Chapter 40

391 8 2
                                    

Natalie's POV

"Natalie..." Mahinhin na paggising saakin ni Ate Camilla.

"Natalie, I see that one of your eyes just opened to see that I was here. Hello hi, good morning."

"Ate naman eh. Ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko."

"Si Anakin ba? Kung kaedad lang kita, uunahan agad kita." Pag asar niya.

"Subukan mo lang Ate! Baka nakalimutan mo, kami na ni Anakin."

"Ay weh? Eh bakit mo sinabi dati na hindi pa kayo?" Pag asar niya ulit.

"May sinabi ba ako?"

"Oo! Nung linibre ko kayo."

"Palusot ko lang yan kay Anakin."

"Sus, gusto mo bang angkinin ko?"

"Asa ka! Single for life ka naman eh!"

"Tama na nga yan. Speaking of Anakin, hinihintay ka niya sa may sofa." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Po?"

Hindi na akong nagdalawang isip na tumayo sa higaan ko at tumakbo papunta sa living room para makita si Anakin.

Bwisit naman! Na scam ako ni Ate Camilla!

"Issa prank!" Natatawang sambit ni Ate Camilla na ikinairap ko lang.

"Ate naman eh!" Pagreklamo ko.

"Chill! Masyado ka nanamang galit eh."

"Ano bang trip mo ngayon Ate?"

"Gusto mong lumabas? Just the two of us. Nakakamiss nang mamasyal kasama ka eh." Sambit ni Ate na nakangiti.

"Oh sige. Pero wag ka munang mang-trip ha?"

Later

Nakarating na kami ni Ate Camilla sa mall, at nagsimula na kaming mamasyal.

Ang saya ko rin dahil mas nakakasama ko pa si Ate Camilla ng matagal. Alam mo naman na ako laging mag isa sa condo habang si Ate nagtatrabaho sa China dati.

Pero andidito pa rin yung closeness naming dalawa as magkapatid. Kasi simula nung tumira ako sa tito ko, si Ate lagi yung nangangamusta saakin lagi, sakanya ko sinasabi lahat ng mga problema ko.

Kaya nung makatakas ako sa pamamahay ng tito ko, hindi nagdalawang isip si Ate na tulungan akong maghanap ng condo.

By the way, yung condo na tinitirahan ko ay condo niya rin dati.

Madami kaming pinuntahan ni Ate Camilla sa mall, nag shopping, nag cine, nag arcade, kumain, basta nag e enjoy talaga ako kasama si Ate Camilla ngayon.

"Natalie. Babalik ako agad ha? Bibili lang ako ng oreo." Sambit niya bago umalis.

Hay nako Ate, until now adik ka pa rin sa oreo.

"Natalie..." Napalingon ako at naghalo halo ang mga emosyon ko nang makita ko si Daddy.

"Daddy..."

"Anak..."

Kusang gumalaw ako palayo sakanya at naglakad para hanapin si Ate Camilla.

"Natalie!" Pagtawag niya saakin habang sinusundan ako.

"Natalie! Please! Mag usap tayo!"

"Tungkol saan Dad?! Diba hinayaan niyo lang ako na tumira kasama yung lintek na tito ko?! With all due respect, naiinis ako sainyo ni Mommy nung hinayaan niyo ako na sumama sakanya!" Sabi ko habang umiiyak.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit niyo ito ginawa saakin! Ilang taon po akong nagtiis sa pag aabuso saakin ni Tito! Ang sakit lang isipin na sarili kong magulang ang nagpaalaga saakin sa taong napaka abusado! Ilang buwan din akong naghirap na tumakas! Sa panahong yang, si Ate Camilla lang ang kumampi saakin!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin lahat kay Daddy yung nararamdaman ko.

Ang sakit...

Sobra...

"Anak... alam kong galit ka pa rin saamin ng Mommy mo bung pinapunta ka nila sa Tito mo. Pero sa totoo lang, hindi ko ginusto na mangyari to sayo."

"Kung hindi mo po ginusto, bakit hindi mo ako tinulungan?! Asaan ka ba nung kailangan na kailangan kita?!"

"Camilla, I'll tell you everything I know. Pero makinig ka muna saakin." Sambit niya na ikinasunod ko lang.

"It started nung tinatanong mo ako kung bakit kami nag aaway ng mommy mo dati. Nagsinungaling ako sago nung sinabi ko sayo na hindi kami nagkakaintindihan ng mommy mo. Your mom had an affair with your Tito." Nanlaki ang mga mata ko sa kwinento ni Daddy.

Mas lalo akong nakaramdam ng galit kay Mommy.

"Isang gabi, pumunta yung tito mo sa bahay natin. Narinig kong nag uusap sila ng mommy mo tungkol sayo. Binilin ng mommy mo na siya ang magbanantay sayo. Nakaramdam ako ng galit at kaba nung nalaman ko yan." Pagkwento niya ulit habang patuloy tuloy akong humahagulgol.

"Nag usap ulit kami ng mommy mo tungkol diyan. Sobrang naiinis ako sakanya na kahit ang sarili niyang anak, kayang isakripisyo para lang sa lintek na tito mong g**o. Pero binantaan nila ako na papatayin ka nila pag hindi ko sila pinigilan."

Ang sakit! Ang sakit marinig na sarili kong ina, kaya akong itapon na parang basura. And the worst part is, sa tito kong abusado ako tumira.

"Kaya nung kinuha ka na ng tito mo saamin, hindi na tumitigil sa pag iyak yung Ate Camilla mo. Iyak siya ng iyak hanggang sa dumaan din siya sa punto na pagkatapos niyang mag aral, nagtrabaho na siya sa China para tulungan ka."

"Dad..."

"At yung pera na pinapadala niya sayo para tumira ka sa condo niya, ako lahat ang nagbigay ng pera sayo. Hindi ko rin ito pinapaalam sa mommy mo dahil pag nalaman niya na tungkol sayo itong pera na to, palalayasin niya ako." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng mahigpit bago niya ako yakapin pabalik.

I realized na meron din pala akong kakampi kahit papano. Ang sarap sa pakiramdam na may magulang na kumakampi saakin sa panahon ng paghihirap ko.

"Thank you Daddy..."

"Tandaan mo, mahal na mahal ka ni Daddy ha?" Sambit niya habang umiiyak din.

"Natalie?" Napalingon kami nang makita namin si Ate Camilla.

"Camilla..." Pagtawag ni Dad bago manlaki ang mga mata ni Ate.

"Daddy!" Pagtakbo niya bago niya yakapin ulit si Daddy.

"I missed you so much my dear Camilla."

"I missed you too Daddy."

Pagkalas nila ng pagyakap, napangiti na lang kaming lahat nang magsama sama ulit kami.

"So... anything new?" Sambit ni Daddy bago punasan ang mga luha niya.

"Andami Daddy! Andami kong nalalaman dito kay Camilla!"

"Pero bago yan, sumama muna kayo saakin. Ililibre ko kayo!"

"Yay!! You're the best Daddy!" Sigaw ni Ate Camilla na ikinatuwa namin.

I'm so happy na nag ayos din kami ni Daddy after so many years. It really is a rollercoaster of emotions.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now