CHAPTER 42

195 16 0
                                    

Lloyd's POV

"Come on bro, konting shot lang naman eh."

"Oo nga para namang walang pinagsamahan." I chuckled and shake my head as a refusal.

"Imma pass tonight." I said while wrapping up my instruments.

"May kikitain ka ano? Si Lloyd naglilihim na satin mga pre."

"Gago. May gagawin lang ako sa bahay." isinakbit ko na sa braso ko ang guitar case at tiningnan sila isa isa. "Umayos kayo kapag bukas nabalitaan ko na naman kayong nang away malilintikan kayo sakin."

Sabay sabay silang tumayo at sumaludo.

"YES MASTER!!!" natawa na lang ako at nagpaalam na. Madalas kasi sila mapaaway kapag napapainom. Hindi naman sila ang nagsisimula pero lagi silang nasasangkot.

Dumiretso na ako sa bahay at naglinis. I'm planning to move out. Mas mabuti kung lilipat ako don sa mas malapit sa pinagtratrabahuhan ko. Nakakuha naman na ako ng bagong condo, gayunpaman, hindi ko maiwasang hindi malungkot ngayong lilisanin ko na ang bahay na 'to dahil dito na ako tumira simula nang pumunta ako dito sa Maynila.

Inisa isa ko ang mga gamit sa paglalagay sa mga kahon. Ung ibang hindi kailangan, pinagtatapon ko na lang, makakadagdag pa sa bigat ng dala ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilipat ng mga gamit nang may mahulog mula sa pagkakasangat sa mga libro.

Linapag ko na muna ang dala ko at pinulot sa sahig ang nahulog na litrato at don ko napagtanto na kuha pala naming dalwa ni Amanda yon.

I remember this one. This is the first photo na kaming dalwa lang ang nasa frame and also the first and last photo that we took while Amanda is smiling. Usually pag nagpipicture kaming dalwa, nakapoker face lang sya, she doesn't bother to put a smile at all, isang rason kung bakit nasa akin pa rin ito.

Amanda is a precious friend of mine. We may have done something that we shouldn't have done in the past but still, I treated her as a true friend. Nasubaybayan ko kung paano sya nagbago. Kahit hindi nya sabihin sakin ang buong kwento, alam kong nagkaproblema sya sa pamilya nya.

She is a family-oriented person. I know how much she loves her parents and her only sister. Natatandaan ko pa kung gaano nya pinagmamalaki ang magulang at kapatid nya sakin at kung paano magningning ang mga mata nya tuwing nagkekwento sya.

Nakita ko rin kung paano sya magpursigi sa pag aaral nya. Minsan kapag napapadaan ako sa bahay nila dati, kahit gabing gabi na, bukas pa rin ang ilaw sa kwarto nya at nakikita ko syang nakaupo sa kanyang study table at abala sa pagbabasa ng libro. Her parents got a high expectation on her, kaya ginagawa nya lahat nang makakaya nya para lang mapasaya sila na kahit minsan, nakakaapekto na sa kanya.

-----

"Why don't you take a break first?" I suggested. Pumipikit pikit na sya habang binabasa ang kanyang reviewer kanina pa. I doubt there's information going in her mind.

Umayos sya ng upo at kinusot ang mata nya.

"I don't have the luxury to rest. I need to ace the test."

Kabilib bilib lang dahil Grade 6 pa lang kami, pero ganyan na sya kasipag samantalang ako, kagaguhan lang alam sa school.

"May naiintindihan ka pa ba sa binabasa mo?"

"Meron. Bakit?"

Call Me, Amore (The Dating Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon