CHAPTER 8

241 18 0
                                    

Amanda's POV

Pagtungtong ko pa lang sa Solstice ay binati na agad ako ng mga nasa receiving area. Sa di kalayuan ay nakita kong papalapit na si Camari.

"Good morning, Ms. Cheng." she smiles.

Even Camari, she looks like a model. I mean she's very good looking and her posture is perfect.

"Good morning, Camari." bati ko pabalik. I was hesitant to call her just by her name, but the last time we talked, she told me to call her that way, mas naiilang daw sya pag inaddress ko sya in a formal way.

"I'll drop you off to your assigned department. Oh by the way, here's your ID, be careful not to lose it." she handed me my ID and even the ID looks expensive.

"I will. Thank you."

"Come, follow me."

This building is huge, and the construction is kimda confusing dahil maraming paliko liko, kumg maglalakad ako dito mag isa, paniguradong maliligaw ako.

Nang makarating kami sa 5th floor, pumasok kami sa kauna-unahang pinto kung saan may mga taong abala sa pagtatahi at ung iba naman ay nagdedesign gamit ang software. Kapansin pansin rin ang mga nakapaskil na pictures ng mga draft nila sa whiteboard.

"Mr. Reviello would like to tell you that he knows that your forte is designing gowns, however, he wants you to explore more so he assigned you to help the designing team for the upcoming release of new set of designs for the rainy season collection."

"What will I do, exactly?" medyo confused ko pang tanong.

"Since ung designing team ang assigned sa paggawa ng first batch ng damit, they are the ones na gumagawa ng designs, pumipili ng tela, bumibili ng materials. Now kung anong ipapagawa ng seniors sayo, un ang gagawin mo. Well it's mostly running errands or helping them in shopping the materials, then probably tutulong ka rin sa pagtatahi. Ung first batch kasi, un ung ipapadala natin sa factory where iduduplicate na ung original design ng tailors ng Solstice." she explains.

"Okay, thank you."

"Tell me if they're making you do things unrelated to your job and I'll report it right away to Mr. Reviello, okay?"

"O-okay." tanging nasabi ko.

Pinakilala na ako ni Camari sa mga kasamahan ko at limang tao lang sila don. Mukhang mababait naman silang lahat at madaling pakisamahan.

Nang iwan na ako ni Camari ay dumiretso na ako sa cubicle ko. Medyo naiilang pa akong gumalaw dahil pakiramdam ko ay nakatingin silang lahat sakin.

Maya maya ay lumapit sakin na nakasalamin na babae. Eto na naman tayo sa nakasalamin...

"Hello! I'm Leah, the head manager of this department, pero wag kang maiilang sakin ah? Casual lang pakikitungo namin dito sa department para maging magaan ang working environment." she smiles.

"I'm Justin. Nice to meet you!" bati nung baby-faced na lalaki.

"Cleo here! Hello!" pagkaway naman nung babae na nasa dulong cubicle.

"Conrad at your service!" sabi naman nung isang naglalagay ng beads sa damit.

"Hello! Amanda, right? I'm Jessica." bati nung isa at nakipagkamay sakin.

"Omg may lahi ka bang chinese? Look at your skin! Aaah sana lahat ganyan ka-flawless ang balat." sabi ni Cleo habang sinisilip silip ako.

"Yes, I have 1/4 chinese blood." I smiled but I think it came out awkwardly.

Call Me, Amore (The Dating Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon