Chapter 69

287 8 5
                                    

Demyx's POV

Nag enjoy kami sa ginawa naming lahat kanina! Nakakagaan sa loob! Kumpleto na nga kami, wala nang mga epal na psychopath, magkakaayos na agad kami.

"Demyx..." Pagtawag ni Tiffany saakin.

"Pwede ba kitang makausap? Mag isa lang?" Pagyaya niya na ikina-ngiti ko lang.

"Sige ba."

"Ayown!!"

"Marupok pala tong si Tiffany eh!"

"Ayiiee! Di matiis si Demyx!"

Nag asaran lang yung mga mokong, pero di bale na. Wala kaming pakialam sa mga sinasabi nila.

Nakalabas na kami ni Tiffany sa restaurant, napangiti na lang ako nang nakangiti na rin itong si Tiffany.

"Bakit?"

"Uhmm... Demyx. About sa panliligaw mo saakin pati sa panliligaw ni Luthor saakin... naguguluhan talaga ako nung una. But my heart is screaming your name. Ewan ko ba kung bakit sa dami daming mga lalaking dumadating sa buhay ko, isang manyak na katulad mo yung minahal ko. Hindi ko alam kung tama ba talaga na mahulog ako sa isang manyak na tulad mo, pero di bale na. Alam ko na yung sagot sa nararamdaman ko. Demyx, it's you. It has always been you."

Ibang iba si Tiffany nung sinabi niya yan. Pero napapaisip pa rin ako kay Luthor. Ewan ko ba, pero parang siya yung naging tulay sa pagmamahalan namin ngayon.

"So... sinasagot mo na ako?" Tanong ko na nakangiti

"Oo Demyx. Sinasagot na kita."

"YES!!" Sigaw ko bigla bago ko sinunggaban ng halik si Tiffany.

Sobrang saya ko na naging kami na talaga ni Tiffany. Iba pala yung feeling pag sinagot ka ng taong mahal mo.

Bumitaw na kami sa halikan namin nang maghahabol na kami ng mga hininga.

"Tiffany. Hindi ko man maipapangako na hindi kita mamanyakin, pero ipapangako ko na sayo at sayo lang nakatingin ang mga mata ko." Pagpangako ko na ikina-ngiti niya.

"I love you Demyx."

"I love you too Tiffany."

A few days later

Nag aayos na ako ng gamit ko para sa school nang biglang pumasok itong si Kuya Nash na nakangiti.

"Oh! Anong meron sayo Kuya?"

"Demyx... may good news ako sayo." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Ano yun Kuya?" Tanong ko bago siya huminga ng malalim.

"Engaged na kami ni Aaliyah."

"TALAGA?!" Di makapaniwalang sambit ko.

"Oo nga!"

"Congrats brother!!!" Sigaw ko habang yinayakap siya.

"Thanks brother! Siya nga pala, hinihintay ka na ng bayaw mo." Sambit niya bago ako tumakbo pababa.

Pagkababa ko, napangisi ako nang makita ko si Ate Aaliyah at yung loko loko kong bayaw.

"Bayaw!!" Sabay sabay naming sambit bago kami naglapitan at nagyakapan.

"Ate Aaliyah! Congrats nga pala sainyo ni Kuya. Sobrang saya ko po na naging hipag ko kayo."

"Thank you Demyx. Sobrang saya ko na naging parte ako ng pamilya niyo ni Nash." Sambit ni Ate Aaliyah.

"Not only that, you also have your brother in law at your back! So no worries!"

"Siya siya! Mauuna na kami ni Link sa school!" Sambit ko na ikinatango niya lang.

"Mag iingat ha?"

"We got you Ate!" Sambit ni Link bago kami umalis.

Aaliyah's POV

I'm very happy that I became a part of Nash's family. At oo, hindi ko inexpect na mag e-engage siya saakin. And I couldn't wait na ikakasal kami.

"Aaliyah, asawa ko." Pagdating ni Nash na ikina-ngiti ko.

"So, any plans for our wedding?" Tanong ko.

"Madami. Napakarami." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"I can't wait my love."

"Sa honeymoon natin?" Pag asar neto na ikinalaki ng mata ko.

"Bwisit! Ayan nanaman yung kamanyakan mo!"

"Ayaw mo nun? Sayo lang ako namamanyakan?"

"Kaya nahawa si Demyx sayo eh!" Pag irap ko.

"Hahaha! Eto, seryoso na. Saan mo gusto magpakasal?" Tanong niya.

"Ikaw na bahala dun. As long as masaya akong makasama ka." Sambit ko na ikina-ngiti niya lang.

"Aaliyah Agnes Ferrer - Ignacio. Ang ganda pakinggan no?"

"Sobra, Nash Alexander Ignacio. Pero wag kang mamimihasa pag namamanyakan ka nanaman saakin!" Pagbanta ko sakanya na ikinatuwa niya lang.

"So gusto mong minamanyak ka ng asawa mo?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ewan ko sayo, manyak!" Sigaw ko sakanya bago tumalikod sakanya.

Pero bigla biglaan na lang niya ako yinakap patalikod na ikinagulat ko lang.

"HOY! NASH! ANO BA?!"

"Payakap lang. Miss na kitang yakapin eh." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.

Hayys, kung hindi manyak, mahilig lumambing. Ewan ko ba kung anong meron sa fiance ko at naging ganung kalambing.

Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ko ito na ikina-ngiti niya.

"Hindi mo talaga ako matiis no Aaliyah?" Pag asar ni mokong.

"Bahala ka nga diyan." Sambit ko bago humarap sakanya.

"I love you Aaliyah!"

"I love you too. Kahit ang kulit kulit mong manyak ka." Sambit ko bago ko siya halikan sa ulo niya.

"Ulo lang??" Pagtampo niya na parang ewan.

"Wag kang mamihasa! Bwisit!"

Demyx's POV

"Bayaw! Una na ako ah! Kita kits mamaya!" Sambit ni Link bago umalis.

"Demyx..." Pagsulpot bigla ng Luthor na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"I heard about your relationship with Tiffany. Congrats." Sambit niya na nakangiti.

"Uhh... salamat. Alam mo na pala?"

"Yup. Actually, pinag usapan namin yan ni Tiffany kanina. And you know what, I'm glad na she chooses you. Despite na magkaribal tayong dalawa na umagaw sakanya, I'm happy that she made her decision carefully." Sambit niya na ikina-ngiti ko lang.

"Out topic muna, there's this restaurant called Ricaforte's Pizzeria. And I'm kinda interested going there. Saan banda yung restaurant na yun?" Tanong niya.

Ahh, yung dinadaanan namin lagi ni Kuya na restaurant. Medyo malapit yan dito sa school eh.

"Mga 5km na lakad lang yan. Medyo malapit siya dito sa school. Bakit? Kakain ka diyan?" Tanong ko.

"Yup. I'm kinda interested going there. Anyways, see you around." Pagtapik ni Luthor sa balikat ko bago maglakad palayo saakin.

Ibang klase rin itong si Luthor ah. Marunong tumanggap ng pagkatalo. Unlike sa mga psychopath na desperado masyado.

Well, at least tahimik na mga buhay namin.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now