Chapter 73

297 4 2
                                    

Natalie's POV

"I'm bored."

"Anong pwedeng gawin?"

"Naiinip ako dito."

Sunod sunod nilang sambit. Totoo nga na ang boring, pero ano bang pwedeng gawin?

Sa di inaasahang pangyayari, may narinig kaming tunog na galing sa may backyard.

"Ano yun??" Tanong ko.

"Ewan ko. Puntahan na nga natin." Sambit ni Anakin na ikinasunod naming lahat.

Pumunta kami sa backyard at nagulat na lang kami na may nakita kaming swimming pool sa harapan namin.

"May swimming pool pala dito?!" Di makapaniwalang sambit ni Levi.

"Karagatan yan! Sira!" Pagpilosopo ni Brooklyn.

"Hi guys!" Sambit ni Ate Camilla na umaahon sa swimming pool.

"Ate! Bakit hindi niyo sinabi na may swimming pool dito?" Tanong ko.

"Maski nga rin ako, hindi ko alam na may swimming pool dito eh. Kaya ayun, lumangoy na lang ako." Sambit niya bago tumalon ulit at lumangoy.

"Ang sexy pala ni Ate Camilla pag naka swimsuit." Sambit ni Demyx bago batukan ni Tiffany.

"Ayan ka nanaman! Manyak!" Panermon ni Tiffany.

"Eh kung ikaw kaya mag swimsuit!" Sambit ni Demyx na ikinainis ni Tiffany.

"Demyx! Tigil tigilan mo nga yung pagiging manyak mo! Nakakairita kasi eh! Mahiya ka naman kay Natalie!" Panermon niya.

"Anong meron??" Tanong ulit ni Ate Camilla na ikinalaki ng mata nila.

"Ate Camilla! S--"

"Ano po kasi! Magswi-swimming sana kaming lahat para may magawa naman kami. Naiinip na kasi kami dito eh." Pagsabat ni Demyx sa sinasabi ni Tiffany.

"Sure! Swimming kaya tayong lahat. Maski nga rin ako naiinip eh." Sambit ni Ate Camilla na ikina-ngiti naming lahat.

Tiffany's POV

Nagpapalit na ako ng swimsuit ko nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Sino yan??"

"Matagal ka pa diyan??" Tanong ng pamilyar na boses na ikinairap ko.

"Medyo. Hintay ka lang." Sambit ko habang sinusuot yung swimsuit ko.

Lumabas na ako sa kwarto at pinagtitingin tingin lang ako ng manyak na yan na ikina-ngiti niya.

"Sexy naman."

"Oh! Bakit nakatwalya ka lang?" Tanong ko sakanya.

"Hinahanap ko pa kasi yung pang swimming ko na shorts. Ni di ko nga alam kung saan linagay ni Kuya Nash yung gamit ko eh." Pagpaliwanag niya na ikinatango ko lang.

Pero hindi ko inasahan yung susunod na pangyayari. Bigla na lang nahulog yung twalya niya na ikinalaki ng mga mata namin.

"BWISIT!" Sigaw ko habang umiiwas ako ng tingin.

"HOY! Wala kang nakita ah! Hindi mo nakita yung talong ko!" Sambit niya.

"SA TINGIN MO BA NAGUSTUHAN KO YUNG NAKITA KO?! IRITA!" Inis na sambit ko.

"Hayaan mo na. Pag asawa mo na ako, pwede mo na tong tignan lagi." Sambit niya na ikinainis ko lalo.

"BWISIT KA DEMYX!!" Sigaw ko sakanya habang binabatukan ko siya.

"Teka lang! Hahanapin ko pa yung pang swimming ko na damit!" Natatawang sambit niya bago umalis.

Jusko! Nakakahiya!

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now