Chapter 75

326 10 4
                                    

Natalie's POV

Tapos na kaming mag swimming at nakahiga lang ako dito sa kama. Wala akong kasama sa ngayon, pero naiinip pa rin ako at hindi ako makatulog.

"Natalie." Pagpasok ni Anakin na ikina-ngiti ko.

"Anakin, napadaan ka?" Tanong ko.

"Hindi ako makatulog."

"Ako nga rin eh. Halika."

"Sure ka?"

"Oo naman." Sambit ko bago niya ako lapitan.

"Natalie. Sa tingin mo ba magiging okay na ang lahat pag nahuli na nila si Black Mamba?" Tanong ko.

"Well, hindi natin maiiwasan ang mga problema. Pero, ang masasabi ko lang is kailangan nating maging handa sa mga pagsubok na haharapin natin." Sambit ko na ikinatango niya lang.

"I know. We only need to get ready once we face those problems. And I'm always here fighting with you." Sambit niya bago ko siya yakapin.

"Alam kong hindi ko magagawa yan ng mag isa. Kaya andito rin ako sa tabi mo, sasamahan din kita sa mga pagsubok na haharapin mo. Hinding hindi ka nag iisa Anakin."

"And that made me love you even more Natalie. You gave me the opportunity to lower my position para matuto akong magpakumbaba. I admit, I was full of pride when I became the leader of the Gen Z Spartans. But when you came, you unexpected lowered my position without even noticing it. If you weren't there in my life, I guess I will always be a guy who is prideful being on top. It's crazy that someone like you could change this guy into someone who I never imagined I become."

Natuwa talaga ako sa sinabi ni Anakin. Taos puso niyang sinabi yung totoong nararamdaman niya. No wonder why naging boyfriend ko talaga si Anakin.

"Anakin, nung unang pagkakakilala ko sayo ay nakakairita yung pag uugali mo. Ewan ko ba kung hindi ko ba mababago yung pag uugali mong pagkayabang. Pero hindi ko aakalain na ako pala yung may dahilan kung bakit natuto kang magpakumbaba. Hindi ko rin aakalain na yung dating pagpanggap na magjowa ay magiging katotohanan. Hindi ko rin aakalain na nagbago na ang tingin mo saakin ever since na umepal yung psychopath na Irelynn na yan. Kaya totoo nga yung sinabi ni Ate Aaliyah saakin, kung ano talaga yung nararamdaman ko sayo, sabihin ko na agad para hindi ako magsisisi. Ayun, hindi rin ako nagsisi na minahal kita Anakin."

Hindi na mapigilan ni Anakin yung sarili niya na ngumiti at hinalikan ako sa labi na naging sanhi ng paghiga naming dalawa sa kama.

Hinayaan ko lang si Anakin na halikan ako habang nagpapatugon ako kasabay ng pagkapit ng kamay ko sa batok niya.

Nanlaban lang kami ni Anakin ng mga halik hanggang sa kinailangan naming maghabol ng hininga.

"Alam ko hindi pa pwede, kaya maghihintay muna ako sa kasalanan natin." Pagbanat neto na ikinairap ko lang.

"Ganito, if ever na kinasal na tayo, ilang anak gusto mo?" Tanong niya.

"Well, ewan. Kung hanggang saan kaya ng katawan ko." Sambit ko na ikinatango niya.

"Well, hindi naman kita pinagmamadali. Kaya wag kang mag alala, you have alot of time to think about it for now." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"SINO KA?!" Sigaw ni Ate Camilla sa labas na ikinalaki ng mata namin.

"Si Ate Camilla! Puntahan natin!" Sambit ni Anakin bago kami tumayo at tumakbo palabas.

"Si Ate Camilla yun ah!" Pagsulpot ni Demyx na kasama si Tiffany.

"Wag na tayong magsayang ng oras! Bilisan na natin!" Pagsulpot din ni Levi at Brooklyn.

"Quick! She needs help!" Pagdating ni Tyrus na kasama si Kylie.

"What happened?!" Pagdating din ni Link na kasama si Isabel.

"Ate Camilla. She's in trouble." Sambit ni Riku na kasama si Hazel.

"Tara na!!" Sigaw ni Anakin bago kami tumakbo papunta kay Ate Camilla.

