Chapter 17

578 12 15
                                    

Demyx's POV

"Demyx! Gising na!" Hayys, eto nanaman si Kuya Nash. Nanggigising kahit ang aga aga pa.

"Eto na Kuya! Kala mo naman, hindi ganyan dati."

"Kahit kailan talaga Demyx, hindi ka pa rin nagbabago. Tuwing may pasok, ako laging gumigising sayo." Natatawang sambit ni Kuya Nash.

"O siya siya, bumangon ka na." Sabi niya bago umalis sa kwarto. Well, boring na linggo nanaman.

A few minutes later

Nakarating na ako sa school, and as expected... nagtitilian ang mga girls sa paligid. Wala na kayong magagawa kung nakakairita tili nila, pogi ko kasi eh.

"WAAAHHH!!!"

"DEMYX!!!"

"DEMYX, PA MINE PLEASE!"

"NOTICE ME SENPAI!"

"I LOVE YOU DEMYX!"

Wala na akong magawa kundi ngitian sila. Ganun talaga ako kabait sa mga fans ko.

Napadaan ako sa locker room at natanaw ko si Tiffany na may kasamang babae.

"Hi girls!" Lumingon sila at iba ang ekspresyon nila sa mukha nila.

"Hi Demyx!" Sambit ng kasama ni Tiffany na mukhang kinikilig pa sa kagwapuhan ko.

"Stacey, mauuna na ako ah." Maglalakad sana palayo si Tiffany, pero hinawakan ko yung kamay niya at hinila ko siya papunta saakin.

"Sandali lang po ganda." Napabuntong hininga siya at tinignan ako ng masama.

"Ang aga mo naman para magsungit saakin." Napapansin ko na tinitignan niya talaga ako ng maigi. Mata sa mata, o kaya yung buong pagmumukha ko na sobrang nakaka in love.

"Oh, hindi ka makasalita? Ang ganda ng titig mo saakin eh." Umiwas siya ng tingin, pero linagay ko yung kamay ko sa mukha niya at hinarap ito saakin.

Namumula talaga ang pagmumukha ni Tiffany ngayon. Ang ganda niya talaga.

"Kinikilig ka no? No worries, nakakakilig talaga yang ganda mo. I'm sure isang halik lang sa labi ko, mabubuo na araw mo." Sambit ko bago siya kindatan.

Sa sobrang inis ni Tiffany, sinampal niya ako sa mukha.

"Ang hilig mong manira ng araw no Demyx?! Araw araw na lang! Sira lagi ang araw ko sa tuwing nakikita ko yang pagmumukha mo!" Sigaw ni Tiffany saakin.

Eto naman ako, ngumingiti ng parang ewan. Buo na lagi yung araw ko pag pinagtritripan ko si Tiffany. Ibang iba talaga siya sa mga babaeng nakilala ko.

"Bwisit naman oh! Iniwan pa ako ni Stacey ng dahil sayo!" Sabi niya na may halong inis bago maglakad palayo saakin.

Oo nga no? Ba't biglang nawala yung Stacey na yan?

A few hours later

Magre recess na kami. And this time, nasa iisang table kami ng Gen Z Spartans at ng mga babae.

Andaming nagbabago sa samahan namin ngayon. Una si Natalie at Anakin. Alam kong nagpapanggap sila na mag jowa, pero maniwala kayo o hindi, magkakatuluyan yung dalawa.

Sumunod naman si Riku at Hazel. Sobrang laki ng pinagbago ni Hazel nung nakilala niya si Riku. Babaeng may trust issues, hanggang sa babaeng mahilig makisama sa mga pakulo namin. Ang maganda, si Riku ang naging tulay ni Hazel kung bakit siya naging ganito.

Kylie at Tyrus. Bookworm, naging kaibigan ang isang basag ulero. Joke lang, fighter talaga si Tyrus. Pero improving yung friendship nila ah. May pa nickname pa sila na "Gelai" at "TJ Hotdog"

Ngayon, mas nagkakaayos na si Levi at Brooklyn. Oo, narinig ko yung balita na nagkita si Levi at ng ex niyang loko loko. Pero pinagtanggol pa siya ni Brooklyn, which is good. At least yan yung tulay ng pagkakaibigan nila. Ang lakas na nga nila makipag asaran eh.

