Chapter 11

604 11 2
                                    

Levi's POV

I'm here inside the classroom, and I'm so bored. Wala pa kasi yung subject teacher namin sa ngayon eh.

Yep, I've heard everything about what's happening around here, and it kinda pisses me off.

All of a sudden, pumasok sa room si Brooklyn pati yung mga kaibigan niya.

Well, it looks like I have someone to make fun of. Hahaha!

"Hi girls!"

"Hi mo mukha mo!" Sambit ni Brooklyn.

"Ano bang trip mo Levi?" Tanong ni Isabel.

"Wala lang. Kinumusta ko lang kayo?" Sagot ko.

"You don't need to! We're better off without you." Sagot ni Kylie.

"Daaammmnnn! Bruh, that's gotta hurt!" Lumingon kami at pumasok na sa room si Link at Tyrus.

"Link! Tyrus!" Nag high five ako sakanilang dalawa na ikinairap ng mga babae.

"Have you heard about the return of Irelynn?" Tanong ni Link.

"Kahapon pa Link." Sagot ko sa tanong niya.

"Biglaan eh. Tsaka may kapatid daw siya na mag aaral dito. Ewan ko kung tama yung dinig ko or ano." Sambit ni Link.

"And BTW girls, mag iingat kayo ah." Sambit ko sakanila.

"You don't need to remind us, dahil kaya namin sarili namin." Sabi ni Brooklyn na may halong galit.

All of a sudden, biglang pumasok yung subject teacher namin.

"Good morning class."

"Good morning Sir Joel." Pagbati naming lahat.

"Please be seated." Sambit niya na ikinasunod namin.

"Before we start our discussion, I would let you meet your new classmate. And please, respect him the way that you respect your other classmates. Lalo ka na Ferrer, ang lakas mo pa naman mang-trip ng classmates mo." Sabi ni Sir Joel habang tinitignan si Link.

"Grabe naman po Sir, nagjo-joke lang naman ako para pasayahin sila eh." Pagpaliwanag ni Link na may halong tawa.

"Pero di mo napapansin na sinasaktan mo na sila."

"OOOOHHHHHH!!!!" Sigaw naming boys kay Link na ikinatuwa niya lang.

"Anyways, you can come in now." Pumasok na yung bagong estudyante sa room namin at nagpakilala.

"Hi everyone. My name is Leonardo Reyes, you can call me Leo." There's something suspicious about this guy. I can tell it.

"Ka ano ano mo si Irelynn Reyes?" Tanong ng isang estudyante sakanya.

"I'm her brother." Sagot ni Leo. I have a bad feeling that he is also like his sister Irelynn.

"Okay, you may take your seat Leo." Sabi ni Sir Joel na ikinasunod niya.

I have to keep an eye on him.

Link's POV

Nagdi discuss ngayon si Sir Joel about sa lesson at nabo bored talaga ako sobra.

"I don't trust that guy." Bulong ni Tyrus.

"Who? Leo?" Tanong ko sakanya na pabulong. Tumango siya at pasimple niyang tinignan ng masama si Leo.

"Bakit mo naman nasabi na wala kang tiwala sakanya?" Tanong ko ulit.

"Yesterday, I saw him following Hazel. Base on my observation, ex siya ni Hazel." Pagkwento ni Tyrus.

"What happened during that time?"

"He's begging to bring back their relationship. And from what I've heard about their past relationship is very bad."

"How could you say so?"

"Binugbog niya si Hazel nung sila pa. At pinapakulong siya sa banyo. Good thing dumating si Riku. And what's worse binabantaan siya ni Leo." It made me realize that this Leonardo cannot be trusted.

"Paano mo nalaman yun?"

"Binantaan ko siya tungkol sa pananakit niya sa isa sainyo. Sinakal ko pa nga eh!"

"Good job Tyrus!"

"Ferrer! Baltazar! Nag uusap nanaman kayo diyan sa likod!" Nakakagulat naman si Sir Joel! Hahaha!

"Uhmm sir! We're talking about the lesson that you're teaching us. Di po kasi maintindihan ni Tyrus eh." Pagpaliwanag ko kay Sir.

"Make sure na tungkol to sa lesson ah! Kasi pag ikaw hindi nakasagot sa mga tanong ko, nako patay tayo diyan. Lalong lalo ka na Ferrer, akala mo di ko alam mga style mo ah." Sambit ni Sir Joel habang nakangisi.

"No worries sir! Ako pong bahala." Sabi ko bago siya nagpatuloy sa discussion.

Kylie's POV

Natapos na yung lesson and pinagtitingin naming tatlo yung mga mokong na yan.

Nagpapapansin nanaman kasi si Link. Hayys! You know jokers, masyadong papansin.

"Epal talaga ni Link." Sambit ni Isabel.

"Kaya nga. Kairita boses nun eh!" Pagsangayon ni Brooklyn.

"Cordelia!" Napansin ko na lumabas bigla si Leo for no reason. Ano bang nakita neto? Tsaka sinong Cordelia?

Aba! Sinundan pa ng mga mokong yung Leo na yan!

"Sinong Cordelia?" Bulong ko sa sarili ko.

"Si Hazel ba?" Sambit ni Brooklyn na ikinagulat ko.

"Nakakagulat ka naman Brooklyn!" Sambit ko.

"Hazel Cordelia Gutierrez yung buong pangalan niya. Kaya Cordelia." Pagpaliwanag ni Brooklyn.

"Tsaka, kilala ba yun ni Leo?" Tanong ni Isabel.

"Hindi ko alam eh." Sagot ko kay Isabel.

I'm starting to think about Hazel right now. Kasi nung first day na na meet namin siya, parang madali siyang ma trauma sa isang bagay. Oo, naalala ko yung kwinento niya saamin tungkol sa ex niya.

Flashback

"May naging boyfriend ka ba noon?" Tanong ko kay Hazel.

"Meron, pero ex ko na siya." Sagot niya sa tanong ko.

"Anong nangyari?" Tanong ni Isabel.

"Bakit kayo naghiwalay?" Tanong ni Brooklyn.

"May ginawa ba siya sayo? Linoko ka or ano?" Sunod sunod na tanong ni Tiffany.

"It's too personal. Ayoko muna sabihin." Sagot ni Hazel.

"Hayaan niyo na kung masyadong personal. Irespeto natin yung desisyon niya." Sabi ni Natalie na ikinasang-ayon namin.

End of flashback

So does this mean na si Leo yung ex ni Hazel?!

"Kylie!"

"Ay kabayo! Pangalawang beses mo na akong ginulat Brooklyn!" Sabi ko na may halong inis.

"Natutulala ka nanaman. Malalim ba iniisip mo?" Tanong niya.

"Wala naman. Bakit?"

"Guys! May away na ganap sa labas!" Sigaw ng isa naming kaklase. Syempre, nagsilabasan ang mga estudyante dito sa room. Mahilig sila sa suntukan or sabunutan eh. Bahala sila.

"Sino ba yun? Puntahan natin." Sambit ni Isabel. Tumayo na sila ni Brooklyn at tumakbo palabas.

"Hoy! Hintay! Wag niyo akong iwan oh!" Sabi ko bago sila sundan.

Sino ba yung nag aaway na yan?! Hooh! Nakaka stress!

Author's Note: Sino kaya sa tingin niyo yung nag aaway? Suntukan ba to o sabunutan? Let me know your thoughts. Ayun lang, labyu all!!

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now