Chapter 43

387 9 18
                                    

Brooklyn's POV

"Ganyan ba talaga si Kayla?"

"Well, medyo. Pero once you get to know her, makikisama naman din siya kahit papano." Sagot ni Kylie.

Ang boring sa classroom sa totoo lang. Wala kasi si Sir Joel dahil may emergency daw.

At eto namang si Levi, busy magbasa ng mga lessons. Syempre, genius eh!

At eto namang si Isabel, wala pa rin sa sarili niya dahil kay Link at Ino.

Si Tyrus naman, may training sa Taekwondo.

"Siya nga pala, sinubukan mong yayain si Kayla sa Taekwondo team ni Tyrus?" Tanong ko sakanya.

"Ayaw niya eh. Ewan ko lang kung bakit."

"Kylie!" Napalingon kami nang dumating si Kayla na lumalapit saamin.

"Kayla. Napadaan ka?" Tanong ni Kylie.

"Pwede na ba akong umuwi? Naiinip ako sa classroom namin eh!" Pagreklamo niya.

"Sorry talaga Kayla, bawal pa eh."

"Irita naman oh!"

"Bakit?"

"Alam mo, yung Titania na yan! Lagi niyang ini-insist na ako ay ikaw!" Sambit niya na ikinakunot ng noo namin.

"Huh?"

"UGGG!! What I'm saying is, she keeps on insisting that I am Kylie! Like, nakakairita! Paulit ulit na lang!"

"Anong ginagawa ni Roselle sayo?" Tanong ni Kylie na naiinis na.

"Sinasabi niya saakin na aagawin niya saakin si Tyrus sa ayaw't sa gusto ko. Like, ano bang pakialam ko kay Tyrus?!" Pagreklamo ni Kayla.

"Puntahan na natin Kayla! Malilintikan saakin yang Roselle na yan pag pinagusapan niya si TJ!" Sambit niya bago maglakad palabas na ikinasunod ni Kayla.

Ang laki talaga ng pinagkaiba ng ugali nilang dalawa sa totoo lang. Like si Kylie yung tipong jolly, masiyahin, book lover. While si Kayla ay magsungit, mabilis magreklamo, madaling ma bored. Well, I can't blame her. Medyo matagal na siyang hindi nakabalik sa Pilipinas and kasanayan niya sa Canada tumira.

Pero napapansin ko kay Link na ang tahimik niya simula nung hindi sila nag uusap ni Isabel.

Iba pala si Link pag hindi siya maingay or nagjo joke. Sobrang tahimik niya talaga.

Napatingin ako kay Isabel na natutulog lang siya, so this could be my chance to talk to Link.

Agad akong tumabi sakanya bago ko tapikin yung balikat niya.

"You okay?"

"Not really." Sagot niya na walang emosyon.

"Alam mo, iba ka talaga pag hindi ka kumikibo. Parang hindi ko nakikita yung Link na joker." Sambit ko lang na ikinayuko niya.

"Link... I know nahihirapan ka na makipag usap kay Isabel ngayon. Pero wag mo namang masyadong ihalata. Tutal mahal k-- I mean, mahalaga ka naman siya sayo eh." Hooh! Muntikan na akong madulas sa sinabi ko kay Link.

Pero oo, nag video call kami ni Isabel tungkol kay Link.

Flashback

"Isabel, nag usap na ba kayo ni Link?" Tanong ko sakanya.

"Hindi eh... pero ang hirap palang tiisin pag di mo kayang kausapin ng taong mahal mo." Sambit niya na ikinalaki ng mata namin.

"So totoo nga. Gusto mo si Link?"

"Huh?" Pagmangmang niya.

"Wag ka na mag mangmangan! Halata naman na gusto mo siya eh!"

"Hayys! Oo na! Gusto ko si Link! Kaso naiirita ako pag kasama niya si Ino. Oo, naiintindihan ko na kaibigan niya si Ino, pero ang hirap eh. Kahit man corny mga jokes nun, napapatawa na lang ako." Ani niya.

"Well, aminin mo na hangga't may oras ka pa. Baka naman maunahan ka pa." Pagpayo ko.

End of flashback

Sana man lang ma realize din ni Link na mahal siya ni Isabel. Pero for now, I want him to realize it on his own.

Hindi dahil sa pinapahirapan ko siya, pero gusto ko malaman niya ito habang unting unti nila inaayos yung samahan nila.

Kylie's POV

Naiirita na ako sa bwisit na Roselle na yan! Pati ba naman si Kayla, idadamay niya pa para siraan kami ni TJ!

So naglalakad na kami papunta sa classroom nila pero napalingon na lang ako nang tumigil si Kayla.

"Kayla, tara na!"

"Kylie, wag na. I can manage myself!"

"Anong meron dito?" Pagsulpot ni Damian.

"Ugg! Here we go again!" Pagreklamo ni Kayla.

"Bakit?"

"Isa pa rin itong bwisit na yan! Laging umeepal sa usapan namin ng Titania na yan!"

"FYI, tinutulungan lang kita kay Roselle. Plus, ikaw lang ang ayaw magpatulong." Sambit ni Damian.

"I told you, I can manage myself! Ilang beses ko ba yan sinasabi sayo?"

"Tsaka ilang beses ko rin sinasabi sayo na hindi sa lahat ng bagay, kaya mong harapin mag isa."

"So magmamatapang ka ngayon!"

Nagpatuloy tuloy lang sila sa sagutan at napasapo na lang ako.

Hayys! The more you hate, the more you love talaga. Tsaka bagay talaga tong si Damian at Kayla sa totoo lang.

"Alam niyo, bagay kayo." Pag asar ko sakanila.

"PFFT! IN YOUR DREAMS!" Pag irap ni Kayla

"Be careful, some dreams do come true!" Pagbanat ni Damian.

My gosh! Deep inside kinikilig ako sakanilang dalawa! Para silang Demyx at Tiffany noon! Hahaha!

No worries Damian, madami akong alam kay Kayla kaya tutulungan kita.

"Damian." Pagsulpot ni Ezio.

"Ezio. Napadaan ka?"

"Hinahanap na tayo ni Coach. Baka pagalitan pa tayo." Sambit niya bago sila tumakbo palayo saamin.

"Cute sana sits, kaso nakakairita siya." Pagsabat ni Kayla na ikina-ngisi ko.

"Ano daw Kayla?!"

"Ang sabi ko, nakakairita siya!"

"Bago yan."

"Wala naman akong sinabi ah!"

"Sus! Mangmangan pa! Gusto mo si Damian eh!" Pag asar ko sakanya.

"Mukha mo! Pasalamat ka wala yung Tyrus na sinasabi ng Roselle na yan." Pag irap niya.

"Alam ko naman na akin lang si TJ eh! Edi yours na lang si Damian!"

"Bahala ka na nga!" Sabi niya bago maglakad palayo saakin.

Hahaha! Matutulungan ko tong si Damian! Akala mo ah! Hindi ka makakatakas saakin Kayla!

Author's Note: Aminan na ba Kayla? Hahaha! Away away pa kay Damian eh!

And paano kaya mag aayos si Link at Isabel?

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now