CHAPTER 24

220 15 0
                                    

Amanda's POV

Tahimik akong naglalakad sa hallway nang biglang may magsalita sa gilid ko. When I looked up, it's Apollo pala, wearing his bright and wide smile.

"You got your hair colored na ah? Di agad kita nakilala." sabi nya habang sinasabayan ako sa paglakad.

"Ah yes, just recently." I said.

"Kamusta kayo ni Kuya? Kaya pala kung bakuran ka non, kayo na pala. HAHAHA!"

"We're fine I guess."

"I guess? Di ka sure? Sa bagay kung si Kuya nga naman ang makakarelasyon mo di ka talaga magiging sure. Hahahahaha!" kumunot naman ang noo ko nang marinig ko yon at tiningnan sya.

"What do you mean?" he waved his hand and shakes his head.

"HAHAHAHA! Nothing serious naman. My brother's hot-headed and way too serious. Don't you think I'm a much better candidate?" nakangiti nyang sabi at nag taas baba pa ng kilay.

"I---"

"What are you doing?" sabay kaming napalingon sa likod nang makinig namin ang boses na yon. Para namang nakakita ng multo si Apollo nang makita ang kuya nyang masama ang tingin sa kanya.

"Hahahaha! Sto scherzando, fratello." he said and let out an awkward laugh, though I didn't understand what he said but I'm certain that it's in italian.

(Translation : I'm just kidding, brother.)

"Vaffanculo." seryosong sabi ni Ares at pumagitna sa aming dalwa.

(Translation : Fuck off.)

"Hahahaha! Oo na di ko naman aagawin. Nangamusta lang naman ako. Bye Amandyyy!" sabi nya at mabilis na naglakad palayo.

Kunot noo naman akong tiningnan ni Ares at kulang na lang ay magdikit na ang mga kilay nya.

"Since when did he give you a nickname? Are you two close?"

"Just now and no, we're not. Do you think I can still socialize?" nagsukatan pa kami ng titig at sa huli ay sya na ang kumalas.

"Naninigurado lang ako."

"Besides, I don't think I can last talking long with Apollo, his social life battery will drain mine." he chuckled when I said those words.

"Yeah, he's a pain in the ass and too damn talktative."

"And you're grumpy and have mood swings." hindi ko na inintay ang sagot nya at nag umpisa na muling maglakad. Narinig ko pa syang sinisigaw ang pangalan ko at pinagtitinginan na sya sa hallway.

Tsk tsk.

Actually I'm about to take off from work. It's past 5pm already and Ares is going to pull an all nighter as usual.

Pagpasok ko sa sasakyan ko ay agad kong binuksan ang makina at huminga nang malalim. I've read the message that I received a while ago.

It would be better if I'll just go home and take a rest after a long day, but unfortunately, my sister messaged me about the stuff that I left in our house. Apparently our parents is nagging her to call and tell me to take my things out.

How nice.

Medyo may kalayuan ang bahay nila sa tinitirhan ko. Sa tagal ng panahon na hindi ako umuuwi don, muntik ko nang makalimutan ang daan.

Sana nga nakalimutan ko na lang.

Habang nagmamaneho, samu't saring mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag muli ko silang nakita. Tuwing umuuwi ako, napakabigat sa pakiramdam ko, kulang na lang sabihin ng mga magulang ko na lumayas ako sa pamamahay nila.

Call Me, Amore (The Dating Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon