Anakin's POV
"K-Kuya Tanner?!"
"Ako nga!" Natatawang sambit niya na ikinainis ko lalo.
Nagpanggap pala siyang mabait! Bwisit kang hayop ka!
"Ano bang kailangan mo saamin?! Tsaka paano mo nalaman kung saan kami nagtatago?!" Inis na tanong ko sakanya.
"Simple lang! Naalala mo nung may sumabog na bomba sa mall? Pasimple lang akong nagtago at sumunod sainyo! Enjoy na enjoy nga kayong mag swimming eh! But now, ako na mismo sisira ng kasiyahan niyo!"
"MAMATAY KA NANG DEMONYO KA!!" Sigaw ko na ikinatuwa niya.
"Tanner, wag mong idamay yung mga bata dito sa kalokohan mo!" Inis na sambit ni Ate Camilla.
"Wag idamay?! Ha! Eh sila naman ang may dahilan kung bakit nasira mga buhay ng mga kapatid ko! Unang una! Nakakulong na si Leonardo nang dahil sainyo! Tapos nabaliw pa si Irelynn nang dahil saniyo! Sa tingin mo ba matutuwa akong makita sila ng ganyan?!" Inis na pagtanong niya.
"Wag mo kaming sisisihin kung bakit yan nangyari sa mga kapatid mo! Dahil sila naman ang may dahilan kung bakit nangyari yan sakanila!" Pag real talk ni Kylie.
"Anong sinabi mo?!" Inis na sambit ni Kuya Tanner habang linalapitan si Kylie.
"WAG MO SIYA LAPITAN HAYOP KA!" Sigaw ni Tyrus bago sipain si Kuya Tanner sa mukha.
"Hahaha! Sa tingin mo ba masasaktan ako sa sipa mong yan?!"
"Well! No wonder why psychopath ang mga Reyes na tulad niyo! Mga desperado kayo sa mga bagay na hindi niyo makukuha! Which is why in the end, nakakulong na yang si Leo at nabaliw yung hinayupak na Irelynn na yan!" Pag real talk din ni Brooklyn.
"Gusto mong ikaw yung susunod na mabaliw?!" Pagbanta niya.
"No need. Baliw na ako sa pagiging b***h sa mga taong walang ginawa kundi umepal sa buhay namin!"
"And don't think na mananalo ka dahil gagantihan mo kami para sa mga kapatid mo!" Sigaw ni Levi.
"Walang mangyayari sayong maganda Kuya Tanner! Sinisira mo lalo yung buhay mo!" Sigaw ni Tiffany.
"Mabubulok ka rin sa kulungan tulad ng kapatid mo!" Sigaw din ni Demyx.
"Baliw ka na rin Kuya Tanner! Katulad ka rin ni Irelynn na desperado!" Sigaw ni Isabel.
"Hahahaha! Matagal ko nang tinanggap na baliw ako! I already embraced my true identity!"
"Uhmm, actually your true identity is not that good. Para ka kasing nakashabu eh." Pagbiro ni Link na ikinatingin naming lahat sakanya.
"What? Halata naman na nakashabu siya eh."
"Hoy hoy hoy! Ikaw babae ka... diba ikaw yung girlfriend ng kapatid ko??" Tanong niya kay Hazel na nakatingin ng masama sakanya.
"Never in my life na matutuwa ako maging boyfriend siya!" Sigaw niya.
"Pasalamat ka, hindi ako mahilig manakit!"
"LIAR!!" Sigaw ni Riku na ikinatuwa niya.
"Tanner, kung tungkol ito sa ginawa ko sayo noon, bakit mo pa kailangan idamay yung mga bata?!" Inis na sambit ni Ate Camilla.
"Hahaha! Buti natandaan mo yung ginawa mo saakin na naging sanhi kung bakit ako nagkakaganito! Nung sinaktan mo ako simula nung nahulog ako sayo. Nung ipahiya mo ako sa harapan ng madaming tao!" Pagkwento niya.
"Hindi kita pinahiya Tanner! Ikaw mismo ang nagpahiya sa sarili mo! Masyado mong pinagmamalaki yung sarili mo simula nung manligaw ka! Ni maski isang beses, hindi ka nagtiwala saakin pag kasama ko yung mga kaibigan ko! Kung galit ka saakin, saakin mo ilabas yung galit! Wag na wag kang mandamay ng mga tao na walang kinalaman sa nakaraan natin!" Sigaw ni Ate Camilla bago siya sampalin ni Kuya Tanner.
"ATE CAMILLA!" Sigaw ni Natalie.
