Chapter 53

319 6 10
                                    

Tiffany's POV

"Girl, ayos ka lang?"

"Stacey, kailangan ko muna mapag isa." Walang emosyon na sambit ko.

Sinarado na ni Stacey yung pintuan at ako na lang mag isa sa kwarto.

You might know what happened right? Dalawa na yung lalaking nanliligaw saakin.

Two timer ba ako sa paningin niyo?

Kasi sa totoo lang nabigla ako sa panliligaw ni Luthor eh. You heard me right, si Luthor yung so called secret admirer na nagbibigay ng flowers at chocolate.

Flashback

Nakahiga lang ako sa kwarto ko nang biglang may nag doorbell. So as expected, umaasa ako na si Demyx yung pupunta.

Pagbukas ko ng gate, nanlaki yung mata ko sa nakita ko.

May hawak siyang bulaklak at tsokolate.

"Luthor??"

"Yep. It's been a while now." Sambit niya na nakangiti.

"For you." Pagbigay niya ng bulaklak at tsokolate at tinanggap ko na lang.

"If you're wondering who gave you flowers and chocolates for the past weeks or months, that was me. Ako yung nagbibigay niyan ng patago sayo." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Luthor..."

"Tiffany, I like you. Hindi ko man masabi sayo, pero totoo. That's why I'm asking you kung pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya.

"Oo! Este--"

"Great! I'm glad you've become one of my suitors. See you around?" Sambit ni Luthor na nakangiti.

Hindi ko na siya sinagot at kusa lang siyang umalis.

Napalingon ako nang makita ko si Demyx na naglalakad palayo kaya sinundan ko na lang siya.

"Demyx!" Pagtawag ko, pero hindi niya pa rin ako pinansin.

"Demyx! I'll explain everything!"

"So ano?! Magiging two timer ka na lang?! Magpapaligaw ka pa sa Luthor na yan?! Tiffany, hindi mo ba iniisip na pinapahirapan mo lang yung sitwasyon natin?! Hindi mo pa nga ako sinasagot, tapos magpapaligaw ka lang kung kani kanino!" Inis na sambit ni Demyx habang nagpipigil ako ng pag iyak.

"Demyx, nabig--"

"Pag isipan mo ito ng mabuti Tiffany!" Pagsabat niya bago umalis sa harapan ko.

"Nabigla lang ako..."

End of flashback

Bakit ka pa dumagdag sa problema ko Luthor?? Nakaka stress lang sa totoo lang.

Kinabukasan, pumasok na ako at nakikita ko lang si Demyx. Medyo dumidistansya lang ako sakanya dahil sa nangyaring panliligaw ni Luthor saakin.

"Tiffany..." Paglapit ni Natalie saakin.

Hindi na ako nagsalita at kusa ko lang siyang yinakap habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Demyx's POV

Umiiwas man ako kay Tiffany, pero hindi ko pa rin mapigilan na titigan siya. Minsan, napapaisip na lang ako kung mapagkakatiwalaan ba talaga si Luthor.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now