Chapter 23

556 16 15
                                    

Brooklyn's POV

Lumipas ng ilang segundo, bumalik na si Hazel at Tiffany. Ano ba kasing meron kay Tiffany at Demyx?

"Girl, ayos ka lang?" Tanong ko kay Tiffany.

"Yes. Medyo naging okay na." Sagot niya.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit bigla bigla ka na lang umalis?" Tanong ni Kylie.

"It's something about sakanila ni Demyx." Sabi ni Hazel.

"Love quarrel pre!" Pagbiro ni Isabel na ikinasama ng tingin namin.

"What?"

"Isabel. Bad trip na nga si Tiffany, aasarin mo pa. Sabihin mo lang yung nangyari Tiffany, makikinig lang kami." Sambit ni Natalie.

Nalaman na namin yung nangyari kay Tiffany sa may locker area. Naintindihan ko naman yung side ni Demyx, pero bakit hindi man lang siya magtanong?

"Girl, pag usapan niyo to ng maayos. I-kwento mo sakanya kung ano yung nangyari." Pagpayo ni Kylie.

"Pero wag mong madaliin. Once na okay na siya, tsaka mo ikwento." Dagdag ni Natalie.

"Take things slow girl." Pagsabat ni Isabel. Huminga muna si Tiffany ng malalim bago magsalita.

"Thank you girls." Sabi ni Tiffany.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin ng biglang dumating yung Beast Beauty na si Irelynn. And take note, kasama niya pa yung ex ni Levi.

"Look who we have here Allyssa?" Pagsalita ni Irelynn.

"Irelynn. Kung naghahanap ka ng gulo, wag kami!" Inis na sambit ni Isabel.

"Oh, don't worry. Hindi kami naghahanap ng gulo. Sila yung naghahanap ng gulo." Pagpilosopo ni Allyssa.

May dalawang babaeng sumulpot sa tabi ni Irelynn na tumitingin saamin ng masama.

"So, ikaw pala yung babaeng lumalandi kay Tyrus? Sorry for the mean introduction, ako nga pala si Titania Roselle Acosta."

"Well well well, siya pala yung babaeng nagpahamak kay TJ." Sambit ni Kylie.

"TJ?" Pagtataka ni Roselle

"Wag mo nang alamin!" Pagsabat ni Kylie.

"So we meet again, Tiffany." Sambit ng isa pang babae na mukhang bruha.

"Harper... Quintell Harper Smith. Looks like wala pa ring pagbabago sa pagiging bruha mo!" Inis na sambit ni Tiffany.

"Well, looks like everyone is here... let's start this party shall we?" Sabi ni Irelynn bago niya tapunan ng tubig si Natalie.

"Natalie!"

"Tiffany!"

"Brooklyn!"

"Gelai!"

"Isabel!"

"Hazel!"

Lumingon kaming lahat ng nagsulputan ang Gen Z Spartans papunta saamin.

"Ayos ka lang Brooklyn?" Tanong ni Levi na mukhang nag aalala.

"Anong ginagawa niyo sakanila Irelynn?!" Tanong ni Anakin na may halong inis.

"Wala! Nag uusap lang kami." Mangmangan na sagot ni Irelynn.

"Wag ka nang magpalusot! Kitang kita ko yung ginawa mo kay Natalie!" Pagsabat ni Anakin.

"Hi Tyrus... did you miss me?" Tanong ni Roselle na hinahawakan pa yung braso ni Tyrus.

"Wag mo akong hawakan." Pagtapik niya sa kamay ni Roselle ng malakas.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now