"LET US OUT OF HERE YOU BASTARD!!!" Sigaw ni Tyrus na nagpipilit na gumalaw.
"Sorry, was I too much? After doing this to my siblings, I will do this to every single one of you!"
"DEMYX!"
"LINK!"
"BROOKLYN!"
Pagsulpot bigla ni Kuya Nash kasama si Ate Giselle at Ate Aaliyah.
"Ahh, yes! Di ko aakalain na magkaka reunion tayong lahat dito!" Sambit ni Kuya Tanner na nakangiti.
"Tanner! Please! Tigilan mo na tong kalokohan na to! Wag mo nang idamay yung mga bata!" Magmakaawa ni Kuya Nash.
"Saamin ka galit diba?! Eto na kami! Ilabas niyo yung galit mo saamin!" Sigaw ni Ate Giselle.
"Walang kinalaman yung mga bata sa nangyari saatin dati!" Sambit ni Ate Aaliyah.
"Well well well! Hindi ito tungkol sa dati nating pinagsasamahan! Tungkol ito sa mga bubwit na yan na sumira ng buhay ng mga kapatid ko! And I'm glad na naging boss ako ng mga psychopath!"
"Matagal ka nang pinag iinitan ng mga tao! Tignan mo nga yung ginagawa mo Tanner?! Libo libong mga tao sa mall, nasugatan sa pagsabog! Ilang daan, namatay nang dahil sayo! Tapos gagantihan mo kami gamit yung mga bata?! Saamin mo na lang ilabas Tanner! Saamin mo na lang ilabas yang galit mo!" Magmakaawa ni Kuya Nash.
"Sa tingin mo ba uubra saakin yang pag aawa ninyo?!" Natatawang sambit ni Kuya Tanner.
"I show no mercy! Lalong lalo na sa mga nananakit saakin pati sa pamilya ko! Kaya ko binangga si Natalie para matumba eh!" Sambit niya na ikinainis ko sobra.
"MAMATAY KA NANG HAYOP KA!" Sigaw ko na ikinatuwa niya.
"Buti na lang hindi mo ako binudol sa kotse mo Demyx! Baka makasuhan ka pa eh!"
"Dapat sinagasaan na lang kita ng tuluyan! G**o ka!" Sigaw ni Demyx.
"Buti naalarma ka nung nasa bahay ako ng girlfriend mo! Di ko aakalain na genius ka!"
"A**hole!!" Sigaw ni Levi.
"Oh ano?! Masaya ka ba nung nabasag yung salamin ng bahay niyo?!"
"I'LL KILL YOU BASTARD!!" Sigaw ni Tyrus.
"Di ko aakalain na maaalarma ka sa text na binigay ko sayo Isabel! Gusto mong malaman kung sino talaga si Black Mamba diba?"
"Eh bakit ka nakatago sa puno? Unggoy ka ba? Hayys! Ang hirap pala pag nakashabu yung tao." Pagbiro ni Link.
"Isa pang biro! Babarilin ko yang pagmumukha mo!" Pagbanta ni Kuya Tanner habang tinututukan ng baril si Link.
"WAG MONG ITULOY! WAG YUNG KAPATID KO!!" Pag awat ni Ate Aaliyah.
"Lastly, ikaw babae ka! Sa ayaw't sa gusto mo, ibabalik kita kay Leo!"
"Over my dead body!!!" Sigaw ni Riku.
"Tanner tama na!!" Sigaw ni Ate Camilla na naiiyak.
"Please! Tanner! Ayokong may masaktan pa saatin! Tigilan mo na to! Tanner wag mong idamay yung kapatid ko. Wag mong idamay yung mga bata! Saakin mo na lang ilabas please!" Magmakaawa ni Ate Camilla habang humahagulgol.
"Kuya Tanner! Idamay mo na rin ako! Tutal may ginagawa din ako kay Irelynn diba?!" Mangiyak iyak na sambit ni Natalie.
"Natalie! What are you doing?!" Tanong ko sakanya.
"Anakin, mahal na mahal kita. Tandaan mo yan." Sambit niya.
"Okay then. One of you will die then!" Sambit niya habang tinututukan ng baril yung isa saamin.
"WAG!!!" Sigaw naming lahat bago niya putukin yung baril.
YOU ARE READING
Bad Hearthrobs
Fiksi PenggemarNatalie came from a rich family na lumipat ng school kung saan nakilala niya ang Gen Z Spartans. Paano niya haharapin ang mga badboys kung hearthrobs din sila? Mahuhulog ba siya sa isa sakanila? O kakalabanin niya para manahimik ang buhay niya?