Chapter 66

294 5 23
                                    

Third Person's POV

Pumasok na yung Gen Z Spartans sa loob, pero hindi pa rin nila mahanap si Riku.

"Bwisit!" Singhal ni Anakin.

"Paano na to?" Tanong ni Link.

"Hindi na dapat tayo mag aaksaya ng oras. Si Hazel at Riku mismo yung nanganganib." Sambit ni Demyx.

"And so are you boys." Pagsulpot bigla ni Raiden na hinahawakan si Natalie.

"Natalie!"

"Ang galing ah! Alam na alam mo talaga na buhay pa si Natalie." Sambit ni Raiden.

"Bitawan mo si Natalie, at ako ang harapin mo Raiden!" Sigaw ni Anakin sakanya.

"Tapang ah! O sige, let's make a deal." Sambit ni Raiden bago niya bitawan si Natalie.

"Magharapan tayo. Pag natalo mo ako, ibibigay ko sayo si Natalie. At pag ako ang nanalo, aangkinin ko si Natalie sa ayaw't sa gusto mo."

"Anakin! Wag kang maniwala sakanya please! Lolokohin ka niya! Papatayin ka rin niya!" Pag awat ni Natalie habang naiiyak.

Napaisip si Anakin sa mga binabalak ni Raiden. It's either maloloko siya, or seseryosohin niya yung mga sinasabi niya.

"Come on. Ayoko pa naman yung hindi tinatanggap yung offer ko."

Napatingin si Anakin kung saan saan at natanaw niya yung mga lalaking nagtatago sa gilid.

Inisip niya ng maigi na kung tatanggapin niya yung offer ni Raiden,  malaki ang chance na maloloko siya ni Raiden at sila yung haharapin niya, imbes na si Raiden.

"So ano? Susukuan mo na si Natalie?!" Tanong ni Raiden na natatawa.

"You know what Raiden, don't play mind games with me." Sabi ni Anakin na nakangiti.

"Hahahaha! Ang t***a mo Anakin! Binigyan kita ng oportunidad na ipaglabanan si Natalie! Tatanggihan mo pa!"

"Simple lang Raiden. Kahit hindi na kita makakalaban, I know for the fact na akin lang si Natalie. Manalo man ako o matalo sa sugal na binibigay mo saakin, deep down inside pipiliin at pipiliin pa rin ako ni Natalie. So why would I waste my time being fooled by your games?" Nanlaki ang mga mata ni Natalie sa sinabi ni Anakin.

"You made your choice then." Sambit ni Raiden bago maglakad palayo sakanila.

"Boys! Patayin niyo sila!" Utos ni Raiden hanggang sa nagsulputan ang mga lalaking kasama ni Raiden.

"Natalie... stay behind me." Utos ni Anakin habang tinatagiliran sila.

"Looks like a fight is gonna happen to us." Sambit ni Link na na e-excite.

"Link! This isn't a game! This is serious problems we're facing!" Sambit ni Levi.

"Mukhang magbabasagan tayo ng mukha ulit ah." Natatawang sambit ni Demyx.

"Just like old times." Pangisi na sambit ni Tyrus.

"Let's start the party boys!" Sambit ni Anakin.

"Anakin, lalaban din ako." Sambit ni Natalie na ikinagulat nilang lahat.

"Sure ka ba Natalie?!"

"Hindi lang si Natalie! Kami rin!" Pagsulpot bigla ni Ate Camilla na kasama yung mga ibang kaibigan nila.

"Ate Camilla!"

"We're fighting with you guys." Sambit niya na nakangiti.

"Akala niyo, kayo lang yung lalaban sa gierang ito? Hindi no!" Natatawang sambit ni Isabel.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now