Chapter 10

634 13 2
                                    

Demyx's POV

Naglalakad ako mag isa, dahil sobrang bored ako. Halos lahat kasi busy eh.

Hayys, anong gagawin ko?

"Ano bang gusto mo Irelynn?!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Malakas ang kutob ko na si Tiffany yan.

Andito na pala si Irelynn? Looks like mapapahamak nanaman ang mga estudyante dito.

Kailangan ko siyang puntahan.

Tumakbo ako patungo kay Tiffany na nasa locker room at nakita ko na lang sila nagsasabunutan.

"Kaya mo pa ba Tiffany?! Ha?!" Tanong ni Irelynn sakanya. Lumapit ako sakanila at inawat ko sila sa pakikipag away.

"Tama na yan!" Tinanggal ko yung kamay ni Irelynn sa buhok ni Tiffany at linayo ko siya sakanya.

"Demyx! Hi!" Sambit niya na mukhang nagpapanggap na inosente. Mga galawan mo ugok Irelynn. Hindi mo ako mauuto.

"Ang kapal pa ng mukha mo magpakitang gilas dito no?! FYI, kapapasok mo lang ulit dito!" Sabi ko na may halong inis.

"Tsaka, ikaw ang nagsimula ng gulo diba?!" Sambit ni Tiffany na naiinis.

"Wow! So ako talaga ang may kasalanan?!" Pampilosopo ni Irelynn

"Halata naman diba?!" Pampilosopo din ni Tiffany.

"Irelynn, kung andito ka lang para manggulo, umalis ka na!" Sabi ko na may halong inis.

"Whatever!" Sabi niya habang nag roll eyes at umalis.

Tinignan ko si Tiffany at nginitian ko siya. Umirap siya at naglakad palayo saakin.

"Thank you ah!" Sigaw ko sakanya.

Hayys! Mga babae talaga. Sila na nga yung tinutulungan, sila pa yung malakas ang loob na magalit.

Pero, napapansin ko sa pagmumukha niya kanina na namumula siya. So may chance pa ako magpapogi sakanya ng paulit-ulit. Hahaha! You better watch out Tiffany, mahuhulog ka na saakin sooner or later.

Tiffany's POV

Bakit ba nangialam tong si Demyx?! Stress na nga ako dahil sa Irelynn na yan, tas makikidagdag nanaman to?!

GRRR!!! KAIRITA!

Nasa kwarto ako ngayon at natutulala ako sa pangyayari. Imaginin mo, manyak pa yung nagtanggol sayo laban sa demonyitang Irelynn na yan?!

Che! I don't need his help! Kaya ko naman ipagtanggol yung sarili ko!

"HOY TIFFANY!"

"AY KABAYO!" Nagulat ako sa sigaw ng madaldal kong pinsan na si Stacey Castillo.

"Stacey naman oh! Wag ka ngang pumasok sa kwarto ko ng biglaan! Baka magka stroke ako ng dahil sayo eh!"

"Hahahaha! Kanina ka pa natutulala diyan eh!" Pag asar niya saakin na ikinairap ko lang.

"Don't tell me... nangistorbo nanaman sayo si Demyx?" Sambit niya na ikina-iling ko.

"So anong nangyari?" Tanong niya.

"Bumalik na kasi si Irelynn sa school." Sagot ko sa tanong niya.

"What?! Wait, don't tell me na nakipag away yan sayo?! Alam mo, malilintikan saakin yang Irelynn na yan!" Oo, alam ni Stacey yung tungkol sa pagbubully ni demonyita.

"And what's worse, tinulungan ako ng pervert na bwiset!" Sambit ko.

"Sinong pervert?" Tanong niya.

"Demyx."

"Bakit ka ba nagagalit sakanya?! Pasalamat ka nga tinulungan ka niya eh! Tsaka bakit mo sinasabi na manyak si Demyx?"

"Put yourself in my shoes para malaman mo!"

"Girl! Baka naman ang babaw ng dahilan mo para tawagin siyang pervert. Tsaka kilala ko si Demyx, mahilig lang siya magbigay ng compliments sa girls. Tsaka, ang cute niya kaya!" Sabi niya habang kinikilig.

Eh, bahala siyang ma in love sa manyak na yan! Basta ako, ayoko!

"Kung nacu-cutan ka sakanya, bakit di mo jowain?!"

"Malabo bhie! Tsaka base on my observation, ikaw talaga gusto nun." Sabi niya.

"Sabihin mo sa Demyx na yan na tigilan niya ako! Dahil hindi ako natutuwa sa mga pinag-gagagawa niyang kalokohan!"

"Well, suit yourself." Sambit ni Stacey bago umalis sa kwarto ko.

Hayys! Tulog nga muna ako! Nakaka stress kasi mga pangyayari eh!

Natalie's POV

Hooh! Grabe pala si Irelynn! Looks like tama nga si Anakin tungkol sakanya. Psychopath nga talaga.

Oo, narinig ko yung balita sa pag away nila ni Tiffany. Pero di ko matanggal sa isip ko yung sinabi ko kay Irelynn tungkol kay Anakin.

Nagpapanggap ka lang Natalie! Nagpapanggap ka lang na boyfriend mo si Anakin. Wag mong seryosohin.

Biglang nag ring yung phone ko. Unknown number eh, sino ba to?

"Hello?" Pagsagot ko sa tawag.

"Hey Natalie."

"Anakin?! Teka, paano mo nakuha cellphone number ko?!" Tanong ko na mukhang nagtataka.

"It doesn't matter where I got this. Gusto lang kita kumustahin." Sambit niya.

"Ewan ko sayo."

"Kumusta nga pala? Ayos ka lang?" Tanong niya saakin.

"Oo... ayos lang ako. Medyo na stress lang kay Irelynn."

"Hayaan mo na yun, basta Ang mahalaga ay hindi ka niya sinaktan."

"Anakin, hindi mo naman ako kailangan protektahan lagi eh. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko."

"Mas maganda pag sigurado ako. Anyways, if ever man may ginawa sayo si Irelynn, sabihan mo agad ako." Hooh! Ang laki ng pinagkaiba ng ugali ni Anakin nung unang beses ko siyang nakilala at ngayon!

"Sige po boss. Ipapaalam ko sayo kung may ginawa si Irelynn saakin. Tsaka matulog ka na! May pasok pa bukas. Goodnight."

"Sweet dreams Natalie." Sabi niya bago i-end ang tawag namin.

Ewan ko lang, pero napangiti na lang ako sa sinabi ni Anakin na "Sweet Dreams"

HOOH! ANONG NANGYAYARI SAYO NATALIE EUGENIO?!?!

Danica Ontengco as Stacey Castillo


Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now