Chapter 71

335 7 11
                                    

Brooklyn's POV

"Saan mo nanaman ako dadalhin?!" Tanong ko sa mokong na to habang hinihila yung kamay ko.

"Sa mundo ko." Pagbanat niya na ikinainis ko.

"Sorry! Hindi ako interesado sa mundo mo!"

"Wala akong pakialam kung hindi ka interesado. Basta nandiyan ka sa mundo ko, masaya na ako."

"Seryoso nga Levi! Saan mo ba ako dadalhin?"

"Seryoso nga ako. Sa mundo ko." Sambit ni Levi na ikinalaki ng mata ko.

(Insert Music: Everything I Do I Do It For You - Brandy)

Ano tong pinapakita ni Levi saakin?! Nakakagaan sa puso!

Hindi ko alam kung ano talaga yung masasabi ko!

"Levi..."

"Sabi ko sayo pupunta tayo sa mundo ko eh!"

Paano ba nalaman ni Levi na mahilig ako sa mga ganitong lugar?! Especially pag madaming puno sa paligid!

AHH!!! ANONG KLASENG TAO KA LEVI?! PAANO MO NALALAMAN YUNG MGA HILIG KO?!

"Levi, paano mo bang--"

"Hindi mo maloloko ang genius. Tandaan mo yan Brooklyn." Pagbanat neto na ikinairap ko lang.

"Uyy!! Aminin mo, nagustuhan mo no?" Pag asar neto.

"Hindi! Ampanget! Sobra!"

"Hindi mo ako maloloko Brooklyn. Kitang kita ko sa mga mata mo na gusto mo talaga yang nakikita mo." Pag asar niya ulit.

Hindi ko na alam yung sasabihin ko sa totoo lang! Halo halo yung emosyon ko ngayon! Tuwa, inis, kilig! Ewan ko ba!

"Thank you Levi!" Pagyakap ko sakanya ng mahigpit bago niya ako yakapin pabalik.

Pagkalas namin, sigurado akong balak along halikan ng ewan na yan.

"Oh, tinitingin mo diyan?" Tanong ko.

"Ano? Titigan na lang tayo?"

"Luh! Asa ka!" Pag irap ko sakanya. Pero hindi ko inasahan na hinalikan niya ako na ikinalaki ng mata ko.

"Hoy!! Ano nanamang trip mo Levi?!"

"Trip kita. Bakit?"

"Kung trip mo ko, pagtripan mo yang pagmumukha mo!"

"Dami mong satsat! Tara na nga!" Pagyaya niya habang hinihila yung kamay ko.

Naglibot kami ni Levi, pero bakit parang mas satisfying siyang tignan kaysa sa mga puno sa paligid?

Ewan ko ba!!! All I can say is I'm flattered being with him! He is way more than I expected!

Andami eh, firstly hindi niya masyadong iniiral yung pagiging genius niya. Ang mahalaga sakanya is masabi niya lang kung ano yung nararamdaman niya at ipagtanggol ang dapat ipagtanggol kahit may mawawala man sakanya.

Secondly, yung hilig niyang pakikisama sa mga kapilosopohan ko. Oo, madaldal ako na pilosopo at ine-expect ko na madaming maiirita saakin. Pero hindi si Levi eh, sinasamahan niya ako sa mga kapilosopohan ko. Basta, sa sobrang dami, hindi ko na alam yung sasabihin ko!

"Brooklyn!" Pagtawag niya na ikinalingon ko.

Kusang gumalaw yung mga paa ko at tumakbo papunta sakanya. Yinakap ko siya kasabay ng paghalik ko sa labi niya na naging sanhi ng pagkatumba naming dalawa.

Wala kaming pakialam kung nakahiga na kami sa mga damuhan, hinahayaan ko lang yung sarili ko na halikan siya.

Kumapit yung mga kamay ni Levi sa ulo at batok ko habang nagpapalitan kami ng mga halik. Linabas ko lahat ng pagmamahal ko sakanya habang nagpapatuloy sa paghalik namin hanggang sa naghabol kami ng hininga.

"Pwede mo bang ulitin?" Tanong niya na ikinatayo ko lang.

"Asa ka!" Pag irap ko sakanya.

"Libot pa tayo dito. Nag eenjoy ka na nga eh." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

Lumipas na ng ilang minutong paglibot, agad na kaming naglakad pauwi sa bahay ko.

"Nag-enjoy ka naman?"

"Sobra. Thank you ah." Pagpasalamat ko, pero nagtataka ako nang bigla na lang siya tumingin ng masama sa hinaharapan niya.

"Anong meron sayo Levi??" Tanong ko, pero hindi niya pa rin ako sinasagot.

"Huy! Anong meron sayo?!" Tanong ko ulit. Pero tumingin na ako sa harapan niya.

Napansin ko yung taong naka black na hoodie na nagtatago malapit sa bahay namin.

"Sino ka?!" Paglapit ni Levi sakanya, pero agad itong tumakbo palayo sakanya.

Tumakbo ako papunta kay Levi at napakunot bigla yung noo ko nang may hawak siyang papel.

"Ano yan?"

"Basahin mo." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ikaw may hawak diba?! Bakit hindi mo basahin?!"

"Si Black Mamba." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

Kinuha ko agad yung papel at binasa ko ito ng maigi.

"Mamba out! For now! Soon, you will be out in this world!"

"Bwisit na Black Mamba na yan!" Inis na sambit ko habang linulikot ko yung papel na binigay niya saakin.

"Kailangan natin to ipaalam kay Anakin ASAP!" Sambit niya na ikinatango ko lang.

Magpakita kang hinayupak na Black Mamba ka!

Kylie's POV

Nakahiga ako sa sofa, at biglang dumating yung malambing kong boyfriend na nagpapa cute saakin.

Oo, pumunta si TJ sa bahay ko. Pero ano bang trip neto?

"Feel at home ka lang TJ! Tutal, in the future, makikita ko yang pagmumukha mo lagi."

"Ayaw mo nun Gelai? Ako lang makakasama mo lagi?"

"Ewan ko sayo." Pag irap ko na ikina-ngiti niya lang.

"HOY! TJ! IBABA MO AKO!" Sigaw ko habang binibuhat niya ako ng parang bagong kasal.

"Gelai, I'll be doing this to you once we got married. So why are you bothered?" Tanong ng mokong na to.

"IBABA MO AKO TJ! IBABA MO AKO!" Sigaw ko, pero hindi niya pa rin ako pinapakinggan.

"TJ! Ibaba mo ako! Please!" Magmakaawa ko.

"Kiss muna!"

"Bababain mo ako o sasapakin kita?!"

"Kiss mo muna ako!" Pag asar ng mokong na to na ikinabuntong hininga ko.

Hahalikan ko na siya sana nang biglang may nabasag na salamin na ikinagulat naming dalawa.

Binaba niya ako at tumakbo kami papunta sa labas. Nagulat na lang ako nang may nasirang window sa harapan namin, pero etong si TJ, tumakbo palabas na parang may hahabulin.

Napansin ko agad yung bato na nakabalot ng papel na ikinakunot ng noo ko.

Kinuha ko ito at tinanggal yung papel sa bato. Napansin ko yung papel may sulat kaya binasa ko ito.

"Ready or not! Black Mamba is coming for you!"

Which means, Black Mamba is out there somewhere!

Tumakbo ako palabas ng bahay para lapitan si TJ na nagagalit ng sobra.

"If I found that bastard who threw a rock at your home, I'll beat the s**t out of him/her! I don't care who the hell it is!" Inis na sambit ni TJ.

"TJ, basahin mo." Sambit ko habang binibigay ko yung papel sakanya.

Kinuha niya ito, binasa at lalong uminit ang ulo niya.

"So Black Mamba threw that rock in your house just for this?! Damn that a**hole!"

"Kailangan malaman to ni Anakin agad agad! Wag na tayong magsayang ng oras!" Sambit niya na ikinatango niya lang.

HOOH!! ANONG MERON SA BLACK MAMBA NA YAN?!

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now