Anakin's POV
Nakaupo kami ni Natalie sa carriage ng kabayo at habang umaandar ito, iniisip ko pa rin ang pambastos ni Raiden kay Natalie. You know I don't want anything bad happened to her.
"Anakin, kung iniisip mo yung ginawa ng Raiden na yan saakin, wag mo nang pakialaman." Sabi niya habang nagpipilit ng ngiti.
"Siya nga pala. Bakit ka ba galit sa Raiden na yan??" Dugtong niya.
Huminga ako ng malalim at nagsimula magkwento.
Flashback
Simula nung tumira ako sa tito kong abusado, diyan ko nakilala si Raiden Manimtim na pamangkin niya rin.
I never done anything wrong to him, but he keeps on accusing me for no reason. At syempre, sobrang abusado ng tito ko kaya binubugbog niya ako dahil sa pagkakaalam niya, sobrang bait ni Raiden.
G**uhan lang pala gusto niyo? Pwes, bigay ko sainyo ang katapat dapat para sainyo!
Naglayas na ako sa pamamahay ng tito ko ng patago, dahil ayoko naman na mahuli ako at magpabugbog.
At diyan ako napadpad sa condo kung saan ako nakatira ngayon. The good thing is mabait ang mga staff sa condo at doon nila ako pinatira. Though kailangan kong mag ipon ng pera, para makabayad sakanila.
One time at school, I was eating all alone until Raiden suddenly did something that pissed me off.
"Hey there little f**ker!" Pagsulpot niya habang kinakain yung baon kong sandwich.
"Raiden, ayoko ng gulo." Pagpipigil ko ng galit. Nakakairita na talaga siya. Matagal na akong nagtitimpi sakanya.
"Pasalamat ka, nasa ibang bansa ngayon si Tito. Baka ipabugbog kita sakanya pag nalaman niya na naglayas ka."
"Raiden, kung andito ka para manggulo, umalis ka na!" Sigaw ko sakanya.
"Eh paano kung gusto ko ng gulo?!" Sambit niya habang kwinekwelyuhan ako.
Sobrang inis na inis na ako sakanya, kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na sapakin siya sa mukha.
"Ang tapang mo ah!" Sagot ni Raiden ng bigla niya rin ako sinuntok sa mukha.
Tumayo agad ako at dumaan na kami sa suntukan ng biglang umawat yung teacher namin at pinadala kami sa Principal's Office.
Honestly, masyadong paborito ng lintek na principal na yan si Raiden eh. Nakakairita. Kaya ayun, suspended ako for a week. Parang timang diba?! Pag may nambubully, wala silang pakialam. Pag pinagtatanggol ang sarili, sila yung may kasalanan.
During my suspension days, diyan ko nakilala si Demyx. That weird pervert sa campus, also got suspended dahil sa pambu-bully ni Raiden.
"Anakin, diba?" Tanong niya saakin.
"Yeah. Why? Bakit ka pumunta dito?"
"Demyx Ignacio nga pala." Pagpakilala niya.
"What brings you here?"
"Hindi lang ikaw ang nabiktima sa pagbubully ni Raiden. Pati rin ako. May ebidensya akong ipapakita." Pinakita saakin ni Demyx yung video na pagbubully saakin ni Raiden.
"Demyx, kahit ipakita natin sa Principal yung video na yan, kakampi at kakampi din siya kay Raiden."
"Hindi natin ipapakita sa Principal. Kundi sa President ng school mismo. Magpapareklamo tayo kay Raiden pati sa Principal na masyadong over protective kay Raiden." Tumahimik ako ng ilang segundo at nag isip. Paano kung ganun din yung President?
"Wag kang mag alala, mabait yung President. Gumagawa siya ng paraan para itama ang mga pagkakamali na ginagawa nila sa school na to. Malaki ang tiwala ng mga estudyante sakanya." Nung sinabi ni Demyx yung totoong pagkatao ng school president, I had high hopes na gagawin niya lahat para iayos ang mga gusot ng eskwelahan na ito.
Weeks past by, nakabalik na kami sa school at sinabi namin sa president lahat ng mga problema sa school na ito. As a result, natanggalan ng lisensya yung Principal and Raiden suddenly got dropped out.
If you didn't know, hindi lang kami ni Demyx yung binubully niya, kundi lahat ng mga estudyanteng hindi kaya ipagtanggol ang sarili niya. Which serves him right. That jacka** better not mess with us again.
Diyan na rin nabuo ang pagkakaibigan namin ni Demyx hanggang sa sinali niya yung childhood best friend niyang si Link until we became best of friends.
Well, hindi pa buo yung Gen Z Spartans diyan, so yeah.
End of flashback
"Kaya pala naglayas ka sa pamamahay ng tito mo." Sabi ni Natalie bago ako tumango.
"Hanggang ngayon ba, ginagawa niya pa rin ito sayo?" Tanong niya.
"Yeah. He never learned his lesson. Pa minsan minsan na lang kami nagkikita ni Raiden, pero mas pipiliin ko pang umiwas, dahil I know from the very beginning na magkakagulo pag nagkita kami." Sabi ko. Hinawakan ko yung kamay ni Natalie at tinignan siya ng maigi.
"Natalie, I can't forgive myself pag may nangyaring masama sayo. And I'm here to do everything I can to protect you."
"Salamat Anakin. Pero kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko." Sambit ni Natalie.
"Don't worry, I can see you as a strong girl who is ready to fight whatever the cause. But remember, you can't do this all alone. I will be fighting with you." Sabi ko bago ko halikan si Natalie sa noo.
"Ma'am, Sir, andito na po tayo." Sabi ng driver bago ko siya bayaran.
"Keep the change kuya." Bumaba na kami ni Natalie at nagsimula maglakad papunta sa condo.
Nang makarating kami, yinakap ako ni Natalie bago siya pumasok sa condo niya.
Our first date was definitely a rollercoaster honestly. There are some moments that made us happy, some are kinda sad and serious, but the worst part of this is a jacka** showing up on our date trying to harras my girl.
Nang makauwi ako, humiga ako sa kama at natulog.
Nagising ako ng marinig ko yung boses ni Natalie.
"ANAKIN!"
"ANAKIN TULUNGAN MO AKO!" Tumayo ako sa pwesto ko at tumakbo para hanapin si Natalie.
"NATALIE!!"
"HEHEHEHE!" Nakarinig ako ng tawa sa paligid ko. Paglingon ko, nakita ko si Raiden na may hawak na kutsilyo habang si Natalie ay nakatali sa isang upuan na bugbog sarado.
"Natalie!" Tumakbo ako palapit kay Natalie ng biglang binato niya yung kutsilyo patungo saakin.
Nagising ako at huminga ng malalim. Thank goodness, panaginip lang yan. Chineck ko yung oras at 2:00 am pa lang.
Hoping this isn't a sign na may mangyayari kay Natalie. It's only a dream Anakin. It's only a dream.
YOU ARE READING
Bad Hearthrobs
FanfictionNatalie came from a rich family na lumipat ng school kung saan nakilala niya ang Gen Z Spartans. Paano niya haharapin ang mga badboys kung hearthrobs din sila? Mahuhulog ba siya sa isa sakanila? O kakalabanin niya para manahimik ang buhay niya?