CHAPTER 39

169 18 2
                                    

Amanda's POV

I was awaken by the sound of constant knocking from the front door. Kinukusot kusot ko pa ang mata ko dahil nanlalabo pa paningin ko habang naglalakad papuntang pinto.

Sino ba naman kasing nang aabala ng gantong oras?

I looked through the peephole and I was surprised when I saw Lloyd in the front door. Agad ko yong binuksan at isang malapad na ngiti ang bumungad sakin.

"What's up?"

"What's up ka dyan. Natutulog ako binulabog mo." I said grumpily.

"Sorry na. Napadaan lang kasi ako then I thought I should drop by."

"You don't need to---"

"Kilala na kita Amanda. I know something's bothering you." umiwas ako ng tingin at naglakad papuntang sofa. "You look restless. What's going on?"

"I'm just tired." sabi ko habang dumadapa sa sofa. Umupo naman sya sa loveseat katabi ng sofa at tinitigan ako.

"Kumakain ka ba nang maayos?"

"Bakit ba lagi nyo na lang tinatanong yan? Ganon na ba ako kapayat?" natawa naman sya.

"Oy ngayon lang kita tinanong ng ganyan 'no. You might be thinking of someone else." he winks. I rolled my eyes at tinalikuran sya.

"Bumangon ka nga dyan."

"Ano ba---" angal ko nang sinimulan nyang higitin ang binti ko pababa ng sofa.

"Bumangon ka!"

"AYOKO!" sigaw ko habang kumakapit nang mahigpit sa sofa.

"Samahan mo ako!" pagpupumilit nya habang patuloy akong hinihigit.

"Magpasama ka don sa girlfriend mong attitude!"

"Break na kami."

"Break na --- huh?" napatingin ako sa kanya at nakatayo lang sya sa tabi ko. "Kelan pa?"

"Last week pa."

"Bat kayo nagbreak?" tanong ko at umupo nang maayos.

"We both know it isn't going right na kaya tinapos na namin."

"Condolence."

"Condolence din sayo." sinamaan ko sya ng tingin pero pagkaraan ay parehas na lang kaming natawa.

"Alright, I'll get dressed. Wait a sec."

-----

"Bagong bar na nadiscover mo?" tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa bar stool.

"Yeah. We do gigs din dito minsan." tumango ako habang pinapaikot sa kamay ko ang basong hawak ko.

"Band with Migs?" he shakes his head.

"Minsan na lang namin makasama si Migs and also, minsang minsan na lang kami tumutugtog." I nodded.

Saglit kaming natahimik at tanging ingay lang mula sa paligid ang nakikinig namin.

"It's funny to think that this happened before." natawa naman sya at tumango rin.

"Parehas na naman tayong talunan. Hahaha!"

"But we won't be doing that thing this time, not anymore." I said and took a straight shot of the glass.

"Ayaw mo na sakin? Sakit naman non." pagdradrama nya.

Call Me, Amore (The Dating Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon