Chapter 1

1.2K 24 6
                                    

Natalie's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa classroom na malapit sa bintana. Buti na lang hindi ko kaklase yung isa sa mga mokong.

Kairita yang mga yan! Kala mo kung sino sila.

"Hello!" Lumingon ako sa kanan at may babae palang tumabi saakin.

"Bago ka pa lang dito?" Tanong niya. Tumango na lang ako.

"Tiffany nga pala. Tiffany Zamora." Pagpakilala niya. Mukhang mabait naman itong si Tiffany eh.

Sige na nga, makipagkaibigan nga ako sakanya. Nakakahiya naman na di ko siya pinapansin.

"Natalie Eugenio. Nice to meet you Tiffany." Sabi ko na nakangiti.

"Okay, Good Morning class!" Dumating na pala yung teacher namin na lalaki. Tumayo agad kami para bumati.

"Good Morning po Sir!" Pagbati naming lahat.

"You may take your seats." Sabi niya at umupo kami.

"For those of you who don't know me yet, my name is Randy. And I will be your class adviser this school year."

Mukhang mabait naman si Sir Randy.

"Since almost everyone is new here, mag i-introduce yourself muna tayo."

Pagkatapos magpakilala yung Ilan sa mga classmates ko, sumunod naman si Tiffany na handang handa.

"Good morning everyone! My name is Tiffany Zamora, and I hope we could be friends here!" Sabi niya habang ngumingiti. Sumunod naman ako at tumayo saaking upuan.

"Hi. I'm Natalie Eugenio." Umupo agad ako pagkatapos kong magpakilala.

"It's very nice to meet you all. Since first day of school niyo today, free time muna kayo. Enjoy your day class!" Sabi ni Sir Randy bago umalis sa room.

Tumingin saakin si Tiffany na parang madami siyang gustong ikwento.

"Natalie. Saan ka nakatira?" Tanong niya saakin.

"May condo ako malapit dito sa school. Siguro mga ilang minutong lakad, andito na ako." Sagot ko sa tanong niya.

"Sana ol! Hahaha!"

"Hehe. Bago ka pa dito?" Tanong ko.

"Hindi. Nag aaral na ako dito since elementary." Ahh okay! So matagal na pala siya dito.

"May nakilala ka na bang iba bukod saakin?" Tanong niya.

"Meron. Pero ayoko nang ikwento kung sino sila." Sambit ko na may halong pag inis.

"Sino? Yung Gen Z Spartans?"

"Sino sila?" Tanong ko na may pagtataka.

"Squad na kinababaliwan ng mga babae sa school. Eh kairita yang mga yan eh." Sambit ni Tiffany na mukhang naiinis.

"Kilala ko lahat ng mga members. At ipapakilala ko sila sayo." Tumango ako sa sinabi niya at nakinig.

May kinuha siyang mga pictures sa bag niya na ikinalaki ng mata ko.

Sila yung Gen Z Spartans?! Bakit parang wala silang sinabi saakin?! Wait.

"... pinaka pogi na member sa Gen Z Spartans."

THAT'S IT! SILA YUNG MGA BWISIT NA NANGTRI-TRIP SAAKIN!

"Huy! Ayos ka lang Natalie? Kanina ka pa nakatulala diyan." Bumalik na ako sa realidad. Napabuntong hininga ulit ako bago ko sabihin kay Tiffany about them.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now