Chapter 84

505 12 20
                                    

Demyx's POV

Nagmamaneho ako papunta kina Kuya Nash, dahil nag aayos kami para sa kasal nila ni Ate Aaliyah.

Pumara muna ako sa bahay ni Tiffany at bumaba ako para sumama siya saakin dahil wala akong makausap eh.

Nag doorbell ako, at saktong sakto nakabihis na siya ng pang alis kaya napangiti na lang ako nang makita siyang lumabas ng bahay.

"Tara na?" Pagyaya ko.

"Okay." Sambit niya bago sumakay sa kotse ko.

Habang nagmamaneho, hindi niya maiwasan na titigan ako ng patago.

Alam kong nagpapanggap siya na tumitingin sa harapan, kaya pumarada muna ako at hinawakan ko yung kamay niya.

"Demyx, saan ba tayo pupunta??"

"Sa motel."

"BWISIT!"

"Pupunta tayo kay Kuya Nash. Malapit na kasi yung kasal nila eh. Andun na rin si Link at Isabel. Kaya mag chillax ka muna diyan." Sambit ko na ikinairap niya.

"Nagugutom ka ba? Medyo malayo yung venue eh."

"Medyo."

"O sige. Kain tayo." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

Napatigil kami sa Ricaforte's Pizzeria at nakita namin si Luthor na papunta doon.

"Luthor!" Pagtawag ko.

"Oh! Demyx! Tiffany! Napadaan kayo?"

"Kakain lang kami. Ikaw, anong ginagawa mo?" Tanong ni Tiffany.

"Pupuntahan ko lang yung girlfriend ko. Owner siya eh." Sambit ni Luthor na ikina-ngiti ko lang.

"Iba ka talaga Luthor!" Sambit ko na ikinatuwa naming tatlo.

"Halika. Ipapakilala ko siya sayo." Sambit niya na ikinasunod namin.

Nakilala na nga namin si Esther na owner ng Ricaforte's Pizzeria. Mabait siya sa totoo lang, and marunong makihalubilo.

Para siyang si Tiffany, madaling mapikon. Tas etong si Luthor, parang ako lang, expect sa pagiging pervert ko.

Masaya nga yung kwentuhan naming apat, at ayun. Nakikita ko talaga yung sarili namin ni Tiffany pag nakakasama yung dalawang to.

"Ang kulit mo kasi eh! Ayun tuloy! Nalaman ng Team Speed na tayo na." Sambit ni Esther na ikina-ngiti ni Luthor.

"At least tumulong naman ako sayo sa panlibre nila." Natatawang sambit ni Luthor na ikinairap niya lang.

"Alam mo, nakikita ko yung sarili namin ni Tiffany pag ganyan kayo kakulit." Natatawang sambit ko.

"Che! Hindi manyak si Luthor!" Singhal ni Tiffany.

"Hindi nga siya manyak, pero ang daling mairita ni Esther sakanya." Pagpaliwanag ko.

"Ang cute niya nga pag nairita siya saakin eh." Pagbanat ni Luthor.

"Ayun tuloy! Dinamay na tayo sa Team Speed dahil sa kakulitan mo!" Inis na sambit ni Esther.

"Hayaan mo na. Makulit lang talaga ako."

"Ewan ko sayo!"

"Alam mo Esther, pasalamat ka na lang at makulit lang si Luthor. Eh mas malala nga tong manyak na to eh!" Inis na sambit ni Tiffany na ikinatuwa ko lang.

"Isa pang tawag mo saakin na manyak, didiretso talaga tayo sa motel." Pagbanta ko.

"Diba?! Kaya makuntento ka na sa makulit!"

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now