Chapter 30

486 7 7
                                    

Kylie's POV

Kasalukuyan na magkasama kami ni TJ at ni Damian sa venue ng Taekwondo competition nila.

Medyo madaming tao, but it's manageable para makaupo kami ng maayos.

"Tyrus! Poomsae pa lang ginagawa nila. So may time tayo para mag practice ng mga sipa natin." Sambit ni Damian bago umalis.

"Gelai. Tara!" Pagyaya ni TJ na ikinasunod ko.

I can say talaga na ang galing nilang manipa, lalo na si TJ. Hindi ko na nga mapigilan ang sarili ko na tignan siya pag naninipa eh.

Tumagal ito ng ilang minuto at nagpahinga na sila.

"So... paano kayo nagkakilala ni Tyrus?" Tanong ni Damian na ikinalaki ng mata ko.

"Uhmm... it's better na lang na wag mong alamin. Nakakahiya eh!" Sambit ko bago ko takpan ang pagmumukha ko.

"Okay, okay. Tanungin ko na lang si Tyrus." Pag asar ni Tyrus saakin.

"Hoy Damian!"

"Tyrus! Paano kayo nagkakilala?" Tanong ulit ni Damian.

Napakunot ang noo ko nang mayroon siyang tinitignan na lalaki na naninipa din ng kickbag.

Ewan ko lang, pero tinitignan lang siya ni TJ ng masama.

"Steel..."

"Huh?" Pagtatakang tanong ko.

"I'm gonna teach that bastard who's boss!" Pagalit na sambit niya bago umalis.

Anong meron diyan kay TJ? Bakit na siya nagalit sa lalaking yun?

"Steel Cruz. Isa sa mga kinaiinisan ni Tyrus simula nung nag training siya sa Taekwondo." Sambit ni Damian.

"Bakit?"

"Ever since na sumali si Tyrus, si Steel yung unang nambu bully sakanya. Lagi niyang tinatawag si Tyrus na lampa. Well as a friend of his, lagi ko siyang pinagtatanggol. Kahit na sabihin natin na feeling niya walang kumakampi sakanya, pinapaalala ko lang sakanya na andidito lang ako lagi para sakanya." Pagkwento niya.

"Tsaka alam mo naman nung nangyari kay Damian at Roselle diba?" Dagdag na tanong ni Damian.

"Yeah?"

"Isa si Steel sa mga nambugbog kay Tyrus. Well, inawat ko siya as usual. Pero it's not that easy. Kasi after that, na suspend si Tyrus dahil kay Roselle."

"Naging kaibigan mo naman si Roselle diba?"

"Yeah. Pero nung nalaman ko yung tunay niyang pagkatao, hindi na ako nagdalawang isip na iwasan siya. I know for the fact na pa victim siya."

"Nakita mo ba yung ginawa ni Roselle nung binintang niya si Tyrus?"

"Nakita ko. Naglagay si Roselle ng make up na parang binugbog siya at gumawa pa siya ng fake blood para maniwala sila sakanya na binugbog siya ni Tyrus. Ire report ko dapat yan sa coach namin, kaso naabutan nila ako at binugbog din ako para hindi ko sila masumbong." Pagkwento niya ulit.

So that's the reason why Tyrus is mad at Steel. Well, I couldn't blame him. But what made me more angry is yung pa feeling victim ni Roselle!

Irita siya!

Tyrus' POV

I couldn't believe that I could see that a**hole again! My blood is boiling seeing your face Steel!

Anyways, natapos na yung poomsae at nagre ready na kami sa laban.

Isa sa mga referee ay tumatawag na ng mga pangalan. Well, Damian got the red armor and tinutulungan siya ni Gelai na mag ayos ng armor niya.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now