Chapter 8

639 16 3
                                    

Natalie's POV

Ibang klase ah! The past few weeks, medyo nagiging jolly ni Hazel. All thanks to Riku though, hehe.

"Natalie!" Lumingon ako at nakita ko na lumapit saakin si Anakin.

Speaking of Anakin, we are now getting along habang tumatagal. Pero yung ibang kaibigan ko, inis na inis pa rin sa Gen Z Spartans. Hahaha! I can't blame them though.

"Anakin, napadaan ka."

"Can I talk to you?" Pagpaalam niya saakin.

"Ehem ehem!" Lumingon ako kay Tiffany na nakaupo sa tabi ko at tinitignan ng masama si Anakin.

Napabuntong hininga siya bago magsalita ulit.

"Don't worry Tiffany, walang masamang mangyayari kay Natalie. Okay?" Sambit niya habang nag thumbs up.

"Whatever..." Pagtaray ni Tiffany sakanya.

Lumabas na kami ni Anakin at umupo  kami sa bench ng basketball court.

"Bakit? May sasabihin ka?" Tanong ko sakanya na ikinatango niya.

"Okay... this is like an emergency for me, and I need you to help me." Sambit niya na may seryosong tono. Ano kaya pakulo netong mokong na yan?

"There is this girl who acts like a psychopath sa school."

"Psychopath agad?! Sira ulo to ah!" Pagbiro ko sakanya.

"Natalie, this is serious. Within a few days, papasok na siya dito sa school." Sambit niya habang ginugulo yung buhok niya.

"Okay... bakit ba? Anong meron sa babaeng yan?" Natatakang tanong ko sakanya.

"Okay, let me tell you who she is. Her name is Irelynn Reyes. Kilala siyang "Beast Beauty" dahil sa kanyang kagandahan at sama ng ugali. Campus bully siya dito sa school, lalo na sa mga babae. And the worst part is, she is so desperate to have me as my boyfriend. No matter how many times I rejected her." Pag kwento niya na mukhang naiinis.

"So... anong gagawin ko para matulungan kita?"

"I know this will shock you..." Sabi niya habang nakayuko.

"Ano nga??" Tanong ko sakanya. Hinawakan niya yung mga balikat ko at tinignan niya ako sa mata.

Bakit ganun? Ngayon ko nalaman na maganda pala mga mata niya.

"Natalie... I need you to act as my girlfriend." Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

WHAT?!?! MAGPANGGAP AKONG GIRLFRIEND NI ANAKIN?! WHAT KIND OF SORCERY IS THIS?!

"A-ano?! Ba-bakit ako Anakin?!" Shocks! Nauutal ako!

"Natalie, this is the only way para tumigil si Irelynn sa pagiging desperado saakin. And I can't do this without you." Sabi niya habang tumitingin saakin.

Anakin, biglaan naman yung mga pangyayari ah! Pero bakit ba biglang pumasok sa isip ko na maging boyfriend siya??

No! Tigilan mo to Natalie! Lalo ka lang mas-stress.

"Natalie!" Bumalik na ako sa realidad.

"Ano papayag ka ba?" Tanong niya saakin.

Huminga muna ako ng malalim at tumango sa request niya.

"Sige. Papayag ako. Pero paano kung..."

"Kung ano?"

"Nevermind. Basta tulungan kita para umiwas yung Irelynn na yan."

"Thank you Natalie! Thank you sobra! I owe you one!" Pagpasalamat niya habang ngumingiti.

Ibang klase, ang ganda ng ngiti niya. Pero paano kung naging totoo yung tungkol saamin? Paano kung magiging kami na talaga?

Tiffany's POV

Kumakain na kaming lahat except kay Natalie na wala dito sa table, hanggang sa dumating yung mga mokong na Spartans.

"Tabi tabi po!" Hanggang kailan ba hindi magpapapansin yung Link na yan?! Nakakarindi na boses niya sobra!