"Ate Camilla!!" Sigaw naming lahat nang makarating kami sa living room.

Nanlaki ang mga mata ko nang may makita kaming lalaki na may hawak kay Ate Camilla at tinututukan ng baril sa ulo.

"NATALIE! UMALIS KAYO DITO!" Sigaw ni Ate Camilla.

"Sino ka?! Anong binabalak mong gawin kay Ate Camilla?!" Tanong ko. Pero hindi ito sumagot at may pinakita itong remote sa harapan namin at pinindot ito.

Umusok bigla yung mga paligid namin at biglang tumakbo yung lalaki kasama si Ate Camilla.

"HOY! BITAWAN MO SIYA!" Sigaw ni Anakin, kaya tumakbo na kaming lahat palabas ng bahay.

Sinarado ng lalaki yung pintuan, at sinubukan ni Anakin na buksan ito.

"BWISIT! ILABAS NIYO KAMI DITO!!!" Sigaw niya.

"I... can't... breathe..." Sambit ni Hazel na nahihirapang huminga sa usok at nawalan ng malay.

"Cordelia! *cough* Hang on!" Sambit ni Riku bago mawalan ng malay.

"*cough* I don't feel so good." Sambit ni Link bago mawalan ng malay.

"Link!" Sigaw ni Isabel bago mawalan ng malay.

"TJ..." Mahinang sambit ni Kylie bago mawalan din ng malay.

"Gelai!!" Sigaw din ni Tyrus bago mawalan ng malay.

"Bwisit ka!  *cough* Ayoko na dito!" Sambit ni Brooklyn bago mawalan ng malay.

"Sa bintana! Bilis!" Sigaw ni Levi bago mawalan ng malay.

Tumakbo kami ni Anakin, Demyx at Tiffany sa bintana, pero hindi rin namin mabuksan.

"*cough* Bilisan niyo! Ako na magliligtas sakanila!" Sambit ni Demyx bago mawalan ng malay.

"Demyx... wag mo kong iwan..." Sambit ni Tiffany bago mawalan ng malay.

"Anakin! *cough* nahihilo na ako!" Sambit ko nang dumidilim yung paningin ko.

"NATALIE!!" Sigaw ni Anakin nang pumikit ako ng tuluyan.

1 hour later

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko at nagulat na lang ako nang nakatali yung mga kamay ko sa isang poste na kasama silang lahat.

"Oww! Where am I?" Tanong ni Link.

"Is everyone okay?!" Tanong ni Anakin.

"Paano tayo makakatakas dito?! Naalala ko nanaman si Leo!" Sambit ni Hazel na naiiyak.

"Cordelia, calm down. We'll find a way to escape." Sambit ni Riku.

"Asaan si Ate Camilla?" Tanong ni Isabel.

"Welcome! Gen Z Spartans! BHINKT Agents!" Sambit ng boses sa malayo.

"SINO KA?! ANONG GINAGAWA NAMIN DITO?!" Sigaw ni Tyrus.

"Anong ginawa mo kay Ate Camilla?!" Sigaw ni Kylie.

"Chill. Okay lang si Ate Camilla niyo."

"Paano kami magiging chill?! Dagdag stress ka saamin kung sino ka man!" Sigaw ni Brooklyn.

"Sabihin mo saakin kung sino ka!" Sigaw ni Levi.

"Maybe you knew me as Black Mamba!"

"Magpakita kang hayop ka!" Sigaw ni Demyx.

"Mag iinitan tayo dito!" Sigaw ni Tiffany.

"Eto na! Samahan ko lang si Ate Camilla." Sambit niya bago dumating na kasama si Ate Camilla na nakatali ang kamay niya.

"Eto na yung Ate Camilla niyo!" Sambit niya bago itulak siya palapit saamin.

"Ate! Ayos ka lang?!" Tanong ni Anakin.

"Oo. Eh kayo? Ayos lang kayo?"

"Andaming satsat!" Pagreklamo niya.

"Magpakilala kang Black Mamba ka! Nandadamay ka pa ng iba sa mga kalokohan mo!" Sigaw ni Anakin.

"Okay. Your wish is my command." Sambit niya bago lumakad palapit sa ilaw.

Nang nagpakilala na siya, nanlaki bigla yung mga mata ko nang makita ko siya.

"K-Kuya Tanner?!"

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now