Chapter 18

565 12 14
                                    

Tiffany's POV

Nakakabwisit talaga si Demyx! Araw araw na lang! Ang hilig niyang manira ng araw!

"Girl, bakit mo ba linalayuan si Demyx?" Tanong ni Stacey.

"Stacey, will you stop talking about Demyx?! Nakakairita na eh!" Sigaw ko sakanya.

"Chill lang Tiffany. Mabait naman si Demyx eh."

"Atat na atat ka talaga sa manyak na yan no?! Edi sayo na yang Demyx na yan! Wala akong pakialam!" Inis na sambit ko bago umalis sa harapan niya.

Nakakairita talaga! Kahit si Stacey, kinakampihan yung bwisit na Demyx na yan!

Lumipas ng ilang oras, nasa classroom na ako. Pero bakit mas naiirita talaga ako. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung bwisit na manyak na yan! ARGH!!

"Tiffany... ayos ka lang?" Tanong saakin ni Natalie.

"Hindi talaga."

"Wag mo masyadong pag isipan si Demyx, concentrate ka lang." Good thing si Natalie lang nakaka intindi saakin. Kahit kaibigan niya yung manyak na yan, she always finds time to help me get through my problems.

3 hours later

Uwian na! Finally, hindi ko makikita yung lintek na Demyx na yan! Sa ngayon, kasama ko si Stacey sa may Ice Cream Store at nakaupo lang kami habang kumakain.

"So ayun nga, kiniss ka ni Demyx nung hindi pa close yung squad niyo pati yung Gen Z Spartans." Sambit ni Stacey.

"Sinong hindi maiinis dun?! Kiss, galing sa manyak?! Like, eww!"

"Pero malambot ba yung labi??" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

Potek! Hindi ako makasalita!

"See? Hindi ka makasagot? So ibig sabihin nun, nagustuhan mo yung halik niya!"

"Never in my entire life na gugustuhin ko ng halik sa manyak na katulad ni Demyx!" Sambit ko bago ko siya irapan.

"Well, yan yung sabi mo eh. Pero believe it or not, mabait talaga si Demyx." Puro Demyx na lang yung nasa bibig ng Stacey na yan! Bwisit!

"Sige, una na ako. May bibilhin ka pang school items diba? Mauuna na akong umuwi, at mag ingat ka." Sambit ni Stacey bago umalis sa harapan ko.

Dumiretso na ako sa mall at bumili ako ng mga gamit ko pang school while all of a sudden, may lalaking grabe tumingin saakin.

ARGH! MUKHANG MANYAKIS! PARANG DEMYX TALAGA!

Lumabas na ako ng mall at nasa kalsada ako. Gabing gabi na, at wala akong kasama. Well, at least tahimik. Walang nanggugulo saakin.

Pero napansin ko nanaman yung lalaking nasa mall kanina, parang sinusundan niya ako.

Bwisit! Sa dami daming lalaking pwedeng sumunod saakin, mga manyak pa!

Pero natatakot ako. Lord, help me!

Binilisan ko yung lakad ko para lumayo sakanya, pero lalo pa niyang binibilisan yung lakad niya.

Wala na akong choice kundi tumakbo para lumayo sa lalaking yan. Jusko, nakaka trauma!

Tumakbo ako palayo sakanya, kaso masyado siyang mabilis kaya naabutan niya ako at tinulak ako papunta sa pader.

"BITWAN MO AKO! PLEASE!" Pag awat ko sakanya.

"That's my princess. You're all mine now."

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" Sigaw ko bago niya takpan yung bibig ko.

Wala na akong magawa kundi umiyak sa takot, andaming manyakis talaga sa mundo. Nakakatakot.

"HOY!" Sambit ng pamilyar na boses, lumapit siya sa lalaki at sinuntok niya ito sa mukha na ikinatumba niya.

"Ang tapang mo ah!" Sambit niya bago suntukin si Demyx na ikinaiwas niya.

Oo, si Demyx yung nagligtas saakin.

Patuloy pa rin sinasapak ni Demyx yung lalaki hanggang sa umawat na siya.

"Subukan mong mambastos ng babae ulit, hindi ka na sisikatan ng araw!" Pagbanta niya sa lalaki bago ako hilain palayo sakanya.

Ibang Demyx yung nakikita ko sa totoo lang. Sobrang layo sa personality niya.

"Ayos ka lang?"

"Sa-salamat... Demyx..."

"Bakit ka kasi nag lalakad mag isa? Alam mo naman nakakatakot lumabas sa gabi eh. Kaya ayun tuloy, napahamak ka sa mga manyak na yan."

"Nauna na kasi si Stacey umuwi, tsaka bumili ako ng mga gamit para sa school." Pagpaliwanag ko.

"Sa susunod, magpasama ka sa iba para hindi ka mapahamak ng ganyan." Panermon ni Demyx

"Thank you Demyx." Pagpasalamat ko sakanya. Ewan ko lang, pero napayakap ako sa braso niya.

Pansin na pansin ko yung ngiti niya, pero hindi ko na siya pinakialaman.

I never expected a pervert being a very well concerned person.

"Uhmm... Tiffany?"

"Bakit?"

"Ang laki."

Napansin ko na yung braso niya, nakadikit sa isa sa mga dibdib ko kaya ako bumitaw.

"Bastos." Pagsampal ko sakanya ng mahina.

"O siya siya. Hatid na kita sa bahay mo, para sigurado akong ligtas ka." Sambit ni Demyx bago ako kindatan.

"Ewan ko sayo."

"Kumain ka na ba?" Tanong niya na ikinairap ko.

"Libre kita, alam kong nagugutom ka eh."

"Okay..."

Pumunta kami ni Demyx sa Greenwich at bumili siya ng lasagna at pepperoni pizza. Nagkwentuhan kami ng kung ano ano habang kumakain kami. Nalaman ko na kababata niya pala si Link kaya ganun sila ka close. Tsaka yung kuya Niya, girlfriend niya yung ate ni Link. Base sa kwento niya, mas malala yung pagiging pervert ng kuya niya kaysa sakanya. And the good thing is binago siya ng ate ni Link simula nung naging sila.

I guess tama nga silang lahat. Mabait talaga si Demyx pag mas nakilala ko siya.

Lumipas ng ilang oras ay naglalakad kami ni Demyx papunta sa bahay ko.

"Tiffany."

"Bakit?"

"Alam ko mabibigla ka sa tanong ko, pero..."

"Ano nga?"

"Pwede bang manligaw?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ano?"

"Pwede ba akong manligaw?"

"Uhmm..."

"Hindi mo kailangang sagutin agad. Naintindihan kita kung hindi ka pa handa." Napabuntong hininga ako at tumango.

"Pwede Demyx."

"Nice one! O siya siya, malapit na tayo sa bahay mo diba?"

"Yep."

"Hatid na kita pauwi."

Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa nakarating kami sa bahay ko.

"Thank you pala Demyx."

"Saan?"

"Sa pagligtas mo saakin."

"Wala yun! Basta ang mahalaga, ligtas ka. Ayoko naman mapahamak ka eh."

Hindi ako nagdalawang isip na halikan siya sa pisnge bago ako pumasok sa bahay. Lumingon ako sakanya at kumaway sakanya bago pumasok sa loob ng bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

I guess I really like that pervert. Hindi ko talaga maiwasan na magkagusto sakanya. Demyx Ignacio. I can't believe I fell in love with you.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now