"Hi! Pwede makiupo dito?" Pagpaalam ni Demyx. Bwisit! Sa tuwing nakikita ko pagmumukha neto, sumisira na araw ko.

"Bawal manyak dito!" Sambit ko na walang halong emosyon.

"Hi Brooklyn. Miss mo na ba yung genius na tulad ko?" Pag asar ni Levi.

"Miss ko na ibugbog yung mayabang na tulad mo." Pagkairap ni Brooklyn.

"Hey nerd. Baka nakalimutan mo, may kasalanan ka saakin." Sambit ni Tyrus na tinitignan ng masama si Kylie.

"Ang dali mo kasi mauto!" Natatawang sambit ni Kylie.

"Hey pretty boy." Pag kumusta ni Link kay Isabel.

"Pretty boy mo mukha mo!" Pagsigaw ni Isabel sakanya.

"Grabe naman kayo saamin, wala naman kaming ginawang masama sayo." Sabi ni Link na mukhang binibiro lahat ng sinasabi namin.

"Hi Hazel. Are you okay?" Pagkumusta ni Riku.

"Yeah. Thank you nga pala Riku." Pagpasalamat ni Hazel na nakangiti.

"Anything to make you feel better." Sambit niya habang nakangiti.

"Uyy! May something na!" Pag asar ni Link sakanila.

"Alam niyo, si Riku lang talaga yung matino sainyo!" Pasigaw kong sambit sakanila.

"Ang daldal mo talaga! Baka gusto mong ulitin ko yung ginawa ko sayo." Pag asar ni Demyx na unting unting lumalapit sa mukha ko.

Kairita! Naalala ko nanaman yung kiss namin!

"Kailan ka ba titigil ha?!" Sumisira nanaman araw ko sa manyak na yan!

"Demyx, tama na yan." Pag awat ng pamilyar na boses. Paglingon namin, dumating na si Anakin at Natalie.

"Oh, boss! Buti napadaan ka." Sabi ni Demyx.

"Napagplanuhan mo na ba tungkol sa pagbalik ni Irelynn?" Tanong ni Levi sakanya.

Biglang nabilaukan si Hazel sa tinanong ni Levi, kaya binigyan siya ng tubig ni Riku.

"Are you okay Hazel?"

"Sorry, nabigla ako."

"Why? Do you know Irelynn Reyes?" Tanong ni Tyrus sakanya.

"Oo... pero ayoko munang pag usapan."

Hayys, uminit na nga yung ulo ko sa Gen Z Spartans na yan tapos dadagdag tong lintik na Irelynn Reyes na yan!

Demonyita tong bwisit na yan eh!

"As I was saying, may plano ka na ba para umiwas kay Irelynn? Anakin?" Tanong ni Levi.

"Yep, pero ipapaliwanag ko sainyo mamaya. For now, kain muna tayo." Sagot niya sa tanong ni Levi.

Kumakain na kaming lahat, syempre, magkasama yung girls sa iisang table. While ganun din yung sa boys.

"Natalie, anong plano ba yung sinasabi ni Anakin sayo?" Tanong ni Kylie.

"Wag kayong mabigla ah..."

"Ano yun?" Tanong ni Isabel.

"Sabihin mo na." Sabi ni Brooklyn.

"Go lang Natalie." Sabi ni Hazel.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita ulit.

"Kailangan kong magpanggap na boyfriend ko si Anakin." Sagot niya saamin.

"WHAT?!?!?!" Sabay sabay naming sigaw. Jusko! Nakakahiya, pinagtitingin na kami ng mga estudyante dito.

"Sorry po! Wag niyo na kaming pansinin." Pagpasensya ni Kylie sa lahat.

Kinakabahan ako sayo Natalie! HOOH! LORD PLEASE!

Author's Note: Intense! Things are getting different now!

Do you think gagana yung plano ni Anakin at Natalie kay Irelynn? Ano kaya yung gagawin ni Irelynn pag pumasok na siya?

Ayown lang, intense na yung mga pangyayari. Labyu all! ❤️❤️❤️

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now