Chapter 15.5

626 17 22
                                    

Anakin's POV

"Four matcha for Brooklyn, Natalie, Anakin and Levi!" Pagtawag ng babae sa counter.

"Kunin na natin Levi." Pagyaya ko sakanya. Tatayo na sana si Levi ng biglang siyang inawat ni Brooklyn.

"Uhmm, kami na lang ni Anakin kukuha!"

"I insist, kaya na namin to." Sabi ni Levi.

"Levi, please... ako na." Pagkumbinse niya kay Levi, kaya wala na siyang magagawa.

Tumayo na kami ni Brooklyn at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Anakin! Musta?" Allyssa? Yung ex ni Levi? Good thing inawat siya ni Brooklyn, baka magkaroon pa ng scandalo dito pag nakita niya si Levi.

"We-were alright. No worries." Sambit ko.

"Here's your order. Have a good day!" Good day mo mukha mo! Pag sinira ko araw mo, iyak ka!

Kinuha na namin ni Brooklyn yung order namin at sinabihan si Natalie at Levi na aalis sa starbucks.

Nang makalabas na kami, pumunta muna si Natalie at Brooklyn sa CR habang kaming dalawa ni Levi ang naiwan. Napapansin ko na sobrang tahimik niya hanggang ngayon.

"Bro. Ayos ka lang?" Tanong ko sakanya.

"Huh? Yeah, bakit?"

"Hindi halata. Is something bothering you?" Tanong ko na ikina-iling niya lang.

"Wala bro." The look in his eyes, I have a bad feeling na nakita ni Levi si Allyssa.

"Anakin!" Sambit ng pamilyar na boses. Paglingon ko...

"Anong ginagawa mo dito Irelynn?" Tanong ni Levi na may halong inis.

"Wala. Nagkatagpuan lang kami ni Anakin ko."

"Will you stop it Irelynn?!" Pagtapik ko sa kamay niya. Gusto pa akong hawakan sa kamay eh potek!

"Kung andito ka lang para manggulo, umalis ka na."

"And that's where you're wrong Anakin." Sambit ng pamilyar na boses ulit.

"Allyssa?!"

"Hey there Levi. Akala mo makakatakas ka saakin ah." This is bad... there's a big possibility na magka scandalo dito sa mall. And the worst part is, andito rin si Irelynn!

"Ano bang ginagawa niyo saamin?! Gusto lang namin ng katahimikan! Panira ng araw naman oh!"

"Oh don't worry Anakin... I'll make your day better." Sambit ni Irelynn bago mag lip bite.

"Subukan mo lang sirain ang araw ng boyfriend ko, malilintikan ka saakin!" Paglingon naming lahat, my heart started beating so fast.

"Natalie..." Bulong na sambit ko.

"Well, well, well, I didn't expect to see you again... Natalie the snake."

"Subukan mong tawagin ng ahas si Natalie, baka masampal pa kita ng wala sa oras!" Sabi ni Brooklyn na nagagalit.

"Brooklyn." Pag awat ni Natalie sakanya. Umawat naman siya at pumunta palapit kay Levi.

"Ahas man ako sa paningin mo, pero itong ahas na tinutukoy mo ay nangtutuklaw ng isang psychopath na katulad mo." Taas kilay na sambit ni Natalie.

"Psychopath talaga ako! And if you really are Anakin's so called girlfriend, prove it." Pag hamon ni Irelynn sakanya.

"Sige... pero kailangan muna natin lumabas. Nakakahiya sa mga tao eh." Hinawakan ni Natalie yung kamay ko, at hinila niya ako palabas sa mall habang sumusunod si Irelynn.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now