Habang eto kami ng future bayaw ko, nangcha chancing sa magsungit at boyish.

"TJ, libre mo ako ulit next time ah." Sambit ni Kylie na nakangiti.

"I gotchu Gelai." Sus, may akbay ka pang nalalaman diyan TJ Hotdog ka!

"Demyx! Ano na?? Hindi mo ba kakaibiganin si Tiffany?" Pag asar ni Levi.

"Gusto ko talaga. Para mabuo na ang araw ni ganda." Sambit ko habang tumitingin sakanya.

"In your dreams!" Sabi ni Tiffany bago ako irapan.

"Tiffany, mabait naman si Demyx once you get to know him more. Why won't you give him a chance?" Sambit ni Natalie.

"Remember. Once a pervert, always a pervert!" Kahit kailan, napaka sungit talaga ni Tiffany. Pero di bale na, mahuhulog at mahuhulog din yan saakin pagdating ng panahon.

"Sige, sabihin na nating pervert ako. Sabihin mo na manyakis ako. Pero pag nahulog ka saakin, sisiguraduhin ko sayo na malaki talaga ang respeto ko sayo."

"WOW! BIG WORD! GALING PA TALAGA SA MANYAK NA KATULAD MO!"

"Pervert lang siya pagdating sa salitaan. Pero maniwala ka sakanya, sobrang laki ng respeto niya sa babae." Pagpaliwanag ni Riku.

"Pervert na may respeto?! May ganun ba?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Tiffany.

"Ako nga tinutukoy diba?!"

"Tiffany, tignan mo si Isabel. Kahit galit siya kay Link, chill lang sila. Pero bakit pagdating sainyo ni Demyx, sobrang laki ng galit mo sakanya at linalabas mo yung sama ng loob mo sakanya?" Sabi ni Hazel.

"Hazel's got a point though." Pagsangayon ni Riku.

"Basta, wala akong tiwala sa mga manyak na katulad niya!"

"Sige nga Tiffany, anong ginawa ni Demyx sayo na kinakainisan mo?!" Tanong ni Tyrus.

"Gusto mong malaman?! Sige! Nung pinilit niyo kaming sumama sainyo para pagtripan kami. Malala yung ginawa ni Demyx saakin!" Pagpaliwanag ni Tiffany.

"Hoy! Mas malala yung saakin! Pinagod kasi ako ni TJ eh." Sambit ni Kylie.

"Ang lakas mo pang mang uto." Natatawang sambit ni Tyrus.

"Basang basa nga ako dahil kay Levi eh!" Sabi ni Brooklyn.

"Gumanti ka naman." Pagsabat ni Levi.

"Eh si Anakin, pinilit niya ako mag cutting eh." Pag asar ni Natalie.

"At least you got to know me more." Sabi ni Anakin.

"Pasalamat kayo ganyan lang ginawa sainyo eh! Eh etong manyak na to, hinalikan pa ako ng walang dahilan!" Inis na sambit ni Tiffany.

"Ang daldal mo no! Gusto mo bang halikan ulit kita para tumahimik ka?!" Pagbanta ko sakanya habang nagpipigil ng tawa.

"In your dreams! A**hole!" Sigaw ni Tiffany saakin bago ako irapan.

"Tama na nga yan! Ang ingay niyo eh!" Pag awat ni Isabel.

"Chill, pretty boy. Nag aasaran lang sila, at least you can get to know every single one of us more." Pagtahan ni Link.

"Pretty boy ka diyan." Pag irap ni Isabel.

"Hi guys!" Sambit ng pinsan ni Tiffany na bagong dating lang.

"Stacey! Thank goodness, dumating ka! Samahan mo ako. May manyakis kasi na sumira ng araw ko eh." Sambit niya bago tumayo at sumama sakanya.

Hintay ka lang miss ganda, dadating din ang araw na lalapitan mo ulit ako.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now