinasabi yan para ipagtanggol siya, pero let her explain her side para ma clarify niyo yung pangyayari."

"Sumasagot ka na ha?!"

"Hindi po ako sumasagot, sinasabi ko lang po yung katotohanan dahil hindi mo nakikita yung mga pagkakamali mo. Hindi lang po dito sa exams, pati na rin sa tuwing nagtuturo kayo saamin ganyan na ganyan po yung pagtrato niyo saamin. Hindi mo man lang kami pinagbigyan na magpaliwanag o depensahan yung side namin, dahil kung ano lang yung nakikita mo yun lang ang inaalam mo." Pag real talk ko sakanya.

"Napakabastos mong bata ka! You will not take the exams too! Magdamay damay na kayo ni Brooklyn! Get out of this class!" Sigaw niya saakin bago ko kunin yung mga gamit ko.

"At least hindi namin makikita yung teacher na nagpapahiya ng mga estudyante na tulad mo." Sambit ko bago ko hilain si Brooklyn palabas.

"Get out!"

"Lalabas na po! Para matuwa naman kayo!" Sambit ko lang neto.

Nang makalabas kami ni Brooklyn, yinakap ko siya ng mahigpit at nagpatuloy tuloy siyang humagulgol sa dibdib ko.

"Hayaan mo na Brooklyn. Ire report natin to kay Sir Joel, para makarating ito sa President." Pagtahan ko habang hinihimas yung ulo niya.

"Levi... bakit mo yan ginawa?" Mangiyak iyak na tanong niya.

"I know you will never cheat in an exam. I know you so well Brooklyn, that's why I stood up for you."

"Levi? Brooklyn?" Napalingon ako nang makita ko si Sir Joel na mukhang nag aalala saamin.

"Sir..."

"Good thing nandito kayo. Kailangan ko kayo kausapin..."

"Tungkol saan po?"

"Tungkol sa nangyari kanina. Diba binintang si Brooklyn na nangodigo siya?" Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"S-sir..."

"I'll explain everything. Sumama kayo saakin." Sambit niya na ikinasunod namin.

May pinakitang video saamin si Sir Joel sa CCTV at nalaman na namin yung katotohanan. Si Allyssa yung kumuha ng reviewer ni Brooklyn nung nasa library pa sila ni Kylie at Isabel.

Bwisit na Allyssa!

"Sorry if ever na nangyari to kay Brooklyn at nadamay ka pa Levi."

"Ginusto ko po talaga yan sir. Ginusto ko po talaga na damayan si Brooklyn."

"Well, maski nga rin kaming mga teachers naiinis sa pag uugali ng Ma'am Karen niyo, masyado kasing sipsip eh." Sambit niya na ikina-ngiti lang namin.

"Nonetheless, ganyan talaga si Miss Manager." Pagbiro niya na ikinatuwa naming tatlo.

"Hayaan niyo na, ire report natin to sa President para maiayos na lahat ng mga gusot." Sambit ni Sir na ikina-ngiti namin ni Brooklyn.

I won't let you down Brooklyn. Don't worry.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now